AUGUST VAN HYDEN
Ilang beses na akong nakapunta kina Cairo kaya kabisado ko na ang mga kwarto dito sa bahay nila.
Their house is not that big, also not small, sapat lang para sa kanilang dalawa ng mama niya.
"Pumasok ka nalang iho, para makita mo siya."
I instantly ran inside as soon as tita said those words. Her voice seems sad and worried.
Nagsimula akong mag-panic.
Masama ba talaga ang lagay ni Cairo? Why, what happened?
I left him alone yesterday after school, may nangyari kaya sa kanya?
Hindi na ako kumatok sa pinto ni Cairo at basta ko nalang ito binuksan.
"CAI!"
Naabutan ko siyang nakaupo sa study table niya habang nakasuot pa ng maluwag na t-shirt at pajama.
"August?! Anong ginagawa mo dito?"
Napatayo siya sa gulat dahil sa biglaang pagpasok ko sa kwarto niya.
Nahagip ng mga mata ko ang kulay dugo na kumalat sa parte ng dibdib niya.
"Cai, ano 'to?! Nagbibigti ka na ba?" I panicked at nilapitan ko siya para makita siya ng maayos.
Napatingin din siya kung saan ako nakatingin, "Relax lang, pintura lang yan. Aksidente kong napahid ang kamay kong may pulang pintura."
Paliwanag niya at natawa pa.
But I don't really find it funny.
"Cai naman, hindi nakakatawang biro yun,"saad ko at niyakap ang kaibigan ko.
Grabe ang pagtibok ng puso ko kanina, I was worried sick. Akala ko may masama na talagang nangyari. Pero salamat naman at wala.
But wait, his temperature doesn't seem normal.
"May lagnat ka ba?" tanong ko saka siya binitawan.
Tumango naman siya.
"It started after I woke up this morning," sagot niya.
"Cai." I touched his face, and stared at him.
He looked at me shocked. "What are you doing?"
"Bakit ka umiyak?"
Hindi ko mapigilang magtanong nang mapansin kong namumugto ang mga mata niya.
Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"Ah kasi... kasi, hindi ako pinayagan ni mama na pumasok sa paaralan kanina," sagot niya.
Hindi ko mawari kung palusot niya lang ba ito o yun talaga ang nangyari.
Pero ayoko naman siyang pilitin kung ayaw niya talaga sabihin sa akin.
Ngumiti nalang ako at tinanggap ang sagot niya.
"Okay. Basta kung may problema ka at kailangan mo ng makakausap, handa akong samahan at makinig sayo," I said, at ginulo ang buhok niya.
Naluluhang ngumiti si Cairo.
"I'll remember that."
"Were you painting something before I arrived?" tanong ko at tiningnan ang canvas na nasa mesa ni Cairo.
"Na-bored ako kanina, so I did that."
Pinakita ni Cairo ang ginawa niyang painting kanina na isang sunset scenery.
Sceneries are mostly his concept when painting something. Perhaps he just really likes nature.
"Cairo? August?" Napalingon kami sa may pinto ng marinig namin ang mama ni Cairo sa labas.
"Luto na ang tanghalian. Kumain na muna kayo."
Tamang-tama, nakalimutan ko palang kumain sa cafeteria dahil mas inuna kong pumunta dito kesa kumain.
Pareho kaming excited na lumabas sa kwarto ni Cairo at nag-unahan pa pumunta sa kusina na parang mga bata, at tila nawala na ang sakit ni Cairo.
BINABASA MO ANG
Anonymous Admirer (BL)
RomanceAugust received a love letter confession without knowing who it was from or its name. Because of curiosity, he sets out to find his anonymous admirer. Date Started: December 2023 Date Ended: April 2024 Status: COMPLETED Copyright©2023 by Fiyore