⛈️
Chapter 43"Congrats, guys!" bati ko sa mga kaibigan pagkatapos ng laban nila. Kahit na hindi ako 'yung naglaro, ramdam na ramdam kong nanalo rin ako. We've never won against our sister team.. Ngayon lang. This is the first time that the Titans beat Cool Smashers.
I watched Deanna and Bel come to me with teary eyes. "Finally!"
Sumali rin si Thang sa naging yakapan naming tatlo. "Ang gagaling niyo!" papuri ko sa kanila. Alam ko namang malakas talaga ang Titans, tumitiklop lang pagdating sa CCS. Pero sa nilaro nila kanina, they fought back real hard. They've also given their sister team a hard time.
Nang tawagin sila ni Coach Dante for huddle ay agad na natauhan ako. Agad na hinanap ng mga mata ko si Bea. Bei..
Hindi magawa ng mga paa ko na maglakad papalapit sa kanila dahil alam kong maraming mga matang nakaabang. Nang mahagip ng paningin ko si Beatriz ay agad na napalitan ng lungkot ang kaninang nagdidiwang kong puso. How could I celebrate just like that when I know that on the other side of the court where Bea defended lost?
Nang makaalis ang parehong team sa loob ng arena ay agad na lumapit na sa akin ang driver ni Bea. "Hintayin na lang po natin si Ma'am Bea sa parking area, Ma'am Cait?"
Nahihiya naman akong tumango. Hinding-hindi yata ako masasanay sa pagtawag nila sa akin ng Ma'am. Ilang beses ko na silang pinakiusapan na Cait na lang ang itawag sa akin.
Malayo pa lang ay ramdam ko na ang mabigat na pakiramdam ni Bea. Nakayuko ito habang palapit sa amin. "Hey.." she greeted forcing a smile.
Ngumiti ako sakanya. "Nice game.. Ang galing mo! Kaya pa namang bumawi sa next! Makakapag-finals ka, Bei.."
She caught my hand and held it tight.. "Thank you for believing in me, love." then she tried smiling again.
Nang makapasok kami sa sasakyan ay agad na ipinikit niya ang kanyang mga mata. Mas lalo tuloy akong na-guilty dahil sa naramdaman kong saya kanina.. Nawala bigla sa isip ko na nasa kabilang team na nga pala si Bea.
Habang pinagmamasdan ko siya, for sure ang dami nang tumatakbo sa isipan niya. Alam kong nadadagdagan ang pagdududa niya sa kanyang sarili. She really wants to prove herself..
My phone rang.. The called ID flashed on my screen.
"Uy, Bel?"
"Saan ka? Dinner tayo nila Deanna! Libre daw niya."
Nilingon ko agad ang nakapilit pa ring si Bea. Hininaan ko lang ang boses ko dahil baka nakuha na nito ang tulog niya.
"We're on our way home na pero kakalabas pa lang naman namin ng arena.."
"Kasama mo si ate Bei? Sabihin mo dinner tayo, please?"
"Hindi na siguro, Bel. Pauwi na kasi kami.. Kayo na lang magdinner. Sabihin mo kay Deans bawi sa akin next time." biro ko pa sa kausap.
BINABASA MO ANG
Drifting Through The Clouds
FanficUAAP Pride Series #3 A CaitBea Fanfic. As Caitlin stood there, she felt overwhelmed and lost. She had to make a decision. But how could she possibly know which one was right for her? The weight of the situation felt heavy on Cait's shoulders, and s...