Chapter 23

2 1 0
                                    

CHLOE'S POV




"Hello?" Sagot ni Ash sa kabilang linya.

"Hello." Sagot ko.

"Umm sino po ito? And bat ka pala tumawag?" Tanong nya saakin.

"Ahh si Chloe to." Sabi ko at narinig ko na may minove aside sya.

"Oh Chloe, bakit ka pala tumawag?" Tanong nya at sasagutin ko na sana ng bigla syang mag salita ulit. "Bakit ka pala nawala kanina? Okay kalang ba?" Tanong nya saakin.

"Ahh oo, sumakit kasi ulo ko kanina kaya umuwe na ako." Sabi ko at nag ahh na lang sya.

"Bakit ka nga pala tumawag?" Tanong nya ulit, at parang bigla nawala yung sasabihin ko kanina at tinignan si Zack na tinaasan naman ako ng kilay. 'Wow laki ng tulong nya.'

"Ahh ano kasi.." Panimula ko.

"Ano?" Tanong nya ulit.

"Ah may ginagawa ka?" Biglang pag iba ko ng topic na ikina kunot ng nuo ni Zack haha. Di ko kasi maderitsyong sabihin kay Ash since baka masaktan sya. Sasabihin ko naman pero wait lang, mag antay kayo. Nag babalance pa ako.

"Ahh yung pinapagawa saakin ni Sir kanina pero okay lang, ikaw naman yung dahilan kung bakit ko tinigil haha." Sabi nya at natawa naman ako pero napatigil din ako ng makita ko ang masamang mukha ni Zack. 'Nakakalimutan kong nandito pala sya haha.'

"Ehem* so yung sasabihin ko nga." Sabi ko at mukhang nakikinig naman si Ash.

"Oh yung sasabihin mo nga?" Sabi ni Ash pero mukha syang nakikipag biruan.

"Ano... yung date natin bukas.." Panimula ko ulit.

"Oh?" Tanong nya...

"Di na pala ako tutuloy." Sabi ko at tinagilid pa ang ulo. Tama ba sinabi ko?

"Bakit?" Tanong nya at mukhang bigla syang nag alala na ewan.

"Ano kasi.." Ano nga ba?

"Ahhh gets." Sabi nya na ipinagtaka ko.

"Ha? Panong gets?" Tanong ko sakanya at natawa naman sya. Tinignan ko naman si Zack na mukhang nag tataka din.

"So totoo yung issue sainyo ni Zack ha." Mukhang nakangiting pang aasar nya saakin. 'Eh?'

"Ha?" Takang tanong ko at tumawa nanaman sya.

"Haha okay lang yun, di naman masakit. Parang kagat lang ng dinosaur char haha. Pero okay lang talaga, buti nga sinabi mo agad eh." Sabi nya at

Author:  Hsghsfsg haha bat parang kinikilig ako haha. Ang green flag naman ng papa Ash nyo hahaha.

'Ama kana author, back to story mo na. Sagabal ka.'

Back to sorry.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Oo naman, bagay din naman kayo ni Zack haha." Sabi nya at parang hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.

"Okay kalang talaga ah." Sabi ko at nag oo naman sya.

"Atsaka kasalanan ko din naman siguro, kung maaga lang sana ako ng confess edi sana gf na kita ngayon." Sabi nya at narinig ko namang nag tsk si Zack haha.

"Haha." Ang nasabi ko nalang.

"So, may date ba kayo bukas ni Zack ha?" Nanunuksong tanong nya saakin.

"Hindi ah." Mabilis kong tangi habang nanlalaki ang mga mata. 'Nasa harap kaya kami ni Zack nag uusap at naka speaker din tong phone nya.'

"Haha sabihin mo na kasi yung totoo haha, atsaka siguro...." Sabi nya na bitin. Trip nito beh?

"Ano?" Tanong ko na medyo nagtataka na naiinis pero di talaga.

"Siguro mag kasama kayo no?" Sabi nya at hindi ko alam bat bigla akong namula.

"Ohhhhh silent means yes hahaha." Sabi nya at natawa.

"Sige na baka nakakaistorbo pa ako sa loving loving nyo haha bye." Sabi nya at biglang pinatay yung tawag at nakita ko naman si Zack na nakangisi.

"Trip mo?" Tanong ko sakanya at natawa naman sya.

"Bat ka namula nung sinabi nyang mag kasama tayo?" Tanong nya saakin habang nakangisi at pinipigilan ang tawa.

"Malay ko." Sabi ko sabay balik sakanya ng phone nya.

"Oh." Sabi ko dahil hindi nya pa din kinukuha yun.

"Sayo nayan." Sabi nya at tumayo na.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sakanya.

"Ewan ko.." Sabi nya at tumingin saakin. "Gusto mo date tayo bukas?" Biglang tanong nya.

"Umm sure?" Patanong na sagot ko at tinignan nya naman ako sa mata.

"Bat parang di ka sigurado?" Nakataas kilay na tanong nya.

"Edi YES." Sabi ko at nilakasan ang pag ka YES, yung mukhang sayang saya haha.

"Haha tara na." Sabi nya saakin na ipinagtaka ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Diba kokompletuhin mo pa yung story mo haha." Sabi nya at ngayon ko lang din natandaan.

"Ay oo nga pala, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit.

"Dun lang sa taas." Sabi nya at mag tatanong ulit ako.

"Saan sa taas?" Tanong ko.

"Sa kwarto." Sabi nya.

"Saang kwarto?" Tanong ko kasi ang dami kayang kwarto dun.

"Basta dun sa bandang dulo." Sabi nya at tumungo nalang ako at nag simula ng mag lakad. "Dami mong tanong." Pahabol pa nya at nag lakad na din.

"May sinasabi ka?" Nakataas na kilay na tanong ko sakanya.

"Wala po." Sabi nya. "Tara ang bagal mo." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko at binilisang mag lakad.

"Hoy! Kung gusto mo lang namang hawakan kamay ko mag sabi ka nalang di na ngangaladkad kapa." Sabi ko sakanya habang nakasimangot at tumigil naman sya.

"Okay." Sabi nya at naglakad na pero dahan dahan na ngayon habang hawak ang kamay ko.

"Tsk." Sabi ko at tumingin nalang sa daan.





My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon