RICHARD VAN HYDEN
A-attend pa ba ako sa practice namin sa soccer?
Kaninang umaga ko pa pinag-iisipan ang bagay na ito, at mas lumalamang ang desisyon kong hindi na pumunta.
But to my surprise, nandito ako ngayon nakaupo sa gitna ng field habang pinagmamasdan mag-warm up ang ibang miyembro namin.
Nakakainis! Hindi ako nakatanggi nung sinundo ako ng ibang miyembro kasama ang team captain na si Axel kanina sa classroom.
“Richard!” rinig kong tawag sa akin ni Axel habang naglalakad siya palapit sa pwesto ko.
“Nasaan si Frederic?”
That question again.
Kaninang umaga ko pa naririnig yan. Halos lahat, pati mga guro namin ay sa akin tinatanong kung bakit siya wala ngayong araw.
Siguradong sinadya niyang umabsent dahil sa insidenteng nangyari sa amin kahapon. Pero kahit na may ideya ako, ay pinili kong maging ignorante.
“Hindi ko alam.” My usual answer.
“Oh, akala ko alam mo since your his closest friend. I guess I was mistaken,” he commented.
Whether a friendship lasts forever often depends on luck. Too bad Frederic and I are unlucky.
“But anyways, kung may pagkakataon kayong mag-usap tell him that I'll forgive him for missing today's practice, pero ayoko nang maulit ito.” Somehow, his strict voice doesn't bother me anymore.
Tumango ako kahit malabong mangyayari ang pinapagawa niya sa akin.
I don't have the courage to talk to him first.
---
Pagkatapos namin sa practice, umuwi akong pagod. Both mentally and physically.
“Your finally home, brother,” bati sa akin ni August pagkapasok ko sa kusina para kumuha ng makakain.
Nakaupo siya sa mesa, sa isang kamay niya ay hawak niya homemade cookie na gawa ni mama kahapon, at hawak niya naman sa kabilang kamay ang cellphone niya.
A message notification rang from his phone. Alam na kaagad kung sino ang nagpadala ng mensahe sa kanya dahil sa ngiti niyang hindi maitago.
Buti pa siya nakakangiti. Wala yata akong matandaan na ngumiti ako kahit isang beses sa araw na ito.
Nakakawalang gana tuloy kumain, lumabas nalang ako sa kusina at pumanhik sa kwarto ko para magpahinga na.
~ • ° • ~
Tatlong linggo.
Tatlong linggo ang lumipas, at hindi ko pa rin siya nakikita.
Kung isang linggo lang ang pag-uusapan, maiintindihan ko pang nag-aadjust pa siya dahil sa pagtanggi ko sa kanya, pero tatlong linggo? He's getting immature.
I thought I wouldn't be bothered by it. But, his absence is killing me.
Ayoko man aminin ang katotohanan, but Frederic's absence begins to gnaw at me. I find myself constantly checking Frederic's empty seat, at siya kaagad ang hinahanap ko sa classroom kapag papasok ako tuwing umaga.
Pakiramdam ko kung may masamang nangyari sa kanya kaya hindi na siya pumapasok ay kasalanan ko.
“Kung nag-aalala ka na sa kanya, bisitahin mo na sa bahay nila,” nabigla ako nang marinig si August sa tabi ko.
“Anong pinagsasabi mo dyan?” sagot ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
“Don't deny it. Besides, he was still your best friend for many years kaya natural lang na mag-alala ka.”
I can't say anything to that.
“Go to his apartment after school, ako na bahalang magpapaalam kina mama at papa mamaya,” suhestiyon niya.
“I don't know—Aray!”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang pinitik ang noo ko. How dare he, this is physical abuse!
“Anong 'I don't know' ka dyan? Edi ano, buong araw ka nalang magbu-buntong hininga dyan, at magmukhang depress dyan sa gilid!”
Dahil sa lakas ng boses niya, naagaw niya ang atensyon ng ibang mga kaklase namin, at sa amin na sila nakatingin. Tsk, this is embarrassing.
“Oo na! Tumahimik ka na dyan,” I pushed him away at hindi naman siya lumaban at bumalik na sa upuan niya katabi si Cairo.
Tsk. Seeing him is a bad idea. It really is! Siguradong ayaw niya akong makita, ano pa kaya ang dahilan niya kung bakit hindi siya pumapasok.
But for the sake of knowing if he's still alive. Pupuntahan ko siya mamaya.
BINABASA MO ANG
Anonymous Admirer (BL)
RomanceAugust received a love letter confession without knowing who it was from or its name. Because of curiosity, he sets out to find his anonymous admirer. Date Started: December 2023 Date Ended: April 2024 Status: COMPLETED Copyright©2023 by Fiyore