Prologue

219 7 3
                                    

One week after the final exam ay ini announce na kung sino ang nag top sa bawat klase at sa bulletin board sa labas ng Dean's Office ay naka paskil na ang mga pangalan ng bawat estudyanteng nag top sa ibat-ibang department.

Sa fourth year ng Department of Civil Engineering ay nangunguna sa listahan ang pangalan ni Emmanuelle Romano, katulad rin ng tatlong taong nag daan. She's a consistent Dean's Lister at walang professor o estudyante man na hindi nakaka kilala sa pangalan nya.

Emmanuelle or Emman to all friends is one of the most popular students in Mapua Institute of Technology sa Intramuros manila, at sa dalawang karatig na eskwelahan. Hindi lang dahil matalino sya kundi dahil sa taglay nyang ganda. She's nice to everyone at lagi syang may naka handang ngiti sa kahit na sinong bumati sa kanya, mapa lalake man o babae.

Though, sa kabila ng popularity nya maging sa opposite sex, ay never pa syang nakipag relasyon. Hindi nya pinapatulan ang kahit na sinong mag tangkang manligaw o mag palipad hangin sa kanya.

Kung paano syang consistent Dean's Lister ay ganoon din ka consistent ang pangako nya sa sariling mag aaral muna sya at mag tatapos bago sya makipag relasyon. Dahil ang pag-aaral ng mabuti at pag tatapos lang ang tanging hinihinging kapalit ng mommy Mona at daddy Ramon sa pagpapalaki, pag-aaruga at pagmamahal na ibinigay ng mga ito sa kanya.

Her real mother Eliza, died giving birth of her. At walang naka aalam kung sino ang tunay nyang ama. Ang sabi ng mommy Mona nya ay umuwi ditong buntis ang kapatid, na noon ay nag ta trabaho sa ibang bansa.

Sa kabila ng alam nyang ampon sya ay minsan man sa buhay nya ay hindi nya naranasang ituring na ampon. Minahal sya ng nakagisnang magulang kung paano ng mga ito minamahal ang tatlong mga anak na tulad nya'y pawang mga babae rin.

Ang bawat isa sa tatlo ay naka pag tapos na at dalawa na ang nag asawa. Si Louisa na isang nurse at kasamang nag ta trabaho at naninirahan ng asawa sa Dubai. Ang ikalawang si Clara na isang guro, tulad rin ng asawa nito. Ang bunsong si Via na isa ring nurse ay nag ta trabaho sa public health clinic sa probinsya, kung saan sila nag tapos ng highschool.

Sya na lang ang natitirang iginagapang ng mag asawa. Teacher sa highschool ang mommy Mona nya at kasalukuyang hepe naman ng pulisya sa bayan nila ang daddy Ramon nya. Hindi sya makaka payag na hindi sya makaka graduate nang dahil lang sa lalake. Hindi sya magiging katulad ng tunay nyang ina na mag bubuntis ng walang asawa.

Mula sa kumpol ng mga estudyanteng nag sisiksikan sa pag tingin kung kabilang ba ang mga ito sa listahan ay naka ngiting umalis si Emman. Tulad kasi ng inaasahan nya ay sya na naman ang Top one. Magaan ang pakiramdam at masaya syang nag lakad palabas ng eskwelahan, para hanapin ang mga kaibigan nyang malamang ay nag hihintay sa kanya sa labas.

"Congratulations Emman, Top one ka nanaman, pa inom ka naman!" Bungad ng kaibigang si Berna pag labas nya pa lang ng gate.

"Blow out! blow out!" Panabay na chant naman ng dalawa pang kaibigang sina Katriz at Megan.

"Anong blow out? di ba dapat kayo ang mamblow out sa akin, dahil kung hindi dahil sakin bagsak nanaman kayong tatalo." Pabirong sabi nya, bagamat may bahid iyon ng katotohanan.

Ang tatlo kasi, bagamat hindi mga bobo ay pare-parehong tamad mag aral, puro gimik at boys ang inaatupag, palibasa lahat ay anak ng may kaya sa buhay.

"Aray ko, aray! walang ganyanan tinataman ako." Sapo ang dibdib at nag kukuyaring nasaktang sabi ni Megan, bahagya pang pinalungkot ang mga mata na akala moy iiyak.

"Sige na, oo na, ikaw na ang matalino." Kunyari naman ay nag tatampong sabi ni Katriz.

"Sus! Da drama pa kayo, eh totoo namang sya ang matalino, at talagang hindi tayo papasa kung hindi dahi sa kanya!" Pa no nupla ni Berna.

Kisses of FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon