Chapter 2

158 6 0
                                    

Pagka alis ng dalaga ay hindi magkamayaw sa pangangantyaw ang mga kaibigan ni Rolf, na lalo pang tumindi ng habulin nya ng tingin ang babae. Tinawanan nya lang ang mga kaibigan, although he was tempted na sundan ang dalaga, lalo na nang matanaw nyang sa halip na maupo ulit sa mesa ng mga ito ay mabilis itong tumalilis. 

Sa pinto pa labas ito tumuloy. Marahil ay na inis sa kantyaw ng mga kaibigan o kaya naman ay napa hiya. He could tell na inexperience ang dalaga sa klase ng pag halik nito. Gusto nyang mangiti sa isiping sya ang unang naka halik dito. She seem so young and yet so seductively beautiful sa kabila ng kainosentehan. 

Tama ang kaibigan nyang si Jules ng sabihin nitong nag tataglay ang dalaga ng katawang pang romansa. Dahil talagang to die for ang katawan nito, pina nikipan nga sya ng maong at para syang sinisilaban, habang yakap nya ito at hinahagkan.

Truth be told, it was not his intention to prolong the kiss. balak nya lang itong sindakin kaya nya biglang pinahiga. Kaso nang mag lapat ang mga labi nila ay may parang kung anong init syang naramdaman at hindi nya na pigil ang sarili. 

He kissed her with fire and passion and he was surprised na sa kabila ng inexperience nito ay natutunan agad nitong tumugon with equal fire and passion. Kung hindi sya bahagyang kinapos ng hangin ay hindi nya ito pakakawalan.

He was sorely tempted to repeat the performance kung hindi lang sa panunukso ng mga kaibigan at ng kung sino-sino sa paligid nila. Lalo pat parang ayaw parin nitong bitiwan sya.

Her beautiful face looked so alluring with her lips slightly swollen from his kisses and they were sinfully delicious. Her eyes sparked fire and passion. Too bad, all he could do now is imagine how she would looked like under him in the heat of passion.

It was crazy and he couldn't believe how his body responded on her, gayong hindi naman nila kilala ang isat isa. He had many women in his life, and at thirty four he thinks he's far too old to feel that way to a perfect stranger.

Noong kabataan nya siguro at bago sya sa pag babarko ay mauunawaan nya, pero hindi ngayon. Napa ka rami ng magagandang babaing nag daan sa buhay nya. 

Halos tinikman nyang lahat ang babawat babaing matipuhan nya sa bawat bansang daungan nya, though with protection and care dahil takot syang magka sakit. Pero hindi nya matandaang nagka roon sya ng ganong reaksyon sa kahit na sino sa mga babaing iyon, kahit na kay Anika na syang ina ng nag-iisa nyang anak. 

He loved Anika with passion, and he loved every minute he spent with her, pero hindi nya matandaang nag apoy sa pag nanasa ang katawan nya dahil lang sa simpleng halik. That woman must be a witch at ginayuma sya nito. 

"Earth to Rolf Sandejas! Hello, hello!" Ikinaway kaway pa sa mukha nya ang mga kamay na sabi ng kaibigang si Arman.

"Tulala pare, mukhang tinamaan kay miss beautiful!" Sabi naman ni Edward na may halong pang bubuska.

"Kung ganon ka ganda at ka sexy tatamaan ka ring talaga, lalo na kapag ganyang ka baba mo ng barko at tigang na tigang ka." Nambubuska ring salo ni Jules.

"Si Rolf matigang? matitigang ang dagat at sasadsad sa buhangin ang barko, pero tong kumpare natin hinding hindi matitigang!" Ani Louie na makas syang kinabog sa likod.

"Gago! Hindi ako pumapatol sa mga akyat barko, mahirap na." Sagot ng binata.

"Itong si Edward ang hindi matigang-tigang, kita mo ikakasal na kay Rosie pero ang sideline nyang si Anna ang buntis." Dagdag nya pa.

"Syutang ina! anong gagawin mo ngayon tol?" Ani Rick

"I don't know." Umiiling na sagot ni Edward

"Wag mong sabihing a atras ka sa kasal? Kawawa naman si Rosie, buong buhay non ikaw lang ang minahal." Ani Arman. 

Kisses of FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon