2

146 5 0
                                    

AUGUST VAN HYDEN


Walang umiimik sa aming dalawa ni Cairo habang naglalakad kami sa school halls.

Wala akong maisip na maikwento, and no matter how close I am with Cairo, I have no confidence to tell him about my crush, tsaka I don't think his interested with this kind of topic.

Payapa akong naglalakad nang may biglang umakbay sa akin.

"Hey bro," si Richard.

Kasama niya si Frederic at tumabi siya sa gilid ni Cairo.

"Didiretso ka na ba sa bahay?" tanong niya.

"No, may dadaanan pa kami ni Cai," I told him the truth.

"Pagkauwi mo sa bahay tell mom and dad we have soccer practice and then I will stay over at Fred's house to do our group project," wika niya.

Tumaas ang isang kilay ko.

"Talaga? gagawa kayo ng project habang nag-pa-party?" I said sarcastically.

Mag-ka-klase kaming dalawa at wala pang-ina-announce na bagong project kaya hindi niya ako mauuto.

"Oo na, you caught me. But keep this a secret to our parents," pakiusap niya.

Napabuga nalang ako ng hangin at tumango, he's to carefree kahit strict ang mga magulang namin, he still have the courage to do what he wants.

"What about soccer, is that also a lie?" I asked.

"No, may practice talaga kami. 'Di ba Fred?" Sagot niya at tumingin sa direksyon ni Frederic.

Tss, naghanap pa talaga ng kakampi.

Tumango rin naman si Frederic, defending his friend.

"Richard! Frederic!"

Medyo nagulat pa ako nang may biglang tumawag sa dalawa dahil nakaka-intimidate ang tono niya.

Napalingon kaming lahat sa nagsalita, its the captain of soccer team at papalapit siya amin, si Axel Silvester. 

This school year, naging official team members sina Richard at Frederic sa soccer team ng Silvester Academy. Axel also became the new team captain despite being a 11th grader, mostly kasi 12th grader ang laging nagiging captain dati, but its maybe because he really do have the talents and skills, pero may mga nagsasabi na dahil ito sa impluwensiya niya bilang anak ng may-ari ng Silvester Academy.

"You two, hurry to the fields. We can't waste our time in practice," Axel's voice was strict and demanding. Pagkasabi niya nito, hindi na niya hinintay ang sagot nina Richard.

"See told you, hindi ako nagsisinungaling. We really do have practice," Richard said to me before Frederic and him followed their captain.

"Gagawin mo ba talaga ang pinapagawa sayo ni Richard?" Tanong ni Cairo habang nakatingin din kina Richard na naglalakad palayo sa amin.

"Well, I have no choice," I replied.

----> ° ๑⁠ ♡ ๑ ° <----

May malapit na shop ng mga art supplies sa Silvester Academy kung saan suki na si Cairo doon.

"What do you think of Axel?" biglang naitanong ni Cairo habang namimili ng mga canvas.

Huh? Ang random naman ng topic na ito.

"Umm," I tried to think what to say, but honestly wala akong masabi dahil ayokong manghusga sa mga taong hindi ko gaanong kakilala.

"I hate guys like him, he's selfish and only cares at his own image," sagot ni Cairo sa sarili niyang tanong.

"How can you say that?" Tanong ko at sinundan ko si Cairo sa kabilang section kung nasaan ang mga pintura at paint brushes.

"Its because of him umalis sa Sivester Academy at lumipat ng ibang school ang anak ng idol kong painter na si Layla Leroux. Dahil sa kanya hindi ako nagkaroon ng chance na maging kaibigan siya. Kung nangyari iyon edi sana napapansin na ni Layla Leroux ang mga artworks ko," he ranted.

"Three years ago? Are you talking about the scandal that was leaked on the school forum?" I asked beginning to realize what Cairo was talking about.

"Yes, exactly!"

Three years ago, when we were still on 7th grade may kumalat na tsismis involving to Axel being in a relationship with a guy, pero hati ang mga opinyon nila, may nagsasabing totoo ang balita, at meron naman ang nagpupumilit na peke ang balita.

"That gossip was a mess, as much as possible ayokong madamay sa mga ganyan," komento ko.

Nagulat ako nang biglang tumigil si Cairo sa paglalakad.

"You don't?" he asked.

"Siyempre naman hindi, I prefer to graduate highschool in peace," I answered.

"Okay," sambit ni Cairo. He continue to walk.

May binulong pa siya pero hindi ko masyadong narinig.

Pagkatapos niyang bayaran sa counter ang mga binili niya, lumabas na kami ng shop.

"Any plans for tomorrow?" Tanong ni Cairo.

"Bukas ng sabado? Bibisitahin namin ang lola ni Richard sa hospital," I answered.

Tumango lang siya. Nang napalingon ako para makita ang mukha niya, ramdam kong parang may gusto siyang sabihin pero pinipili niyang hindi ituloy.

Sometimes he's like a mystery I can't solve, kung meron man siyang binibigay sa akin na clue nahihirapan naman akong hulaan ito.

Hayst, just why can't you be direct to point?

Naka-ilang hakbang palang kami palayo sa shop nang bigla akong huminto nang nahagip ng paningin ko ang paglabas ni Madison sa malapit na bakery kasama ang mga kaibigan niya.

Sandali pang tumama ang mga mata naming dalawa. But sadly it didn't last dahil tinawag ng kaibigan niya ang atensyon ni Madison.

"Hoy!" Sigaw ni Cairo kaya napalingon din ako sa kanya, nakabusangot na ang mukha niya at dalawang metro na ang layo niya sa akin.

"Tatayo ka lang ba dyan? Dahil iiwanan na talaga kita dyan!" His temper seems worse today.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Cai!... Cairo! Teka lang!" Ilang beses ko siyang tinawag pero dedma lang ako sa kanya.

Mabilis akong tumakbo para mahabol siya.

"Kanina ka pang bad mood ah," wika ko at inakbayan siya.

"Ang slow mo kasi," reklamo niya.

"Edi sorry, next bibilisan ko na maglakad."

"Tsk, talagang ang slow mo," his voice seems irritated that made me confuse.

Anonymous Admirer (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon