20

50 3 0
                                    

RICHARD VAN HYDEN

The moment Madison mentioned to our classmates the other day that we are just friends now, and I also confirmed I have no more feelings for her, agad na kumalat ang balita.

Pati sa school forum pinag-uusapan na rin ang tungkol sa amin. Tsk, mga tsismoso talaga.

Okay lang sana kung ito lang ang naging problema ko dahil wala naman akong pake kung ako ang hot topic sa mga tsismisan nila.

Pero hindi eh. Nadagdagan pa ang problema ko.

50 message requests on my social media accounts. 20 love letters found inside my bag   everyday, at marami pang mga sulat nakaipit sa locker ko.

Tsk. Seriously girls! I know I'm attractive but I'm not in the mood to accept anyone's confession. At wala pa akong balak pumasok sa relasyon.



~ • ° • ~



“Richard, I like you. Please accept my gift.” A box of chocolate was presented in front of me.

I looked at the face of the girl who just confessed her feelings.

A tenth grader from Class B. Though she looks a little cute, its still a no.

“I'm sorry, but I can't accept it,” I said, turning her down.

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng simangot.

“Then don't!” Sigaw niya bago tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Nakita ko pang tinapon niya sa basurahan ang kahon na hawak niya.

Tss, a brat who threws tantrum whenever she don't get what she wants. Mabuti nalang tinanggihan ko siya, I hate that kind of personality.

Ramdam ko ang mga mata sa akin ng mga estudyanteng nandito ngayon sa hallway at nakakita ng eksenang iyon. 

I shifted my eyes around, at kaagad silang nag-iwas ng tingin.

Everyone returned to their own business, as I minded mine.

“Hoy Richard!”

Napahinto ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.

August ran towards my direction, kasama rin niya sina Cairo at Frederic.

August was glaring at me. Napano na naman 'to?

“Oh, heto.” May inabot siyang dalawang sulat sa akin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. “What the hell are those?”

“May naglagay nito sa loob bag ko nung lumabas ako sa classroom kanina. Nakakainis ka, muntik pa kaming mag-away ni Cairo dahil akala niya para sa akin ang sulat na yan,” aniya.

Sorry? Kasalanan ko pa? Edi sana tinapon nalang nila ang mga sulat na yan, nakakasawa nang makita ang mga yan.

“Tsk. Pwede namang i-diretso kay Richard, dinaan pa talaga kay August,” sambit ni Cairo.

“What are you worried, Cai? Kahit na para kay August ang mga sulat na yan, as if naman na tatanggapin niya ang mga confession nila,” gatong ni Frederic kaya tiningnan siya si Cairo ng masama.

“I still hate it!”

Frederic smirked, as if he's satisfied making Cairo mad.

“Tama na, Cai.” His boyfriend came to the rescue. My brother is such a prince charming who can tame Cairo the mad dragon.

“Yun lang ang gusto namin ibigay sayo. We'll be on our way now.”

Nauna nang umalis ang dalawa para pumunta sa cafeteria, and Frederic remained with me.

“San ka pupunta?” tanong niya.

“CR,” sagot ko.

“Really? Dun din ang punta ko.”

It was obviously Frederic's alternative response from 'Sasama na ako sayo.'

This guys tends to follow me all the time.





Nagkataon na walang tao sa loob ng men's restroom kundi kaming dalawa lang. Somehow I felt nervous for an unknown reason.

Behind me, I heard the door got locked, and Frederic was the mastermind.

“Why the hell are you locking the door?” takang tanong ko. Dahil sa kanya, nakalimutan ko na ang purpose sa pagpasok ko sa banyo. Kanina naiihi na ako, pero ngayon, tila nawala dahil sa nerbyos.

“I dunno. Gusto ko lang makipag-usap ng walang umiistorbo sa atin,” sagot niya.

Huh?

“Bro, what's wrong with you now? Nagsisimula na akong matakot sayo.”

“Rich, maraming nagconfess sayo nitong nakaraang araw. Do you plan on accepting one?” Hindi niya sinagot ang tanong ko, instead, he asked his own question.

“Siguro. If they're my type, bakit hindi,” I answered truthfully.

“Then have you found someone yet who's your type?” tanong niya ulit.

Umiling ako, “No.”

“Rich.” Unti-unti siyang lumapit sa akin, sinubukan ko namang umatras hanggang sa hindi ko napansin na nakadikit na palaa ang likod ko sa pader.

“Anong ginagawa mo?” I feel bad about this, at kahit na may kunting ideya na ako sa nangyayari, I played dumb.

“Matagal na akong naghihintay ng pagkakataon. Akala ko nga permanente na si Madison sa puso mo kaya malapit na akong sumuko. Pero ngayong nagbago na ang lahat, at kahit marami akong kakumpetensiya sa pag-ibig mo, gusto ko pa rin sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko.”

What the fuck, Frederic.

“I love you, Rich.”

Nakatitig lang ako sa mukha niya. Kahit anong pilit ko, hindi ako makagalaw o makapagsalita sa sobrang gulat.

Though his face shows sincerity, I don't feel the same way for him. Kaya paano ko siya sasagutin nang hindi sinasaktan ang damdamin niya?

“Um... I, sorry—” I managed to speak, but I can't get the right words to say.

I flinched when he suddenly putted his hand on my cheek. “I will give you time to think about this. I will wait for your answer, beside dito ako magaling, sa paghintay sayo.”

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon