Parang may mga paru-parong nag liliparan sa loob ng tiyan nya ng bumyahe na palabas ng subdivision ang sasakyan nila. Sa Blue Ridge Mountain Subdivision daw naka tira sina Larissa at Francis. Ibinigay nya ang address sa papa nya at ibinigay naman nito iyon sa driver, pero dumaan daw muna sila sa BPI bank sa downtown.Akbay sya nito pa pasok ng bangko at kasunod nila ang dalawa sa mga bodyguards nito. Saglit lang silang nag hintay at ang manager mismo ng bangko ang nag entertain sa kanila. Mukhang kilala doon ang papa nya dahil binati ito agad ng manager at ibinalik nito ang pag bati gamit ang pangalan ng manager.
Ipinakilala sya nito sa manager, before they proceeded with the business. Ikinuha pala sya nito ng savings account, credit card at isang extension card ng sarili nitong account. Kailangan na lang nito at nya permahan ang mga papel. Marahil naitawag na nito in advance kaya ready na.
Ayaw nya sana dahil may sarili naman syang account sa BDO na pinag lalagyan nya ng konting kinikita nya sa sideline nya kina Mico at Marius plus ang allowance na galing sa mommy at daddy nya, pero mapilit ito. Huwag nya na raw tanggapin ang allowance na ibinibigay ng mommy at daddy nya at ito na ang mag bibigay.
In the end ay hindi na sya nakipag talo. Malaking bagay sa mommy at daddy nya ang hindi na pag bibigay ng monthly allowance sa kanya kung talaga. They might manage to save more money at pwede na ng mga itong ipa renovate ang bahay o kung ano pa mang gustong ipagawa ng mga ito.
Malapit lang naman pala ang Subdivision nina Larissa, medyo natagalan lang dahil na traffic sila. Ang daming bilin ng papa nya, at wag daw syang mag dadalawang isip na tumawag dito o kay Markus, at umuwi daw sya Pinewoods kung kailangan nya. Tango lang sya ng tango dahil nag hahalo na ang kaba at excitement nya na makita at makasama ang kasintahan.
Na miss nya ito agad sa ilang araw na hindi nila pagkikita. Pero kinakabahan sya at nahihiya dahil sa pinag gagawa nila sa sa telepono the other night. Pasado alas tres pa lang ng hapon at hindi sya sigurado kung nasa bahay na ba ang mga ito dahil hindi nya naman sinabi na nasa Baguio na sya kanina pang bago mananghali.
The subdivision looked nice, magaganda at malalaki rin ang mga bahay. It's one of the prime subdivisions in Baguio daw sabi ng papa nya at kung doon nakatira sina Francis ay mukhang may sinasabi daw ito sa buhay. He seem impressed. Nang pumarada sila sa tapat ng bahay ng mga ito ay mas mukhang na impress ang papa nya.
The house doesn't look as big as their house in Pinewoods, but it looked grand outside at nasa magandang location. Katulong ang nag bukas ng mag doorbell ang bodyguard at nang magpa kilala sya ay agad silang pinatutuloy.
Pero sabi ng papa nya ay hindi na ito papasok kung wala naman doon ang may- ari ng bahay. Ipina baba nya na lang sa bodyguard nito ang back pack nya sa boot at nang bumaba sya soot ang jacket ng papa nya at bitbit ang shoulder bag nya ay bumaba rin ang ama at matapos syang yakapin ng mahigpit at hagkan ay reluctant itong binitiwan sya.
"I will call and I'll come and see you on the weekends papa, promise." Niyakap sya ulit nito at hinagkan sa noo bago ito pumihit at muling sumakay sa sasakyan nito.
"Take care!" Habol nya ng buksan nito ang bintana at kumaway, kumaway rin sya at nag flying kiss pa. Congressman Braganza smiled, na pa ngiti rin tuloy sya.
Halos 3 houses pa lang ang natatakbo ng dalawang sasakyan ay sya namang dating ng sasakyan ni Rolf. Bumusina ito agad at bumukas ang mga bintana. Si Gelo ay excited na inilabas ang ulo sa bintana kagaya ng ginawa ni Rolf, at sumigaw ng mommy I miss you.
"I missed you too baby!" Ganti nya, saka sinabing wag ng bumaba, susunod na lang sya sa sasakyan papasok. Rolf did as told at pag pasok na pag pasok nya ng gate at pag parada nito ay halos panabay na bumukas ang driver seat at ang passenger seat.
BINABASA MO ANG
Kisses of Flames
RomanceTruth or Dare? a childish game that Emmanuelle dared to play one faithful summer night, and before she knew it she was being thoroughly kissed by a handsome stranger in that crowded bar, while her friends are cheering her on. In the blink of an eye...