11

68 2 0
                                    

AUGUST VAN HYDEN



Kinabukasan. The first thing I noticed pagkapasok ko sa classroom ay lumipat ng upuan si Cairo malayo sa akin.

His usual spot was always next to my seat, pero bakit iba na ang nakaupo doon ngayon.

What the heck?! Galit pa rin siya sa akin?

Tulala si Cairo habang nakalumbaba. He's new seatmate is talkative, pero hindi siya pinapansin ni Cairo, tila wala siyang naririnig.

Napabuga nalang ako ng hangin, at dumiretso sa upuan ko.

Marami pang oras bago magsisimula ang unang klase namin sa umaga.

Bumaling ang tingin ko kina Thea and Judie na magkatabing nakaupo sa harapan ni Cairo. Pareho silang nasa listahan ko at gusto ko silang lapitan.

Ngunit natigilan ako nang nahuli kong napatingin si Cairo sa akin.

Nagtama ang mga mata namin ng ilang saglit lang dahil bigla siyang umiwas ng tingin.

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Nakokonsenya na tuloy ako sa gagawin ko dahil ito mismo ang dahilan kung bakit nagagalit si Cairo sa akin.

"Hi August," bumalik ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Madison.

Tinapik niya ang balikat ng lalaking nakaupo sa dating upuan ni Cairo sa tabi ko, at medyo nagulat pa ito nang makita si Madison.

"Can we change seat?" she requested while flashing her bright smile.

Hindi naman ito umangal sa pakiusap ni Madison at kaagad na tumayo at lumipat ng upuan.

"Anong nangyari sa inyo ni Cairo? Lagi ko kayong nakikitang magkasama, pero ngayon, bakit parang may malaki kang atraso sa kanya?" tanong niya pagkatapos umupo sa tabi ko.

"Um, mahabang kwento," sagot ko.

Wala ako sa mood para i-kwento sa kanya ang mga nangyari, at sigurado rin akong hindi gusto ni Cairo na ipagkalat ko sa iba ang nangyari sa amin kahapon.

"Okay I get it, hindi mo gustong magsalita. How about your secret admirer, nahanap mo na ba siya?" tanong niya ulit.

Umiling ako.

"Hindi pa. But, I'm sure I'm getting close at finding her."

Nakita ko siyang sumimangot pagkatapos ko itong sabihin.

"August, paano kung hindi siya babae?"

Huh?

I gave her a confused look.

Magtatanong pa sana ako pero biglang pumasok ang subject teacher namin at lumipat na ulit ng upuan si Madison.

Naiwan tuloy akong puno katanungan, at ang gulo ng isipan ko dahil sa sinabi ni Madison.

Nawala na ang focus ko sa klase, at gusto kong kausapin ulit si Madison para naman malinawagan ako.

Ngunit hindi ako makahanap ng magandang timing kahit nitong recess or lunch break dahil marami siyang kaibigan na laging nakasunod sa kanya sa lahat ng pagkakataon.

I felt frustrated, and the worst part ay wala si Cairo sa tabi ko para makinig sa mga gumugulo sa isipan ko.



~ • ° • ~


Bitbit ko ang lunchbox na hinanda sa akin ni mama kaninang umaga, at mag-isa akong naglakad patungo sa rooftop.

Dito kami madalas tumatambay ni Cairo kapag puno na sa cafeteria tuwing lunch break.

The place is still the same, malinis ang paligid, at walang alikabok ang makikita. Sa gilid ay may mesa at dalawang upuan na magkatabi.

Napangiti ako nang makita ang maliit na drawing ni Cairo sa gilid ng mesa.

It was a cupid posing to shoot its arrow, he carved it during our 8th grade.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagiging sentimental ngayon.

Siguro dahil nasanay na akong laging kasama si Cairo kaya parang may kulang sa akin ngayon.

It really feels different without him.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon