12

61 2 0
                                    

AUGUST VAN HYDEN

Three days had passed, wala pa rin progress sa amin ni Cairo pati na sa paghahanap sa secret admirer ko.

Si Madison naman, tinangging may alam siya kung sino ang nagbigay sa akin ng sulat, at theory lang daw ang sinabi niya nitong nakaraan.

Ang gulo-gulo ng buhay!

Ipinatong ko ang ulo kong kanina pa sumasakit sa study table, at pinikit ang mga mata ko.

"Parang mga math lessons lang namin ang mga problema ko sa buhay, ang hirap masolusyonan," wika ko sa sarili.

Nakaka-depress!

"Kung hindi mo masagot yang pina-assignment sa atin, wag mong idamay ang personal life mo," sermon ni Richard.

Tahimik siyang pumasok sa kwarto ko kaya hindi ko siya napansin.

Next time, i-lo-lock ko na talaga ang pinto ko.

----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----

RICHARD VAN HYDEN

Kinuha ko ang math textbook ni August sa mesa niya at binuksan sa pahina kung nasaan ang sinasagutan niya kanina.

Napangiwi ako habang isa-isa ko itong tiningnan ang mga math equations na ginawa niya.

Hindi ko matukoy kung  pinag-isipan ba talaga niya ang pagsagot o basta-basta nalang siyang nagsulat ng mga solutions para lang may maisagot dahil ang layo nito sa tamang sagot.

"Kung hindi mo alam ang dapat gawin, humingi ka ng tulong," wika ko saka binalik na ang textbook sa ibabaw ng mesa niya.

"Ang hirap ipaliwanag, kaya anong magagawa nila kung hindi nila ako maintindihan!" Gatong niya.

"Anong mahirap ipaliwanag? Edi simplihan mo. Tsaka makakaya mo yan kapag may gumagabay sayo at tama ang mga formulas mo."

Humarap siya sa akin at tinaasan ng isang kilay.

"Anong formula ang sinasabi mo dyan? May formula para maayos ang problema namin ni Cai?" His voice was sarcastic.

Huh, Cai?

Are we still on the same page here?

"What are you saying?! Yang assignment mo sa math ang tinutukoy ko, baliw!"

Inis siyang napakamot ng ulo, "Richard naman! Linawin mo kasi kaagad."

Wala na yata siyang ibang iniisip nitong nakaraang araw kundi yang kaibigan niya.

He's getting annoying.

"Kung personal na problema mo ang pag-uusapan natin, nakausap ko na ang tatlong babae na nasa listahan mo," anunsyo ko.

Napansin ko rin nitong nakaraan na parang wala nang balak si August na kausapin sila.

Handa ako maging tulay para magkaroon ng lovelife ang kapatid ko, kaya ako na ang nagkusa para hanapin ang secret admirer niya.

Pero nakakadismaya ang resulta.

"So ano, sino sa kanila?" he asked.

August looked at me without showing any emotion on his face. He doesn't seem amuse by the news I told him.


----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----

A day ago...

Hanggang sa oras ng lunch time, hindi ko pinakawalan sa paningin ko ang dalawang magbest friend na sina Thea Moral at si Judie Mijares.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon