Chapter 30

202 5 50
                                    


"Alam ko kung saan pupunta ang mga yon."Sabi ni Chiara pag ka alis na pagka alis ng dalawang sasakyan.

"Saan?"Tanong ni Larissa

"Sa Moon Under Water, it's an underground club na puro babae at may nag la live show, puntahan ng mga local rich kids, at Korean and Japanese students yon dito sa Baguio." Sagot ni Chiara.

"As in hooker club?"Tanong ni Via.

"No pero parang ganon na rin kasi there are days na may live show sa stage, minsan calendar girls or just a typical disco, I don't know kung anong nandon tonight, pero duda ako kina Marius at Mico sure ako na may pina plano ang mga yon."Sagot ni Chiara na isinatinig ang pag hihinala.

"What should we do?"Tanong ni Emman.

"What do you want us to do?"Balik tanong ni Chiara.

"Sundan natin."Sabi ni Via, sinipat ni Chiara ang damit nilang tatlo.

"Hindi papasa ang mga damit nyo, we need sexier outfit than that." Sabi nito.

"Umuwi tayo sa inyo ate Larissa."Sabi ni Via.

"Wag na, marami akong damit dito, sikip na ang iba sa akin pero mukhang kakasya naman sa inyo." Sabi ni Chiara.

"Pano si Gelo at saka si Brandon?" Nag aalalang tanong ni Emman.

"We can leave them, may mga katulong naman, at saglit lang naman tayo, I'll pump some milk para pag nagising si Brandon may dede sya."Sabi ni Chiara.

"Baka magalit si Markus."Sabi ni Emman.

"Di magalit sya!" Naka irap na sagot ni Chiara saka...

"Tara sa itaas, ma mili kayo ng outfit at mag ayos habang nag bi breast pump ako, dali!"Sabi pa nito.

Akay ni Emman si Gelo na sumunod silang lahat kay Chiara sa itaas. Tuloy-tuloy ito sa kwarto nito at ni Markus sa itaas. Saka binuksan ang malaking walk in wardrobe at sinipat sipat silang tatlo saka...

"Ito Via isukat mo." Sabi nitong ini abot kay Via ang isang itim na cut out dress.

"Hindi ko yata kayang isoot yan Chiara." Sabi ni Via saka...

"Isukat mo Emman." Baling nito sa kapatid.

"Mukhang sikip sa boobs ko."Sabi ng dalaga na sinipat-sipat ang maiksing damit.

"Ikaw ate Larissa?"Baling nya naman kay Larissa.

"Kung hindi kaya ni Via lalo naman ako."Sabi nito. Nagkalkal pa ng nagkalkal si Chiara until they found what seem to be more their taste.

Larissa settled for a red form fitting halter neck na hanggang tuhod at hindi masyadong revealing, pero sexy paring tignan. Si Via ay isang itim na spaghetti straps fringe mini dress. Nag gagalawan ang mga fringes noon tuwing hahakbang.

Si Emman ay isang black leather mini skirt at stretchable na kulay puting corset style boob tube top, iyon lang ang nagkasya  sa dibdib nya dahil straps na itinatali ang likod. Mas maliit ang paa ni Chiara sa kanya kaya ang knee high boots nya parin ang soot nya.

Si Chiara ay naka kulay maroon na one shoulder body con dress. Sabi nito ay medyo sikip na dito dahil tumaba daw ito ng manganak pero the tightness helps daw para ma flatten ang medyo lumaki nitong puson. It doesn't look that big in her eyes, tingin nya ay medyo lumapad lang ang balakang ng hipag at dahil naka stiletto at sanay itong rumampa ay seksing-sexy na ulit itong tignan.

Chiara is also very good with make up. Inayusan sila nito ni Larissa habang inaayos naman ni Via ang buhok nila, after ay ang dalawang babae naman ang nag ayusan.

Kisses of FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon