9

63 4 0
                                    

AUGUST VAN HYDEN



May hardin sina Cairo sa kanilang bakuran na puno ng iba't ibang bulaklak, at dito rin namin naisipang tumambay.

Nakaupo lang kami sa may mga bermuda grass at nakatingala sa asul na langit, at hinuhulaan ang mga hugis na nabubuo sa mga ulap.

May hugis balyena, at may parang dragon daw na ayon kay Cairo.

"Hey, that one looks like a heart," turo ko sa itaas namin.

"I agree," aniya at tumango.

"August?" Lumingon ako sa kanya nung tinawag niya ako.

"Si Madison ba ang nagbigay sayo ng sulat kahapon?" tanong niya.

Umiling ako.

"Akala ko rin, pero hindi," sagot ko, and I think I just saw him smile.

"Pero hahanapin ko ang babaeng nagsulat nun," dagdag ko.

"WHAT?!"

Pati ako ay nagulat nang napasigaw si Cairo.

"So you already fell in love with this unknown person dahil lang sa binigyan ka ng sulat?" he said while glaring at me.

"Cai, anong nangyayari sayo? Can't you atleast support me tulad ng pagsuporta ko sayo sa lahat ng bagay?" wika ko.

He's being unfair and unreasonable.

Siya ang unang pinagsabihan ko nito dahil akala ko ay maiintindihan niya ako at susuportahan sa gusto kong gawin because friends support each other.

"Pero paano naman ako. Sigurado kapag nahanap mo na yang babaeng nag-confess sayo ay sasagutin mo na siya kaagad," wika niya at nagulat ako ng nagsimulang mahulog ang mga luha niya pababa sa kanyang pisngi.

"Cai..."

"And she will get your full attention, at hindi mo na ako kakausapin," he cried.

"Ano ba, Cai. Wag kang ganyan, kahit na mangyari yun, you will always be my best friend at dadamayan pa rin kita kapag kailangan mo ako," I said trying to comfort him.

I tried to wipe off his tears, pero tinulak niya palayo ang kamay ko.

"H-hindi mo ako naiintindihan!" he shouted, at mabilis na umalis.

He returned inside to his house at iniwan ako dito na gulat na gulat sa pinakita niyang ugali sa akin.

When did he became like this?

Hindi naman ganito kalala ang mga away namin dati.

But, I still can't help to feel bad, I made my friend cry.

May dalawang oras pa ako bago dumating dito si Richard para sunduin ako.

At the meantime, mananatili ako at susubukan kong ayusin ang gulo namin ni Cairo.

Muli akong bumalik sa loob ng bahay nina Cairo, at naabutan ko ang mama niya na ilang beses kumakatok sa kwarto ni Cairo at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng anak niya.

"August, anong nangyari? Nag-away ba kayo?" tanong niya sa akin nang makita niya ako.

Napalunok ako ng sariling laway.

"Opo, may mga hindi pagkakaunawaan lang," mahinang tugon ko.

"August, ni minsan ay hindi ko pa nakitang umiyak ng ganun ang anak ko dahil sayo, dahil lagi siyang masaya kapag nakakasama ka," kwento niya, and somehow I felt ashamed.

"Sana magkaayos na kaagad kayo."

Yes, yan nga ang plano ko pero paano ko naman ito maayos kung ayaw niyang makipag-usap.

The very least I could do is to make Cairo open his door for me.

His mother left me alone to give us a privacy to talk.

"Cai?" sinubukan kong kumatok sa naka-lock niyang pinto.

"Let me in, mag-usap tayo." Inilapit ko ang tengga ko sa pinto para pakinggan ang nasa loob.

Naririnig ko ang pag-iyak ni Cairo sa loob.

"Please Cai, hindi kita maintindihan. Talk to me," I tried again.

"UMALIS KA NA!" Cairo managed to shout between tears.

Napabuga ako ng hangin.

Forcing him won't help at all. Pagbibigyan ko nalang siya sa ngayon.

Nagpaalam na ako sa mama ni Cairo at malungkot akong umalis sa bahay ng kaibigan ko.

Sa malapit na convenience store ako nagpalipas ng oras, at tangging si Cairo pa rin ang laman ng isipan ko.

Hindi pwedeng masira ang pagkakaibigan namin ni Cairo, I won't let it.

I must find a way to fix this soon.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon