17

55 2 0
                                    

RICHARD VAN HYDEN


For some people like me, the following days are just another typical day. Walang bago, at walang inaabanggan sa buhay.

Pero alam kong magkaiba kami ngayon ni August.

Halatang-halata na nung bigla siyang pumasok sa kwarto ko nang hindi man lang kumatok.

His smile was so bright, tila kinakalaban niya ang sikat ng araw.

“My good brother, you look handsome today,” he complimented me.

Imbes na matuwa, tinaasan ko siya ng isang kilay.

Hindi ako pinupuri ni August nang basta lang dahil wala naman siyang pakielam sa itsura o suot ko araw-araw. Though I already know what's next dahil ginagawa niya rin ito dati.

“Anong kailangan mo?” tanong ko. Unlike him, I am a straight-forward person.

“Wow, you guessed my intentions right,” he said, not denying that fact.

Nasa gitna ako nang pag-aayos sa buhok ko bago niya akong istorbohin, kaya muli akong tumingin sa salamin at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

“Bro, dumaan muna tayo sa bahay nina Cairo. Isabay na natin siya papunta sa Silvester Academy,” saad niya, at muli na naman akong napahinto para tingnan siya.

“Hoy, wag kang excited. Magkikita pa rin naman kayo sa paaralan,” sambit ko.

“Please brother!”

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa kakulitan ni August.

Hayst. He's such a love sick guy, kaya ang hirap tanggihan.

Sige, magiging mabuting kapatid muna ako sa kanya.

Kinuha ko na ang susi ng sasakyan sa drawer ng mesa ko.

“Let's go,” wika ko.

“Teka lang, sasabihan ko muna si Cai.” Napahinto ako sa paglalakad at lumingon ulit sa kanya.

“Ibig sabihin hindi niya alam na susunduin natin siya?”

“Not yet.” Umiling-iling siya habang nakatingin sa screen ng phone niya.

“It's fine. He'll agree to come with us, and you're easy to convince anyways,” dagdag niya na hindi ko kinatuwa.

“ANONG SABI MO?!”

---


In the end, heto ako at nagpauto pa rin kay August.

Abot tenga ang ngiti ni Cairo nang pumasok sa passenger seat kung nasaan din nakapwesto si August.

Pinanood ko sila mula sa side mirror, mahigpit na niyakap ni August si Cairo na parang ngayon na lang ulit sila nagkita.

After mom lifted our two weeks punishment of being grounded the other day, lagi nang gumagala sina Cairo at August tuwing weekends, so basically araw-araw na silang nagkikita.

Sa buong biyahe namin papunta sa Silvester Academy, they talked about random things and laughed na parang sila lang dalawa ang nasa mundo at kinalimutan na ako.

I gotta admit, they're a cute couple and as sweet as sugar. But for some reason, I felt jealous.

Hinihiling kong kasingswerte ako ni Cairo na kaagad sinuklian ang pag-amin niya sa kanyang damdamin sa taong gusto niya.


Hindi pa masyadong traffic sa dinadaanan namin papunta sa SIlvester Academy kaya kalahating oras lang ay nakarating na kami.

May parking lot ang academy kaya doon ko pinarada ang sasakyan.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon