3

103 5 0
                                    

AUGUST VAN HYDEN

Facts about me, Richard is not my brother by blood.

Whenever people see the Van Hyden's family picture, they always compare me and Richard.

Mas lamang ang kagwapuhan ni Richard dahil sa lahing British niya from his father side, mas maputi ang balat. Pero hindi naman masama ang kulay ng balat ko, nasa pagitan lamang ng puti at kayumanggi dahil pure pinoy ako.

I look different from them because I wasn't born from the Van Hydens, I was adopted by them.

But despite everything, pantay ang trato ng pamilyang Van Hyden sa akin, what Richard gets I also gets.

Kinabukasan, saktong alas-siete akong nagising at niligpit ang higaan ko saka bumaba sa dining area.

Nasa entrance palang ako but I feel like there's some dark aura inside. I saw both of our parents are inside already. Naka-upo na sila sa hapag-kainan ngunit hindi maipinta ang ekspresyon sa kanilang mukha.

Nakahanda na rin ang mga pagkain sa mesa ngunit hindi pa nila ginagalaw, tila hinihintay  nila ang pagdating namin ni RIchard.

Nagulat pa ako nang biglang may humikab sa tabi ko, speaking of the devil, he finally woke up

"Anong meron at nakatayo ka lang dyan?" Inaantok pa ang boses niya.

Imbes na sagutin siya, hindi ko na siya pinansin pa at nauna na akong pumasok at sumunod naman siya.

Magkatabi kaming umupo ni Richard habang nasa harapan naman namin nakapwesto sina mama at papa.

They're eyes was pinned to Richard. Their gaze was filled with fury.

Napalunok ako ng sariling laway.

Nakakawalang ganang kumain dahil sa nabubuong tensyon sa hapagkainan kahit na masarap ang mga nilutong ulam ng mga katulong sa bahay, cornbeef at bacon.

"Nasaan ka kagabi?" Kalmado ngunit bakas ang pagkaseryoso ng tono ni mama.

Gulat na napatingin si Richard sa kanyang ina, at pagkatapos ay nilipat niya ang paningin sa akin.

Kahit hindi na siya magsalita nahuhulaan ko na ang iniisip niya base sa tingin niya sa akin.

'Sinumbong mo ba ako?' ito ang pinapahiwatig ng mga mata niya.

Agad akong umiling dahil totoong wala akong sinabi tungkol sa tunay na dahilan kung bakit alas-deis na nakauwi si Richard kagabi.

Amoy alak pa talaga siya, pero hindi naman siya lasing at nasa katinuan pa.

Alas-otso palang ay nakatulog na si mama kaya hindi na niya naabutan ang pag-uwi ni Richard. Si papa naman ay madaling araw nang nakauwi galing sa kompanya nila.

Kaya isang misteryo para sa akin kung paano nila nalaman ang tungkol kay Richard.

"Don't you dare lie to us, young man!" Father used his warning tone nung ibubuka na sana ni Richard ang bibig niya para magpalusot.

"But I think there's no point of telling us since we already knew the truth," mother said.

Binuksan ni mama ang phone niya saka hinarap sa amin ang screen nito.

Kita doon ang mga pictures at videos na pinost pala ng isang kaibigan ni Richard sa facebook. Ang masama pa ay naka-tag ang account ni Richard sa post.

Klarong-klaro sa mga pictures sina Richard, Frederic at ang iba pa nilang kaibigan na lalaki at babae na kasing-edad lang din namin.

The background is near the pool and crowded. Kita din doon ang mga bote ng mga alak.

"Fuck, Andrew."

"Don't curse in front of us!" suway ni papa.

I tensed up when mother looked at me next.

"Bakit nagsinungaling ka kahapon para pagtakpan ang lalaking ito?"

Parehong nakayuko ang mga ulo namin ni Richard.

"Pasensya na po, hindi na mauulit," wala akong ibang masabi kundi ito.

"Dahil sa ginawa niyo, both of you are grounded within two weeks. Hindi kayo pwedeng gumala sa weekends at ganun din sa weekdays, umuwi kayo kaagad pagkatapos ng klase."

See what I mean by 'what Richard get I also get'. Pati sa panenermon at parusa ay nadadamay ako.

Gustuhin ko man magreklamo,  wala naman ako sa posisyon para gawin ito.

Pagkatapos ng sermon, sabay-sabay na kaming kumain.

Pinilit ko nalang lumukin ang mga kinakain ko dahil tuluyan nang nawala ang gana ko, and I blame Richard for this.

----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----

"August, sigurado ka ba na ayaw mong sumama sa amin?" tanong ni mama habang inaayos ang mga gamit sa handbag niya.

Alas-onse na ng umaga at naghahanda na silang umalis para bisitahin ang lola ni Richard sa hospital.

"Sa susunod nalang po ako sasama," sagot ko, at hinimas ang tyan ko na medyo kumikirot.

Pasimpleng hinampas ni Richard ang braso ko nang hindi na nakatingin si mama sa direksyon namin.

"Hoy, tigilan mo ang pag-arte dyan, samahan mo na ako," inis na bulong niya sa akin.

"Ikaw ang wag mag-inarte. Bibisitahin mo lang naman ang lola mo, kung maka-asta ka parang itatapon ka na sa kulungan," bulong ko sa kanya pabalik.

Pagkatapos ng almusal namin kanina, biglang sumama ang pakiramdam ng tyan ko at hanggang ngayon ay hindi pa ito bumubuti. Kaya talagang hindi ako nagpapalusot, hindi ko yata kayang bumiyahe sa lagay kong ito.

"Kasalanan mo kung bakit kumulo ang dugo ng mga magulang mo, so face the consequence alone," dagdag ko.

Napakamot nalang si Richard ng ulo.

"Bahala na nga. Basta magpagaling ka nalang dito," he said and patted my shoulder saka sinundan si papa palabas ng bahay.

"August, if anything happens just call us, at kung nagugutom ka magpaluto ka nalang kay manang," bilin ni mama bago sumunod na lumabas ng bahay.

Mula sa bintana, pinanood ko ang pag-alis ng kotse ng mga Van Hyden hanggang sa hindi ko na ito makita sa kalayuan.

Naging tahimik na ang buong bahay. Ang boring na.

Umakyat na lang ako sa pangalawang palapag at pumasok sa kwarto ko para matulog hanggang sa makabalik sila mamayang hapon.

I took my phone from the side table near the bed, at pabagsak akong humiga sa malambot na kama.

Pagbukas ko ng phone, unang bumungad sa screen ko ang  message notification ni Cairo sa akin.

It was send an hour ago.

Cairo: May bagong art exhibit ang magbubukas dito sa Ataraxia City ngayong linggo, samahan mo ako. Pleeease!

Dismayado akong napabuga ng hangin. I really wanna go out and come with him tomorrow Sunday, but I can't.

August: I'm really sorry!
I'm grounded for two weeks.

After I sent my reply to Cairo, hindi na ako nakatanggap pa ng mensahe galing sa kanya hanggang sa natapos ang weekends.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon