6

80 4 0
                                    


AUGUST VAN HYDEN


"Huh, ano 'to?" tanong ko sa sarili nang may makita ako sa loob ng bag ko.

A pink envelope.

Oras na ng uwian bago ko ito napansin, pero wala akong ideya kung paano nakarating ito dito.

"Kanino mo ibibigay yan?" nagulat ako nang biglang magsalita ni Cairo.

Curious din siyang nakatingin sa loob ng bag ko.

Umiling ako, "Hindi yan galing sa akin."

"Then forgive me, mali pala ang tanong ko. Kanino galing yan?"

I shrugged my shoulders.

"Wala akong ideya."

"Then open it and see what's inside," saad ni Cairo, at sinunod ko naman.

Binuksan ko ang sulat at tahimik ko itong binasa.


My dearest August,


In four years, we're always in the same class.

In four years, we always see each other.

However, you don't notice my feelings for you even I'm always by your side.

Is there a chance for you to also love me the way I love you?


Love, M


"Sino si M?" bulong ko ulit sa sarili.

Is this a prank? Pero sana naman ay hindi dahil first time kong makatanggap ng confession letter.

Ikakatuwa ko na sana dahil sa wakas may nagkakagusto pala sa akin, kaso ang nakakalungkot ay nagpa-mysterious pa siya.

Sana sinulat nalang niya ang buong pangalan niya para hindi na sumakit ang ulo ko umisip kung sino ang posibleng nagsulat nito.

Hindi naman ako basta-bastang nagrereject ng confession dahil hindi ako ganun ka-arte sa biyaya.

But I'm curious to know who this is kaya susubukan ko siyang hanapin.

Operation: Finding M


----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----


CAIRO


I respect everyone's privacy, at alam kong maling asal ang basahin ang liham na hindi para sa iyo, kaya hinayaan ko si August na basahin ito ng payapa.

Pagkabigla, kasiyahan, at pagkalungkot. Ito ang napansin ko sa mukha ni August.

Because of it, I'm getting more curious to what it says.

"So ano? Anong meron?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot.

Seryoso niyang tinititigan ang papel at tila wala nang naririnig sa paligid.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon