Chapter 24

5 1 0
                                    

CHLOE'S POV




Nang makaakyat kami ay dumiretsyo kami dun sa pinakadulong silid. Sobrang laki ng mansion nila Zack at nakakagulat na sya lang ang nakatira dito. Sabi naman nya may mga katulong naman daw dito pero pinag bakasyon muna daw nya ngayon, joke lang day off lang. Mamaya pa daw dadating yung mga tao dito so kaming dalawa lang daw talaga muna.

"So anong meron dito?" Tanong ko sakanya ng makapasok kami dun sa kwarto sa dulo. Sobrang laki nun at mukha tong attic pero ang ganda. I think design lang talaga yun.

"Meron pang room dito, dun tayo." Sabi nya saakin.

"Saan?" Tanong ko sakanya at tinuro naman nya yung isang picture or frame na nakasabit sa gilid.

"Eh?" Takang tanong ko sakanya at natawa naman sya ng onti saakin.

"Tara." Sabi nya at hinawakan nanaman ang kamay ko at sumunod naman ako.

Nang makarating kami dun sa frame ay inangat nya yun at may lalagyanan ng code dun, i mean password.

"Ang password ay 5115." Sabi nya saakin na ipinag taka ko.

"Bat mo sinasabi saakin password?" Takang tanong ko sakanya at tinignan nya naman ako.

"Magiging asawa naman kita eh, kaya hangang maaga palang ay sinasabi ko na sayo para pag nag pakasal na tayo kabisado mo na." Sabi nya sabay kindat.

"Lakas ng tama mo." Sabi ko pero inside medyo kinikilig na din haha, natawa naman sya at binalik na yung atensyon dun sa ginagawa nya.

"Lagay mo fingerprint mo dito." Sabi ni Zack saakin at hinawakan nanaman ang kamay ko para idikit dun yun daliri ko.

"Yan okay na." Sabi nya at nilagay din yung daliri nya dun. Pag katapos ay nagulat ako dahil biglang parang umurong yung wall.

"Haha masasanay ka din." Sabi ni Zack kaya naman napatingin ako sakanya, nakatingin pala sya saakin. "Tara na." Sabi nya at pinush na yung wall at bumukas yun na parang pinto.

Nang makapasok kami ay sobrang dami nanamang picture dun at painting, tapos meron din silang isang bookshelf na puno ng libro.

"Ayos ba?" Tanong nya saakin habang proud.

"Ha?" Takang tanong ko sakanya.

"Ako nag design nito haha." Sabi nya at napa ahh nalang ako sabay sabing.

"Eh ano naman?" Tanong ko sakanya at biglang nawala yung ngiti nya.

"Haha joke lang eh hahaha." Sabi ko at lumapit dun sa mga libro.

"Ano tong mga to?" Tanong ko sakanya at tinignan yung mga yun.

"Libro." Sabi nya at mukhang seryoso sya. 'Hala kang bata ka.'

"Uy sorry joke lang naman eh." Sabi ko sakanya at lumapit ako dito.

"Joke mo mukha mo." Sabi nya saakin at inalis yung kamay ko na nakahawak sakanya. 'Hala nag tatampo ang bata.'

"Uy joke nga lang." Sabi ko ulit at lumapit, nakalimutan ko di pala sya palabiro at laging seryoso:)

Di naman sya sumagot saakin at bigla akong inikutan ng mata. 'Aba daig pa babae kung mag sungit, well ganon naman sila eh.'

"Sorry na." Sabi ko at hinawakan yung mukha nya para ipaharap sa mukha ko sabay pout.

"Uy." Sabi ko ulit dahil hindi sya nag sasalita.

"Loveeee." Sabi ko habang nakapikit at-- at naramdaman ko na may dumamping LABI SA LABI KO!!! ANG FIRST KISS KO!!!

"Hoy!" Sabi ko habang nanlalaki ang mga mata sabay layo sakanya. At nakita ko naman ang mukha nya at nakangisi sya.

"Sira ka talaga!" Sabi ko habang nakasimangot at salubong ang mga kilay.

"Haha ang cute mo eh, sorry di ko napigilan." Sabi nya habang nakangiti. At bigla naman akong nakaisip ng kalokohan hehe.

"Buti di ikaw first kiss ko." Sabi ko at nag lakad na ulit ng normal dun sa mga libro at naramdaman kong dumilim ang paligid...

'Patay.'

'Hindi papanindigan ko to beh.'

"Sino?" Tanong nya at ramdam kong nandilim ang paningin nya.

"Bakit?" Inosenting tanong ko at lumingon sakanya.

"Wag mong antayin na ako pa yung mag hanap dun dahil hindi mo talaga alam ang mangyayari." Sabi nya at naglakad papalapit saakin.

'Okay, daddy chill.'

"Joke lang yun." Sabi ko sakanya at natawa, mukha na kasi agad syang nagagalit and ayoko nun.

"Di yun joke para saakin." Seryoso pa din nyang sabi at patuloy pa din sa pag lapit kaya naman napaatras na ako.

'Bat ba ko umaatras ha?'

"Sino." Sabi nya ulit at patuloy pa din sa pag lalakad papalapit saakin. 'Hoy merong lalagyanan ng libro sa likod ko.

"Wa- wala." Sabi ko sakanya, bat ako na bubulol.

"Si Asher ba ha?" Tanong nya at mas lalong nainis dahil sa sinabi nya.

"Ho-huy ano ba, para ka namang tanga eh. Joke nga lang yun." Sabi ko sakanya habang umaatras pa din. At hindi ko namalayan na meron palang box dun sa baba at na out of balance nanaman ako! Malas.

"Ano? Atras pa." Sabi nya saakin pero seryoso pa din. 'Pano po to patawanin? Need advance.

"Eh kasi naman eh." Sabi ko sakanya habang nakaupo pa din sa sahig.

'Di man lang ako tulungan!'

"So si Asher nga." Sabi nya saakin habang nakatingin sa mga mata ko at lumuhod pa.

"Hindi nga." Sabi ko habang nakabusangot sabay dagdag na. "Yung aso ko, yung aso ko first kiss ko. Okay na?" Sabi ko pero bakas ang inis sa boses ko. Sinabi ko na din yun para matahimik sya, atsaka totoo naman eh.

"Okay." Sabi nya lang at tumayo na at tumalikod.

"Hoy ano ba! Di mo ako tutulungan dito?" Tanong ko sakanya at grabe na ang busangot ko ngayon, ramdam ko eh.

"Kaya mo nayan, malaki kana." Sabi nya na nakapag pa nganga saakin.

'Wow.'

"Sige walang pansinan ha." Bulong ko at tumayo na kaso nanakit nanaman balakang ko.

'I HATE THIS MAN!!'





My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon