13

56 3 0
                                    

AUGUST VAN HYDEN

"In four years, were always on the same class. In four years, we always see each other.

However, you don't notice my feelings for you even I'm always by your side.

Is there a chance for you to love me the way I love you?" I recited.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong paulit-ulit na binabasa kaya na memorize ko na.

Nakasakay ako ngayon sa shotgun seat sa kotse ni Richard at bumibyahe kami patungo sa Silvester Academy.

Richard asked me earlier to tell him what my secret admirer had written kaya naman sinabi ko ang lahat.

"It seems like a riddle at nahulaan ko na kung sino," he answered proudly.

“Talaga?”

“Oo! Ang mas nakakagulat ay hindi mo alam kung sino siya,” aniya.

"Mula 7th grade hanggang  ngayong 10th grade ay classmates na kayo, at palagi pa kayong magkasama kahit sa weekends, and he's very clingy to you."

"Hayst, diretsuhin mo na ako. Who is it?" reklamo ko.

"Alam mo ba ang full name ni Cairo?" he asked.

"Oo naman! He's my best friend kaya siyempre alam ko. His name—"

A sudden realization stopped me for a second.

"Micairo Martino!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw. I'm full of euphoria as if I found a major discovery.

Richard was right, all the clues do leads to him.

The initial letter M. Both his first and last name began with M.

Four years ago we're both transferees here at Silvester Academy and somehow we became friends and got closer.

Lagi kaming magkasama at minsan ang weird niya na parang may gustong ipahiwatig, pero hindi ko pa gaanong na-ge-gets noon.

"Ba't ngayon ko lang naisip yun? All this time its him," sambit ko at nahampas ko ang braso ni Richard.

"Hoy, ba't nanghahampas ka dyan! Hindi ko kasalanan na ngayon mo lang yan na realize," sermon niya.

"Forget it. Bilisan mo magmaneho at nang makarating na agad tayo sa Silvester Academy," utos ko na parang driver ko lang ang katabi ko.

I know Richard was annoyed as he glared at me.

The road towards the academy was straight ahead, pero nagulat ako nang biglang nag-left turn si Richard.

"Hey idiot! Hindi dyan ang tamang daan sa academy," reklamo ko.

Nakita ko siyang ngumisi, "Alam ko. Dumaan muna tayo sa fast food restaurant, gusto bigla mag-take out ng makakain."

"RICHARD!"

I can see it through him. Sinasadya niyang mawala ang pasensya ko.

Pagkatapos niyang mag-order ng dalawang take-out, binigay niya sa akin ang isa kahit wala naman akong sinabi na gusto ko, pero dahil hindi ako tumatanggi sa biyaya ay kinuha ko na.

Pero mukhang wala pang balak makipagbati ni Richard dahil tinuloy niya ang pangtri-trip niya sa akin.

Binagalan niya ang takbo ng sasakyan kaya muntikan na kaming hindi papasukin sa school gate dahil isang minuto nalang ay ma-le-late na kami, mabuti nalang ay nakaabot pa kami bago magsimula ang class hours.

Nakabusangot ako habang naglalakad sa hallway habang minumura si Richard sa isip ko.

At ang sanhi ng pagka-bad mood ko ay nakasunod sa likuran ko at nagpipigil ng tawa.

Nasa pintuan na kami ng classroom. Aabutin ko sana ang doorknob, pero may naka-una nang umabot dito kaya ang kamay niya ang nahawakan ko.

Sabay kaming nagkatinginan, at parehong nagulat.

Mabilis kong binawi ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang mapagtantong si Cairo ito.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang bigla akong nahihiya sa kanya.

Hindi na niya ako pinansin at binuksan na niya ang pinto at naunang pumasok.

"What's wrong with me?" Gusto ko yatang sabunutan ang sarili ko.

Kanina lang ay gusto ko siyang makita kaagad at makausap pero ngayong nasa malapit na siya ay gusto ko nang umatras.

"Don't be such a coward," wika ni Richard at binuksan ang pinto saka ako tinulak papasok.

"Ginusto mo yan kaya panindigan mo ang mga desisyon mo," payo niya bago dumiretso sa upuan niya.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon