4

106 4 0
                                    

CAIRO


Lunes ng umaga, ang lakas buhos ng ulan.

Malas ka kapag nag-co-commute ka lang papunta sa paaralan, katulad ko ngayon na medyo nabasa na ang uniform ko, at naputikan pa ang suot kong sapatos pagkababa ko ng jeep.

Pagkapasok ko sa school building, dumiretso muna ako sa banyo.

Bahala na ang nabasang damit ko dahil matutuyo naman ito mamaya, pero ibang usapan ang madumi kong sapatos.

Kinuha ko sa bag ang panyo at binasa ito sa gripo at ito ang pinunas ko sa sapatos ko.

Marami naman akong panyo sa bahay kaya tinapon ko nalang ang maduming panyo ko sa basurahan saka lumabas na ng banyo.

Its too early to go to the classroom kaya sa locker hall muna ako pupunta.

Mag-isa akong naglakad sa hallway, at kahit saan ako lumingon maraming pulang puso ang nakasabit sa paligid.

May mga couples din akong nadadaan na nagbibigayan ng bulalak at ng mga regalo.

For a moment bigla ko nang nakalimutan ang araw na ito.

February 14.

Nakakairitang makita ang mga nasa paligid ko, paaralan pa ba ito? Parang nagiging dating place na eh.

Bad mood na nga ako dahil sa masamang panahon, dumagdag naman ang mga ito.

I reached the locker hall at nakita kong nandun din si August. He was staring at his own locker at para na siyang estatwa na hindi gumagalaw.

Lumapit ako sa locker ko na katabi lang ng kanya, I'm already at his side pero mukhang hindi niya pa rin ako napapansin.

Kinurot ko ang balat ng braso niya kaya medyo napatalon siya at gulat na humarap sa akin.

"C-cai? Nandito ka na pala," he said, finally noticing me.

"What's up with your expression earlier? Para kang namatayan sa lungkot ng mukha mo," saad ko.

"Nakakainggit si Richard, alam mo bang pagkapasok palang namin dalawa sa school gate ay dinumog na siya ng maraming babae at lahat sila ay may dalang bulaklak at tsokolate para sa kanya," pagkwento niya.

"Okay lang yan, nakatira naman kayo sa iisang bubong kaya makakakain ka rin ng mga tsokolate na binigay nila sa kapatid mo," wika ko at binuksan ang locker ko saka kinuha ang textbook na kailangan ko para sa araw na ito.

"Cai naman! You don't understand me."

Hay nako, pasalamat kang crush kita kaya tinitiis ko yang pagiging childish mo.

Tsaka anong 'you don't understand me', hindi lang ikaw ang nagseselos na hindi binigyan ng kahit isang pirasong bulaklak man lang.

"Siguro nga totoong hindi ako attractive, that's why no one likes me," aniya.

"Don't look down on yourself! I like you, August. Kaya wag mong isipin yan."

Oh no, nadala ako sa emosyon ko. I looked at August face to see his reaction, I see no sadness, confuse, nor disgust. Instead he smiled at mas lumapit sa akin.

Ako pa yata ang nagulat ng yakapin niya ako.

"I also like you Cai, your such a supportive friend."

Argh! Gusto ko yatang umiyak!

Bakit ba kasi ang slow mo? I already confessed pero hindi mo na-gets ang totoong intention ko!

Pero sige, wala na akong magagawa kung hanggang best friend lang ang tingin mo sa akin. I will try to be happy and satisfied as long as we are together.

"Kamusta nga pala ang art exhibit na binanggit mo noong sabado? Pumunta ka ba?" tanong niya pagkatapos niya akong bitawan.

"No, ang boring kung ako lang, kaya hindi na ako tumuloy," sagot ko at sinubukan kong itago ang pagkadismaya ko na hindi siya pinayagang lumabas kahapon.

"I'm sorry Cai! Promise, babawi ako next time, kahit saan mo gustong pumunta sasamahan kita kapag hindi na ako grounded," he said with full determinations, kaya hindi ko naiwasang matawa.

"Okay, I'll remember that promise."

----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----

AUGUST VAN HYDEN


Just like the previous year, walang guro ang nagpaklase sa highschool department, kaya whole day kaming magkakaroon ng free time.

Lahat ng mga estudyante dito sa classroom ay may sari-sariling mundo. May ibang nag-ja-jamming sa pagtugtog ng guitara sabay kanta ng mga opm songs, ang iba naman ay nakikipag-tsismisan lang, at ang mga matatalinong kaklase namin ay nagbabasa nalang ng mga librong dinadala nila.

Nakakaantok, wala akong magawa dito kundi ang mag-scroll sa Facebook na puro memes tungkol sa Valentines Day ang laman sa newsfeed ko.

Lumingon ako sa katabi kong si Cairo na busy sa pagdra-drawing sa kanyang sketchpad.

"Dapat pala hindi na tayo pumasok kung wala naman pala tayong gagawin dito," reklamo ko kaya napatingin sa akin si Cairo.

"Tama ka, ang boring nga dito. Tara, mauna na tayo sa cafeteria," aniya at sinimulan niya nang iligpit ang mga gamit niya sa loob ng bag, saka tumayo at lumabas ng classroom.

Sumunod naman ako sa likuran niya, ngunit marami na rin palang mga estudyante sa ibang section ang lumalabas sa classroom, kaya pati sa cafeteria ay maingay at halos puno na.

"Tutuloy pa ba tayo sa loob ng cafeteria?" nag-aalangan kong tanong.

"Siyempre naman, tutal nandito na tayo. Tsaka nagugutom na ako."

Malakas ang loob ni Cairo na pumasok sa cafeteria na parang ginawa nang dating place dahil sa dami ng mga couples.

Bumili lang kami ng mga biscuits at softdrinks.

"Sa classroom na natin ito kainin," suhestiyon ko.

"Anong masama kung dito tayo kakain." Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy siyang maghanap ng bakanteng mesa.

"Ayun!" Turo niya sa mesang nasa gilid ng cafeteria.

Napabuga nalang ako ng hangin, minsan ang tigas ng ulo nitong kasama ko. Pero wala naman akong magagawa kundi samahan siya dahil ayokong iwan siya mag-isa dito.

"Hi guys," biglang bati sa amin ng babaeng nakasuot ng senior high uniform.

She smiled brightly while looking at me and Cairo.

Jenna Sanchez.

Everyone knows her as the school journalist club leader. Siya ang naghahatid ng mga balitang nagaganap sa Silvester Academy online in our school's forum.

I could already guess why she's in front of us, she's trying to find a good scope of news.

Behind Jenna, is her assistant and photographer, Andrew.

Taking pictures and videos are his hobbies.

Siya rin ang dahilan kung bakit nahuli si Richard ng mga magulang namin dahil sa post niya sa FB account niya.

"You're August, right?" tanong ni Jenna at tumango lang ako bilang sagot.

"I know your brother, Richard," dagdag niya.

Hindi na ako nagtataka, of course everyone knows Richard. Sikat siya pati sa senior high department.

Lumipat ang paningin ni Jenna kay Cairo.

"August, is he your boyfriend?" she asked.

Huh? Ang tindi rin ng imagination ng babaeng ito.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon