10

70 4 0
                                    

AUGUST VAN HYDEN



"Anong ginawa mo at pinalayas ka ni Cairo sa bahay niya?" tanong ni Richard.

Stuck kami ngayon sa traffic kaya ang boring, at nakakabagot mag-hintay. I'm already in a bad mood, tapos dumagdag pa 'to.

"Wag mo nang tanungin, ayokong magkwento," walang ganang sagot ko.

Dahil ang totoo niyan ay hindi rin ako sigurado kung bakit nagkaganon bigla si Cairo.

"Magsasalita ka o pababain kita dito at magtataxi ka pauwi?" banta ng katabi ko na hindi ko kinatuwa.

Tsk.

"Oo na, magsasalita na," sambit ko nalang dahil baka seseryosohin niya ang banta niya.

"If I recall correctly, napag-usapan namin ang tungkol sa sulat na natanggap ko kahapon, and it was sent to me anonymously. Nung nabanggit ko na hahanapin ko ang babaeng nagbigay sa akin nun, biglang umiyak si Cai at nagalit sa akin," kwento ko.

"Hold up, you received a love letter?" gulat na tanong niya na parang hindi makapaniwala sa narinig niya.

Is he also looking down at me dahil mas sikat siya sa campus kumpara sa akin?

"Ikaw lang ba ang pwede?" hindi ko maitago ang inis sa boses ko.

Bahagya siyang natawa, "That's not what I'm pointing to, pero sige, ituloy mo na ang kwento mo," wika niya ulit.

"Akala ko susuportahan niya akong mahanap ang secret admirer ko, pero kabaliktaran ang nangyari.

"Sinabi niyang takot siyang hindi ko na siya papansinin, pero ilang beses ko naman sinabing hindi magbabago ang pagsasama namin. He can still lean on me just like before," I ranted.

"Ayokong isipin na makasarili si Cairo, pero ito talaga ang katotohanan," dagdag ko.

"Hayaan mo muna siyang makapag-isip, give him some time to cool himself first before you talk to him again," sambit niya.

"Alam ko, dahil yan mismo ang plano ko."

Siguro bukas okay na ulit siya. Ganun naman siya palagi, kung magtatampo, kinabukasan papansinin na niya ako ulit.

Tama, let's have a positive mindset. Bukas babalik na ulit sa normal si Cairo.



~ • ° • ~

Quarter to five ng hapon kami nakauwi sa bahay.

Agad akong nagbihis ng pambahay, at ginawa kaagad ang mga homeworks na binigay noong umabsent ako sa hapon.

Mabuti nalang nagte-take down notes si Richard ng mga lessons kanina kaya hindi na ako masyadong nahirapan.

Medyo madali lang pala ang mga homeworks na binigay kaya natapos ko kaagad.

Now, its time to do my other assignment in life.

Kinuha ko ang notebook na may laman ng mga sikreto ko.


M Girls in 10th Class A

• M̶A̶D̶I̶S̶O̶N̶ ̶(̶c̶l̶a̶s̶s̶m̶a̶t̶e̶ ̶s̶i̶n̶c̶e̶ ̶7̶t̶h̶ ̶g̶r̶a̶d̶e̶

M̶A̶R̶I̶A̶N̶A̶c̶l̶a̶s̶s̶m̶a̶t̶e̶ s̶i̶n̶c̶e̶ 7̶t̶h̶ g̶r̶a̶d̶e̶

• MINDY (transferee; new student)

• MAY (classmate since 8th grade)

• MERRY (classmate since 7th grade

"M girls in tenth class A?" biglang sumulpot si Richard kaya kaagad kong sinara ang notebook.

Pero parang nonsense lang ang pagsara ko nito dahil nakita na niya.

Lintik, bakit hindi man lang siya kumatok at basta-basta nalang pumasok sa kwarto ko.

"Anong meron sa kanila, at bakit nandyan ang pangalan ni Madison?"

"My secret admirer's initial is the letter M. Kaya sinulat ko ang lahat ng mga kaklase natin na nagsisimula sa letrang M," paliwanag ko.

"And I supposed hindi sina Madison at Mariana dahil na-cross out mo na," Richard deducted at tumango lang ako.

"Gusto mo bang tulungan kita?" tanong niya kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Talaga? Tutulungan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko pabalik.

"Siyempre naman! Curious din akong malaman kung sino ang nagkakagusto sayo," wika niya na tila nang-a-asar.

Pinayagan ko na siyang basahin ang sulat na binigay sa akin kahapon, at sineryoso naman ni Richard ang pagtulong sa akin.

"Si Mindy Legares, the third candidate in your list, I'm sure its not her. Apat na taon ka nang naging classmate ng secret admirer mo pero si Mindy ka-ka-transfer niya lang ngayong school year sa Silvester Academy."

"That's true," pagsang-ayon ko kay Richard.

"While May Chaves, hindi ba isa siyang lesbian na may natitipuhang babae sa kabilang section?" Richard said, studying our fourth candidate.

"Malay natin at nagbago na siya," pagbabasakali ko.

"No, I'm very sure. Nakita ko siya nitong nakaraan na nililigawan ang babaeng gusto niya."

Because of that information, another candidate is crossed out of the list.

"Merry?! That Merry Sanchez?" gulat na tanong ni Richard habang nakatingin sa akin.

"Seriously August, There's a zero percent na siya ang secret admirer mo at sana ay alam mo na kung bakit."

Oo nga pala. Ngayon ko lang narealize ang gustong ipahiwatig ni Richard.

Yes, Merry is also our classmate since 7th grade, but she already has a boyfriend.

That girl is very loyal kaya kahit dalawang taon na sila ay staying strong pa rin ang dalawa.

Napabuga ako ng hangin. "Yeah, your right."

How frustrating, wala pala sa kanilang lima ang hinahanap ko.

"Baka mali ka ng akala, what if hindi first name ang basehan sa initial niya, maybe its her last name." Nabuhayan ako ng pag-asa nang magsalita si Richard.

NIlipat ko sa kabilang pahina ng notebook at muling nagsulat sa blankong papel.

M: Last names of girls in class

Mijares, Judie

• Mendoza, Ingrid

• Moral, Thea

Only three girls met the conditions given by our clues, parehas ko rin silang naging classmates noong 7th grade.

Sana naman swertehin na ako ngayon.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon