Prologue

39 3 0
                                    





Nag lalakad ako ngayon papunta sa 711 gusto ko kasing bumili ng ice cream. Nang makarating ay dumiretso na ako sa lalagyanan ng bibilhin ko at kinuha na ang gusto ko, pero na patigil ako nang mapansin kong may tao sa likod ko at nakatingin saakin, kaya naman nilingon ko ito. Si Drew lang pala.

"Hoy nagulat ako sayo wag kanga sulpot ng sulpot kung saan saan." Sabi ko.

"Haha sorry na, libre nalang kita." Sabi nya 'yes libre haha' kaya naman napangiti ako at kumuha ng tatlong ice cream, libre naman to eh.

"Uy baka mag kasakit kana dyan ang dami kaya nyan." Sabi nya na medyo nakakunot na ang nuo.

"Di yan, lalagay ko sa ref yun iba di ko naman uubusin ngayon eh." Sabi ko at natawa nalang sya at napailing.

"Sige na nga tara na sa counter." Sabi nya at nag lakad na papuntang counter at sumunod naman ako. Pero habang nag lalakad parang may nangyayari sa paligid... bat parang sumasara yung paligid na parang libro? Kaya naman tumigil ako at tumingin sa paligid ko at nagulat na may malaking tao ang nanonood saamin. 'Anong nangyayari???'

Napatingin ulit ako sa paligid ko at nakita ko si Drew na parang natutunaw. Lalapit na sana ako sa kanya pero di ako makagalaw at napatingin ako sa sarili ko pati pala ako nag lalaho na. Napaiyak nalang ako dahil di ko alam ang gagawin ko. Lahat ng paligid ng paligid ko ay nag lalaho na at parang nag sasara naparang libro. Napatingin ulit ako dun sa babaeng nanonood saamin.

"WAG PLEASE WAG!!" Sigaw ko pero bat parang di nya ako naririnig?

"WA---" Naputol ang sasabihin ko nang tuluyan nang magdilim ang lahat...




My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon