Kinabukasan ay himalang maaliwalas ang mukha ni Rolf ng bumaba sya sa kumidor at sumalo sa almusal. Bagay na agad pinuna ng mga kapatid, but he just ignored them. He focused on feeding Gelo saka...
"What's the plan for today?" Tanong nya kay Via.
"Mag canvas tayo ng flowers kuya, tapos tumingin-tingin na rin tayo ng mga souvenirs, nagka usap na ba kayo ni Emman? hindi pa nag ti text sakin eh." Sagot ni Via.
"Kagabi." Tipid na sagot nya.
"Hmmm. Kaya naman pala mukhang maganda ang gising mo bayaw." Sabi ni Francis, ngumiti lang si Rolf.
"Anong sabi?" Si Via ulit. Inabot nya ang kapeng ibinibigay ni Larissa saka...
"Bukas ng hapon pa daw sya dadating, nasa Maynila sya kasama ng mga anak ni Braganza." Bahagyang umasim ang mukhang sagot nya.
"Oh? At okay lang sayo?"
"Akala ko ba nasa Bolinao sya?" Panabay na tanong nina Larissa at Via habang sina Patrick at Francis ay naka taas ang kilay.
"She promised to be here bukas bago gumabi, that's all that matters." Sagot nya.
"Himala hindi ka na yata na ngangalamansi ngayon kuya?" Nang aasar ang tonong tanong ni Patrick.
"May tiwala ako kay Emman, kay Braganza lang wala." He replied dismissively saka niyuko ang almusal at nag umpisang kumain.
Ang mga kaharap ay pasimpleng nag tinginan at nagkibit balikat saka kumain na rin. Hopefully at hindi na nga mainit ang ulo ng binata dahil talo pa nila ang tumatapak sa de numerong tiles kapag bad trip si Rolf.
"Daddy are we going to pick up mommy?" Tanong ni Gelo.
"No, she'll be here before dinner tomorrow." Sagot nya sa anak na bahagyang napa simangot. Tulad nya miss na miss na rin nito si Emman.
"Can I call her?" Muling tanong nito.
"Sure." Sagot ni Rolf saka inilabas ang phone at tinawagan ang dalaga gamit ang WhatsApp.
"Love?" Raspy ang boses at halatang bagong gising na bungad nito, pero hindi binuksan ang camera.
"Good Morning, na mimiss ka ng anak mo." Sagot nya.
"Oh, is he with you? Can I freshen up first and I'll call back?
"Ellie hija ipinagigising ka na ng auntie Elena mo, sumabay ka na daw sa almusal." Malakas na sabi ng kung sino sa labas ng pinto matapos ang tatlong magkakasunod na katok at rinig ng lahat sa speaker ng phone.
"I'm awake yaya, I'll be down in five minutes may kausap lang ako." Sagot ni Emman.
"Sosyal may yaya!" Si Via
"Sinong auntie Elena?" Tanong ni Larissa, umiling si Via.
"Love I need to go, I'll call after breakfast." Na tatarantang sabi ni Emman.
"Okay." Sabi ni Rolf
"Mommy I miss you!" Sabi ni Gelo.
"I miss you too baby, I love you, I'll call after breakfast promise!" Sagot ni Emman saka pinatay ang tawag.
"San ba sya sa Manila naka tuloy?" Tanong ni Larissa kay Rolf.
"Kina Braganza." Sagot ng binata.
"Eh wala namang asawa si Congressman diba? So sinong auntie Elena?" Tanong naman ni Via.
"Ewan ko, ask her pag tawag nya." Sagot ni Rolf na nawalan ng gana sa almusal. Inubos nya na lang ang kape nya, tumayo na at sinabing maliligo sya. Iniwan kay Gelo ang phone nya, incase tumawag si Emman habang nasa banyo sya.
BINABASA MO ANG
Kisses of Flames
RomanceTruth or Dare? a childish game that Emmanuelle dared to play one faithful summer night, and before she knew it she was being thoroughly kissed by a handsome stranger in that crowded bar, while her friends are cheering her on. In the blink of an eye...