Chapter 46

123 4 60
                                    


That night after nilang mag shopping ng papa nya kasama si Megan at maka uwi sila sa bahay ay hindi dalawin ng antok si Emman. Yakap nya ang unan ni Rolf na ginamit pang punda ang tshirt na hinubad nito. Langhap nya pa doon ang natural scent ng binata at ang gamit nitong pabango.

Hindi sya naka tiis dinampot nya ang cellphone nya at nag text kay Via. Tinatanong kung gising pa ito. Via replied, tinawagan nya ang kapatid, nahulaan na ni Via kung bakit. Ang nangyari tuloy ay nagka iyakan silang magkapatid sa telepono dahil pareho nilang na mimiss ang magkapatid rin. They talked for hours hanggang pareho silang antokin at magpa alam sa isat-isa.

Kinabukasan pag gising nya ay bahagya pang na mumugto ang mga mata nya at nanghahapdi. Nagbabad sya sa shower para kahit paano ay mawala ang pamumugto ng mga mata nya at itinodo nya ang concealer at make up, baka asarin kasi sya nina Mico at Marius.

"Did you sleep well?" Tanong ng papa nya nang maupo sya sa tabi nito matapos nya itong hagkan at batiin ng good morning.

"Yes papa but only after being awake for a long time." Sagot nya.

"You're thinking of Rolf?" Tanong nito at tumango lang sya.

"Hindi pa ba tumatawag?" Muling tanong ng ama.

"We exchanged messages while he was changing flights and after he's flying straight to Marseilles and mamaya pang hapon ang lapag nya." Sagot nya sa ama.

"Wanna go with us?" Tanong ni Marius.

"Where?" Tanong ni Emman

"Anywhere, let's just do a joy ride." Sabi ng kapatid.

"Why dont we all go?" Sabi ng papa nila. They all agreed. In the end after breakfast ay naka rating sila sa Laguna, nag ikot-ikot at nag lunch, pagkatapos ay nag drive ulit pabalik ng Maynila. Mukhang sadyang nililibang lang sya ng mga kapamilya. On the way home ay sa the Fort sila na punta.

They went to another popular luxury spa and aesthetic clinic there and all had treatments, but nothing invasive. After doon ay pumasok sa ilang shop at lumabas na may bitbit na kung ano-ano, all three men seem to be in competition on how to spoil her.

Ang dami nya ng damit at sapatos, kahapon ay kung ano-ano rin ang pinagbibili ng papa nya sa high end stores sa Greenbelt, including three sizes of designer luggages from Louie Vuitton, and two expensive long winter coats from another designer shop, at winter boots. Sya ang na lulula sa gastos, pero sabi ng papa nya ay kailangan nya ang mga yon pag alis nya.

Like as if a regular luggage bag from SM malls could not carry her things. Until now ay hindi nya pa rin ma gets ang reasonings ng mayayaman kung bakit kailangan expensive from head to toe ang isusuot o gagamitin. She was fine using mass market brands at naka survive sya ng twenty years gamit at soot ang mga ganong brands.

They had dinner at The Fort and a few cocktails bago sila umuwi because she insisted. Baka kasi tumawag si Rolf at ma miss nya dahil sa ingay sa paligid. Eksaktong akyat nya ay tumawag nga ang kasintahan. He sound so tired over the phone at mukhang wala pang masyadong tulog.

Naka check in daw ito sa isang hotel doon para maka pag pahinga at saka tutuloy sa barko. He said he just wanted to hear her voice dahil na mi miss daw sya nito. She teared up again kasi miss na miss nya rin ang kasintahan. As requested she sang him a song bago ito tuluyang nagpa alam with lots of whispered I love yous and I miss you so much. Sleeping that night was as hard as the first one.

The following days became a blurr of activities in between her online classes. Ilang ulit rin syang pumunta sa school for things related to her internship. She hanged out with her friends, and this time around ay silang tatlo nina Berna at Megan ang asar talo kay Katriz, who is apparently dating a diffirent guy from the previous one na dinala nito sa house blessing nina Berna at Jules.

Kisses of FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon