Chapter 22

208 4 29
                                    


Matapos ang masayang harutan ng lahat ay hindi na rin naka kontra pa si Rolf ng magka ayaang mag picture taking ang mga babae. Sa tuwina kasi ay kina kantyawan ni Berna ang dalaga at para matapos na ay hinayaan nya na lang kahit nag ko kukot ang loob nya.

Mabuti na nga lang rin at hindi na ulit lumapit ang grupo ng professor nito sa grupo nila. Pero na tanaw nyang mga naka tanaw rin sa dereksyon nila at mukhang tinatanaw ang dalaga.

Para maka tiyak na walang lalapit, mag ko comment o pi pito dito ay bantay sarado sa kanya ang kasintahan. Asar talo sya kay Jules pero wala syang paki alam. Ganon rin naman ito sa asawa nitong sinisipat ng mga kaibigan at ka klase ni Emman.

Naka hinga lang sya ng maluwag ng mag paalam si Emman na maliligo na at mag bibihis dahil masyado na itong na babad sa tubig alat. She's starting to itch daw and she needs fresh water and full body cream, tangay nito ang asawa ni Jules pag alis.

"Ang swerte mo kay Emman pre! ang lupet ng katawan! bilib na ko sa lakas mong mag pigil! Kung sakin sya lumapit sa Maynila sya sana ang misis ko ngayon at hindi ako sasakay ng barko hanggat hindi sya buntis." Malakas na sabi ni Jules.

"Tangna ka tol! Wag mong minamanyak si Emman, kanina pa mainit ang ulo nyan ni kuya sa baba at taas wag mo na gatungan at baka hindi na tayo maka sampa ng barko." Sabi ni Patrick bago pa mag salita ang nairita ng si Rolf.

"Peace men! I just know how to appreciate beauty when I see one." Naka ngising sagot ni Jules pero mabilis na lumayo kay Rolf.

"Yong beauty ng misis mo ang I appreciate mo, wag yong sakin!" Inis na sabi ni Rolf.

"Misis mo na ba? mukhang ni hindi ka pa man lang nakaka first base." Pa ngangantyaw ni Jules.

"She will be! so shut up at baka sungalngalin kita!" Badtrip na sabi ng binata. Tumawa lang si Jules, sadyang malakas rin talaga itong mang alaska.

"Wait up until I tell the boys kung paano ka mag selos pre!" Naka tawa pa ring sabi ni Jules ni hindi natakot sa banta ni Rolf.

"Subukan mo!" Muling banta nya.

"Susubukan ko talaga!" Sabi ni Jules saka...

"Hindi ba kayo dadalo sa kasal ni Edward?" Pag iiba nito ng usapan.

"Bahala na, ikakasal rin sina Patrick at Via." Sagot ni Rolf. Kinong-gratulate ni Jules ang dalawa saka...

"Si Anna ang pinili ng gago dahil sa anak nya, ayaw raw ni Rosie na kunin or suportahan nya ang bata, so si Anna na nga naman ang pakakasalan nya." Sa nito.

"That's his choice, labas na tayo doon." Sabi ni Rolf.

"Ang swerte ni kuya kay Emman, mas mahal ni Emman ang anak nya kesa sa pag mamahal nya kay kuya." Nang aasar na sabi ni Patrick.

"It doesn't matter, ang mahalaga mahal nya kami pareho ng anak ko." Proud na sabi ni Rolf.

"Kaya wag mo masyadong ka higpitan kuya, mamaya masakal sayo iwanan ka, dami pa namang nag aabang dyan ikaw rin." Sabi ni Larissa.

"Magkamatayan na, it will never happen." Kumpyansang sabi ng binata.

"Ano kaya?" Na nanantyang sabi ni Francis.

"Wag ka na komontra, kanina ka pa kumo quota sa akin!" Singhal ni Rolf sa bayaw.

"Sabi ko nga peace!" Ngumising sabi nito.

"Pamanhikan mo na rin kay Uncle Ramon manong." Sabi ni Shiela.

"Sabi ko nga kanina unahan na namin sina Via at Patrick, pero ayaw eh." Sagot ni Rolf.

"Uy walang ganyanan! Ang usapan ay usapan, kami ni Patrick ang mauuna!" Sabi ni Via.

"We'll see." Ngumising sabi ni Rolf.

Kisses of FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon