"Mommy, mommy wake up, please I need to pee." Ang gumising kay Emman bandang alas sais ng umaga. Groggy pa sya sa antok dahil pasado alas dos na ng madaling araw ng mahiga sya sa tabi ng bata, gayon pa man ay pinilit nyang bumangon, matapos kusutin ang mga mata.
"Good morning lola."Bati nito ng madaanan nila ang mommy Mona nyang nag kakape.
"Good morning Gelo, did you sleep well?" Ganting bati ni Mona sa bata.
"Yes po, katabi ko si mommy." naka ngiting sagot nito saka hinila ang ina-inahan at nag sabing kailangan nya na gumamit ng banyo, eksakto namang labas ng daddy Ramon nya doon naka ligo na ito at mukhang maghahanda na sa pag pasok, sabay nilang binati ito ni Gelo, na agad naman nitong sinagot, bago sila iniwan.
"Wash your hands baby after using the toilet okay and call me if you need help."Bilin nya sa bata pag pasok nito ng banyo.
"Yes mommy." Mabilis na sagot ng bata bago isinara ang pinto.
"Malambing at mabait ang anak ni Rolf, madaling maka gaanan ng loob, kung sakali ay hindi na masama."Bungad ng mommy nya na sumunod pala sa kanila sa kusina.
Katulad ng karaniwang lumang bahay ay nasa gawing kusina ang common toilet and shower ng bahay nila. Luma na kasi ang bahay nila, dating bahay pa iyon ng parents ng daddy Ramon nya at dahil nag iisa itong anak ay ito ang nag mana noon.
Nang lumipat sila sa Pangasinan ay ipinaayos at pina pinturahan na lang nito iyon. Inalis ang dating ding-ding na nag hihiwalay sa dalawang malalaking silid at ipina hati iyon sa tatlong katamtaman ang laking kwarto.
Nag tag-isa sila ni Via sa dalawang kwarto at ang isa ay naging guestroom na pinag hahatian ng ate Louisa at ate Clara nila kapag umuuwi ang mga ito noon kapag school holiday. Nong single pa si Clara ay okupado nito iyon, hanggang sa magpakasal ito sa asawang si Lemuel.
Ang masters bedroom ang pinaka malaking silid sa bahay na iyon, kung tutuusin ay pwede mag lagay ng katamtaman ang laking banyo with walk in ward robe doon dahil halos sing laki iyon ng salas. Pero ayaw ipa galaw ng daddy nila ang kwartong iyon, pintura lang ang na bago doon at ang kamang tinutulugan ng mga ito.
"Malambing po talaga si Gelo mom."Sagot nya sa ina.
"If ever na magkatuluyan kayo ni Rolf ay mukhang hindi ka na mahihirapan, sanay na sanay na sayo ang anak nya."Sabi ni Mona, tumango lang sya.
"Sabi ng daddy nyo ay mag pi picnic daw kayo? Hindi na kami sa sama at babalik pa ako sa school mamaya, marami pang asekasohin doon bago tuluyang mag sara para sa bakasyon." Muling untag ni Mona
Ang daddy nyo ay may pasok, ewan ko kung sumama ang ate nyo, mukhang masama ang pakiramdam kagabi, hindi ko alam kung kasama si balae, baka mamaya anak ha mag check in kayo sa mga kwarto don, kukurutin kita sa singit!" Dagdag pa nito.
"Si mommy talaga, ang dami-dami naming magkakasama." Naka ngusong sagot nya.
"Marami nga kayo, partner partner naman kayo, eh kung lahat kayo mag check in?"Nandidilat ang mga matang sagot ni Mona.
"Kasama namin si Gelo my, saka si kuya Darwin, wala namang girlfriend yon, saka malamang sumama si Auntie Juliet saka si Andeng." Sabi ng dalagang pinamumulahan ng mukha.
"Ano ang pinag uusapan nyo ang aga-aga ang ingay nyo?"Kunyaring pa ni nermon ni Via na bitbit ang towalya nito.
"Uy ikaw rin, hindi porke ikakasal na kayo ni Patrick pwede na kayong magpa check -in check-in ha? Kukurutin ko kayo sa singit pag na laman-laman ko na partner partner kayong kumuha ng kwarto sa resort mamaya." Nan didilat ang mga mata sa anak na litanya ni Mona.
BINABASA MO ANG
Kisses of Flames
RomanceTruth or Dare? a childish game that Emmanuelle dared to play one faithful summer night, and before she knew it she was being thoroughly kissed by a handsome stranger in that crowded bar, while her friends are cheering her on. In the blink of an eye...