Chapter 24

215 5 89
                                    

Hindi makatulog sa kaiisip si Rolf sa magdamag. Kahapon pa nya hindi ma contact si Emman. He already know her habit of barely checking her phone, pero hindi nya parin maiwasang hindi mainis lalo na ng malaman nya na pagka alis-alis nya pala ay sinundo naman ito ng magkapatid na Braganza.

Kung alam nya lang na susunduin ito ng maaga at hindi nya na madadatnan pag-uwi nya ng hapon ay pinilit nya itong sumama sa kanya sa Lingayen. Kung hindi pa na banggit sa kanya ni Shiela at kinumpirma ni Via ay hindi nya malalaman. Ni hindi na alala ng kasintahan na mag message sa kanya.

Mainit ang ulo nyang bumangon at bumaba para mag almusal. Pag bungad nya sa mesa ay na datnan nya sa baba sina Andeng, Gelo, Patrick at Via na busy sa kung anong tinitignan ng mga ito sa phone at pasimple pang nagkatinginan ang tatlo.

"Morning daddy." Masiglang bati ng anak na hindi pa man nya na sasagot ay...

"Mommy looked so pretty at the party last night, I wish I was there too." bulalas nito. Muli ay napuna nyang nagka tinginan ang tatlo.

"How did you know what your mommy looked like at the party?" Tanong nya sa anak pero nasa tatlong nag kukompulan ang mga mata.

"I saw her photos, she's so pretty like a barbie doll!" Bulalas nito saka...

"Show mommy's photo to daddy tita Via." Baling nito kay Via, muling nagka tinginan ang tatlo saka...

"Naka tag sa Facebook nya kuya nakita lang namin." Sabi ni Via.

Dinukot nya agad ang cellphone nya at akmang bubuksan iyon ng...

"She's on private profile and we're not friends on Facebook." Sabi nya, tinignan sya ni Patrick na para bang gusto sya nitong asarin pero naunahan na ito ni Via ng pinong kurot kaya...

"Naka public naman si Emman ah, tignan mo." Sabi nito saka bahagyang hinagod ang tagilirang kinurot ni Via.

"Naka pinpintas nga talaga ni manang Emman at my gosh kasla artista idjay nga dance partner na." Bulalas ni Andeng na mukhang kinikilig sa dance partner na sina sabi nito. (Napaka ganda nga talaga ni ate Emman at my gosh parang artista ang ka partner nya sa pag sayaw.)

Mabilis na binuksan ni Rolf ang Facebook account nya at hinanap ang dalaga sa search button. True to his word ay naka public nga ang profile ng dalaga katulad ng sabi ni Patrick. Agad nyang pinindot ang pangalan nito at natampad sa mga mata nya ang mga latest pictures na uploaded ng ibat-ibang tao na mukhang mga bisita din sa party.

She looked so beautiful and so regal in her flowery gown na mukhang mamahalin at designer item. It really made her look like a living barbie doll. The cut of the upper part highlighted her assets and the belt and the full skirt made her look even more slender, hindi nya makita kung ano ang soot sa mga paa.

The pictures are taken while dancing, some are standing or sitting side by side. Some are in the arms of the Braganza brothers at maging ng Congressman, na labis nyang ipinagtaka at ikina panibogho dahil halos wala ng pagitan sa mga ito. She seem to be even leaning to the old man. And then he saw the picture na sinasabi ni Andeng.

Emman is in the arms of a foreigner na naka yuko dito, habang naka tingala naman dito si Emman at naka ngiti. The guy looked like he's about to kiss her, another photo of them both are looking at the camera and both smiling habang nasa beywang ng isat-isa ang mga bisig.

The guy was tagged Davon Batewhyte, at maraming comments sa picture na iyon. He clicked on the comments and read some.

"Bro the chick looked hot, is she coming home with you in OZ?"

"Did you you finally get hitched?"

"Is that finally the future missus?"

"If you don't like her, tell her she can be mine."

Kisses of FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon