AUGUST VAN HYDEN
Tinipon ko ang lahat ng tapang ko at lumapit kay Cairo.
Mabagal ang mga hakbang ko, at sinisimulan ko na ring bumuo ng mga salitang sasabihin sa isip ko.
No need to feel awkward, I'll just ask him casually like I used to in the past...
But the past is different dahil hindi naman ako ganito noon!
BAKIT KASI ANG LAYO NG PUWESTO NIYA?!
Kung pabalikin ko nalang muna kaya siya sa dati niyang upuan na katabi ng akin, para hindi na ako mahirapang lapitan siya.
'Just ask him about the letter,' ito ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko, pero nang nasa harap na ako ni Cairo at nagtama ang mga mata namin, nakalimutan ko yata ang mga dapat kong sabihin.
Nakita kong kumunot ang noo niya, he probably thinks I'm weird right now because I also think so too.
"Ano, mag-titigan lang ba tayo dito? May gusto ka bang sabihin?" takang tanong niya.
"Umm, Cai... kasi—"
"GOOD MORNING STUDENTS."
Bullshit!
Biglang pumasok ang subject teacher namin sa classroom, at mathematics pa talaga ang unang subject.
"Magsisimula na ang klase natin. Everyone, go back to your seats!" Mr. Alvares, our math teacher announced.
Sir naman eh! Bad timing ang pasok mo.
Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa pwesto ko.
----> ° ๑ ♡ ๑ ° <----
MICAIRO MARTINOWhat is wrong with him?
Hindi yata ako makapokus sa klase dahil kay August.
Imbes sa guro namin, ay kay August ang paningin ko.
Tulala siyang nakatingin sa nakasarang textbook sa ibabaw ng desk niya, tila malalim ang iniisip at maya-maya ay napapabuga siya ng hangin.
Kakaiba rin ang kinilos niya kanina nung lumapit siya sa akin.
His cutted words earlier made me curious, and his face bothered me.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba, pero parang namumula ang buong mukha niya.
“AHEM!”
Napatingin ako sa harapan ng biglang tumikhim si Sir Alvares.
Nakasalubong ang magkabilang kilay niya at nakatingin siya sa pwesto ni August.
"August! Lumapit ka dito sa pisara at sagutan mo ang equation na 'to!" utos niya at tinuro ang math equations sa whiteboard.
"Huh? Ako?!" gulat na tanong ni August.
"Oo ikaw, may iba pa bang August dito sa klase?"
Napakamot si August ng ulo saka tumayo at lumapit sa pisara.
Kinuha niya ang whiteboard marker na inabot sa kanya ni Sir Alvares.
The equation was combined with fractions and algebraic expressions.
Tinitigan niya ang whiteboard at nagkunwaring nag-iisip.
Knowing him, fractions pa nga lang nahihirapan na siya, what more pa kaya kapag may halong algebra na.
Napansin din siguro ito ni Sir Alvares kaya dismayado siyang napabuga ng hangin.
"Will anyone from this class help him?" he asked.
Walang nagtaas ng kamay.
Tsk. Kung hindi ka lang sana nagmumukhang kawawa dyan, hindi ako maaawa sayo.
"Ako nalang po." Inboluntaryo akong napatayo, kaya pinagtinginan ako ng lahat.
"Sige Cairo, help this poor guy solve this easy equation," he said.
I know August was looking at me, pero hindi ko siya tininggan, nasa whiteboard lamang ang mata ko.
From my peripheral vision, inabot niya sa akin ang marker kaya kinuha ko naman ito.
"Hindi dapat kita tinutulungan ngayon, but you look like an idiot right now," mahinang wika ko.
"Thanks. Your kindness makes you loveable Cai," bulong niya, and it felt like he said it directly near my ears.
I felt blood rush down to my face. Bwesit ang lalaking to, kelan pa siya natutong magsalita ng ganito?!
Nakalimutan ko na tuloy ang isusulat ko sa pisara.
Wala na, hindi na ako makapagpokus!
Lumingon ako sa kanya at pinanlinsikan siya ng mata.
"Your a distraction! Wag kang maingay dyan!" Hindi ko naiwasang sumigaw.
"Wag kang sumigaw, ikaw lang ang gumagawa ng ingay dito," kalmadong wika niya, pero ramdam kong nagpipigil siya ng tawa.
"Then don't say those words out of nowhere."
He smirked, "What words?"
"AHEM!" Tumikhim si Sir Alvares kaya napalingon kaming pareho sa kanya.
OH MY EFFIN GOSHNESS!
For a moment nakalimutan kong nasa harapan pala kami ngayon ng klase.
Marami sa mga kaklase namin ang nagpipigil ng tawa, pero may ilan naman na unbothered.
Mas namula pa ata ang mukha ko dahil sa kahihiyang ito.
"Kayong dalawa, saka niyo na ipagpatuloy yan pagkatapos ng klase ko. Sa ngayon, tapusin mo ang pagsagot Cairo,"
Taranta akong humarap sa pisara at basta-basta nalang akong gumamit ng mga relating equations dahil hindi ako makapag-isip ng maayos.
“Cai, please. Mag-usap tayo mamaya,” muling bulong niya.
“Oo na,” mahinang sagot ko.
BINABASA MO ANG
Anonymous Admirer (BL)
RomanceAugust received a love letter confession without knowing who it was from or its name. Because of curiosity, he sets out to find his anonymous admirer. Date Started: December 2023 Date Ended: April 2024 Status: COMPLETED Copyright©2023 by Fiyore