(P.S to none Ilocano reader : Ilocanos call their kuya's or anyone older than them Manong, and Manang for ate. Uncle and Auntie for much older men and women.
To future Ilocano reader, im not very good at speaking Ilocano language, nakaka intindi lang ako at enough lang ang alam ko para hindi ako maibenta, so forgive me if i'm wrong, then message me and i will rephrase or re write the parts.
Thank you.)
Ang planong hapunan ay hindi na tuloy dahil tinawagan si Via ng daddy Ramon nila at pina uwi silang dalawa. Pag uwi nila ay pareho silang na sabon nito dahil sa outfit nila sa plaza. Bukod doon ay senermonan pa sila nito dahil imbes daw na lalake ang dumayo sa kanila ay sila pa ang dumadayo sa lalake. Via just rolled her eyes at idinaan sa biro ang sermon ng ama.
Si Emman ay hindi rin naka ligtas, ilang ulit itong ininterrogate ng pamilya tungkol kay Markus at sa pamilya Braganza. Ani Ramon, kung hindi lang daw nakaka hiya at nagka subuan na ay ayaw nitong dumalo sa birthday party ng congressman, dangan nga lang daw ay ayaw rin nitong payagan si Emman na dumalo mag isa.
Ang sabi pa nito ay hindi lang daw ang mga binatang anak ang mga kilalang babaero sa pamilya kundi maging ang Congressman mismo na tulad raw ng mga anak ay kung kani-kanino na li link dahil wala daw itong asawa.
Kung ito raw ang masusunod ay ayaw nitong masabit sya sa pamilyang iyon. Simple lang daw silang tao at hindi nila kailangan ang tsismis o kung ano pa mang magiging hatid ng pamilya Braganza sa kanilang pamumuhay.
Si Emman ay ilang ulit tiniyak sa ama na wala naman silang unawaan ni Markus at taliwas sa iniisip nito o maging ng Congressman ay wala silang ibang relasyon maliban sa pagkakaibigan.
Ang sabi ni Mona sa anak ay hindi iyon ang nakikita nya sa binatang Braganza at iba rin ang ipina hihiwatig ng Congressman, lalo na raw ng makailang ulit itong mag usisa ng tungkol sa dalaga at sa ina nito. Nag kibit balikat lang si Emman at inulit ang nasabi na sa ama, bagamat ipinag taka nya ang pag tatanong ng Congressman ng mga bagay tungkol sa tunay nyang ina.
Kinabukasan araw ng linggo ay na aya at ipinag pa alam si Emman ng mga dating ka klase at kaibigan na mag picnic sa farm ng isa sa mga dating ka klase sa kabilang barrio. Dahil kasubuan na at ka kilala naman ay pinayagan ng mga magulang ang si Emman.
Pag dating nila sa farm ay nagulat ang dalaga na halos lahat naroon ang mga dati nilang ka klase sa highschool. Nag mistula tuloy highschool reunion ang nangyari. Hindi sila magka mayaw sa kumustahat biruan at malakas na tawanan. Habang nagtutulong - tulong silang mag handa ng tanghalian.
Hustong oras ng kainan ng magsi dating pa ang ibang ka klaseng lalake na may bitbit na mga inumin. Hindi lang tuloy basta simpleng picnic ang nangyari kundi inuman na rin. Noong una ay ayaw uminom ng dalaga, pero habang na lalasing ang mga dating kaklaseng lalake ay naging makulit na at hindi nya na matanggihan.
Tipsy na sya at pina mumulahan ng mukha ng mula sa kung saan ay sumulpot si Rolf na may bitbit na malaki at mahabang jungle bolo at isang water bottle. Naka baseball cap, hubad baro ito at naka alampay sa balikat ang hinubad na damit at pawisan, mas mukha itong modelo sa itsura nito kesa magsasaka.
Na bitin sa ere ang kamay ng dalagang may hawak na shot glass at pinanuyuan sya ng lalamunan ng mabistahan ang six pack abs nitong namumutok sa muscles, makinis at parang pina photoshopped.
"Syet! Ang gwapo at ang macho ni manong Rolf sis!" Buling ng kaibigan nyang si Tess. Hindi nya magawang sagutin si Tess na halating kinikilig, sampo ng mga ka klaseng babae.
Si Rolf ay kinakausap ni Raymond isa sa mga ka klase at kaibigan nya sa highschool, pero wala syang maintindihan sa usapan ng dalawa. Mabilis at wikang ilocano, pero na hihimigan nyang sya ang topic dahil sa pagsulyap-sulyap ng mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kisses of Flames
RomanceTruth or Dare? a childish game that Emmanuelle dared to play one faithful summer night, and before she knew it she was being thoroughly kissed by a handsome stranger in that crowded bar, while her friends are cheering her on. In the blink of an eye...