AUGUST VAN HYDEN
Tirik na tirik ang araw.
Malakas ang hiyawan ng mga babae sa bleachers, habang ang mga lalaki sa 10th grade ay nasa field.
Subject ng P.E. namin ngayon pero dahil absent ang teacher namin, we decided to play soccer. Our class, Class A vs the Class B.
Halos nakatayo lang ako sa harapan ng goal dahil ako ang nautusan maging goal keeper, pero dahil halos mga athletes ang nasa Class A hindi nila hinahayaan makapuntos ang kalaban.
I feel so bored while watching the real action happening on the middle of the fields.
Isa pang nakakainis ay imbes na suportahan ang buong team, halos iisang pangalan lang ang sinisigaw ng mga babae, ang pangalan ng kapatid kong si Richard.
Nakakainggit, sana all sikat sa buong campus.
All eyes are on him, siya lang ang bida dito sa field.
Nang natapos ang oras sa second match, puro dismayado ang mga mukha ng mga Class B at meron din akong nakikitang ang sama ng tingin nila kina Richard.
Hindi ko na kinaya ang init ng araw, feeling ko napapaso na ang balat ko kaya tumakbo na ako sa bleachers.
"August!" My attention was caught after someone called my name.
My bestfriend Cairo waved hand and gestured for me to come to him.
Pumwesto siya malapit sa gilid ng bleachers, malayo sa mga taong nandoon.
"You've done well," komento niya at inabot sa akin ang malamig na bote ng mineral water.
Napataas ang isang kilay ko, is he being sarcastic?
"Pero wala naman akong nagawa, how can you say that?" naguguluhan kong tanong.
Natawa sa akin si Cairo, and I found it annoying.
"Exactly, hindi ka naman marunong mag-soccer. You've done well of not letting our class lose, kaya magpasalamat ka nalang sa mga teammates mo na magagaling dumepensa, dahil kung hindi baka nakapuntos na ang Class B."
Ang supportive naman nitong kaibigan ko, ang sarap buhusan nitong tubig na hawak ko.
"Look who's talking, at least he tried kesa naman sa isa dyan na laging hindi nag-pa-participate sa PE."
Pareho kaming napalingon ni Cairo sa nagsalita.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Frederic sa amin at narinig ang pinag-uusapan namin.
Kaibigan siya ni Richard, at pareho silang dalawa ng ugali, mga mayayabang.
Sumalubong ang magkabilang kilay ko sa kanya, "Hey, don't talk to him like that."
Cairo can speak like that to me, I don't mind it, but when others are insulting him to defend me, I hate it.
"Tsk. You spoil him to much." Kinuha niya ang bag niyang nakalagay sa kanan namin saka umalis.
Napabaling ako kay Cairo, ang sama pa rin ng tingin niya kay Frederic.
The reason why Cairo doesn't participate in our PE dahil sa asthma niya.
Not only that, he seems like a very delicate guy. His skin is a pale and smooth, his body is a bit thin and slim, at maamo ang kanyang mukha.
"Tara na? Bumabalik na ang mga kaklase natin sa classroom," wika ni Cairo at tumango ako.
Bitbit ang bag ko, dumaan muna ako sa banyo para makapagpalit ng damit ko. My PE shirt smelled like shit, grabe ang pawis ko kahit nakatayo lang sa ako sa ilalim ng araw.
----> ° ๑ ♡ ๑ ° <----
"Madison, hindi kita nakita sa field kanina. Nawalan tuloy ako ng inspirasyon," boses ni Richard ang bumungad sa amin nang nakabalik na kami sa classroom.
Matagal nang sinusuyo ni RIchard si Madison but there's no development.
Hindi pangkaraniwan ang ganda niya, idagdag pang nanggaling siya sa maimpluwensiyang pamilya, kaya marami ang nagkakagusto sa kanya.
I hate to admit it pero isa rin ako sa mga nagkakagusto sa kanya, this is one of my secret that no one knows including Cairo, at wala akong balak na sabihin ito, respeto na rin sa kapatid kong baliw kay Madison.
"Shut up. Nagsasawa na akong makita ka, kaya bakit pa ako magsasayang ng oras pumunta sa field," seryosong wika ni Madison, ngunit patuloy pa rin sa pangungulit si Richard.
Ang ibang kaklase ko naman ay aliw na aliw sa panonood ng eksena ng dalawa.
Bahala na silang magkagulo dyan. Dumiretso na kami ni Cairo sa upuan namin.
Tumigil lang sila nang pumasok na sa silid ang susunod na subject teacher namin.
Dapat ginawa nalang nilang last subject ang PE, nakakapagod na tuloy makinig sa susunod na subject.
Sa sumunod na dalawang oras, tulala lang akong nakatingin sa harapan at wala na akong ideya sa mga sumunod, ni hindi ko alam kung ano na ang tinuturo sa amin.
Nagising lang ang diwa ko nang narinig ko na ang tunog ng school bell.
"Uwian na!" Sigaw ng bida-bidang kaklase namin pagkatapos lumabas ng huling teacher na nagturo sa amin.
"August," tawag sa akin ni Cairo habang pinapasok ko sa bag ang mga notebook na nilabas ko kanina.
"Bilisan mo, sasamahan mo pa ako mamili ng mga art supplies, hindi ba?" saad niya.
Tumango ako bilang tugon sa kanya, though hindi niya na kailangan ipaalala sa akin yan dahil every week naman siyang nagpapasama para bumili ng mga art supplies.
Cairo is an talented artist, ilang beses na siyang nanalo ng first prize sa mga poster making, murals at iba pang mga art contest na ginawa on or off campus.
Binilisan ko na ang pag-aayos, at sinuot ang bag sa likuran ko.
"Wait, August!"
Automatiko akong napahinto sa paghabol kay Cairo, I was surprise to hear that voice calling my name.
Bihira lang kaming magkaroon ng interaksyon ni Madison kaya hindi ko maiwasan na kabahan kapag kaharap ko na ang crush ko.
May pinulot na mga papel si Madison sa sahig saka lumapit sa akin.
"You dropped this," nakangiting wika niya at inabot ito sa akin.
"Huh?" Tila nabighani ako sa magandang ngiti ni Madison, kaya parang tambol ang pagtibok ng puso ko.
They were right, she really looks like an angel. Hindi ako magsasawang titigan siya buong araw.
"Salamat!" narinig ko ang boses ni Cairo at bumalik ang diwa ko nang kinurot niya ang balat ko sa braso.
Si Cairo na rin ang kumuha sa mga papel na kanina pa inaabot ni Madison.
Oh shit! I can't believe I was just staring at her for several seconds.
I probably look weird to her right now.
What an embarrassment!
"Tara na, ang bagal mo!" Nagulat ako ng biglang tumaas ang boses ni Cairo at hinablot niya ang braso ko saka hinila palabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Anonymous Admirer (BL)
RomanceAugust received a love letter confession without knowing who it was from or its name. Because of curiosity, he sets out to find his anonymous admirer. Date Started: December 2023 Date Ended: April 2024 Status: COMPLETED Copyright©2023 by Fiyore