Chapter 16

3 1 0
                                    

CHLOE'S POV





Natapos na ang klase namin at break na namin ngayon, ang problema ko lang di ko alam kung saan ako pupunta.

Nandito pa din pala ako sa classroom namin at nandito pa din yung dalawa sa tabi ko.

"Di pa kayo aalis?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Di pa." Sabay na sabi nila Ash at Zack kaya naman napatingin ako sakanila.

"So wala kayong pupuntahan?" Tanong ko sakanila.

"Inaantay kita." Sabay na sabi nanaman nila kaya natawa ako, ang cute nila dun.

"Hey don't laugh."

"Wag ka nga tumawa." Sabay na sabi nanaman nilang dalawa kaya lalo akong natawa.

"HAHAHAHA." Malakas na tawa ko at umiwas ng tingin kasi titig na titig sila saakin.

"Wala akong pupuntahan, umalis na kayo." Sabi ko sakanila.

"Edi dito nalang din ako." Sabi ni Ash at tumingin naman sya kay Zack. "Wala daw syang pupuntahan, puntahan mo na gusto mong puntahan." Sabi ni Ash kay Zack kaya naman napatingin si Zack sakanya.

"Kung di sya aalis, hindi din ako aalis." Sabi nya at ako naman mukhang tanga lang na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Ay may pupuntahan na pala ako, bye!" Biglang sabi ko sabay takbo palabas, buti na dala ko yung pagkain ko.

Pumunta ako dun sa pinakamalayong lugar yung tipong di na nila ako makikita ulit. Char, di ko talaga alam kung saan ako pupunta. Nang makalayo na ako at sure na hindi na nila ako makikita pa ay nag lakad na ako ng maayos. Kanina pa kasi ako tumatakbo.

Hindi ko alam sa sarili ko pero parang may sinusundan akong deriksyon...

'Hey self saan ka pupunta?' Tanong ko sasarili ko.

Oo katawan ko to at nagagalaw ko to pero parang may gusto akong puntahan pero hindi ko alam kung saan. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hangang mapunta ako sa isang building at huminto duon.

Tinignan ko ang building at parang normal na building lang naman iyon.

"Hoy anong ginagawa ko dito?" Nagulat ako ng biglang may sumilpot na lalaki sa likod ko, mukhang teacher sya.

"Ahh wala lang po." Sabi ko at hindi alam ang gagawin.

"Bakit ka nandito?" Tanong nya saakin at hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil hindi ko nga din naman alam kung bat nandito ako.

"Umm." Ang nasabi ko nalang at nag kamot ng ulo.

"May kamukha ka." Sabi nya at tinignan ng mabuti ang mukha ko. Bigla nalang din akong nagulat ng iharap nya saakin ang ID nya.

"A-Ano po yan?" Tanong ko sakanya.

"I'm a teacher here at DMU. Matagal na ako dito at lagi ko ding tinitignan yang building nayan." Sabi nya at sumulyap dun sa building at nag patuloy. "May nag papabantay nyang building nayan dito at hindi ko alam kung sino, lagi ko ding tinitignan ang loob nya at tinitignan kung may nawawala ba sa loob. Sa loob ng building nayan ay merong room na puro litrato at merong mga libro ang nakalagay. Meron ding nakalagay na mga paint sa kaliwat kanan na bahagi ng sulok nun." Mahabang sabi nya at nakinig lang ako, pero may isa talaga akong tanong eh. Para saan yung mga yun? Di ko nga alam kung bat nya saakin sinasabi yun eh.

"Tapos po?" Tanong ko at tinakpan ang bibig ko. Gag* di ko napigilan bibig ko dumulas haha. Di naman pinansin ni Sir yun at nag salita na ulit.

"Ang pinagtataka ko lang ay bakit parang pamilyar yang mukha mo." Sabi nya saakin at tumungo naman ako.

"Ahh ganon po talaga, madami naman pong mag kakamukha sa mundo eh." Sabi ko at natawa, ngumisi naman si Sir.

"Ay sir wag kapo ngumisi, tumawa kapo." Sabi ko sakanya at natawa naman sya saakin.

"Hayst kalokohan mo nga naman talaga." Sabi nya at ngumiti saakin na parang dati nya pa ako kilala. "Gusto mo puntahan yung room na sinasabi ko sayo?" Tanong nya at nag alinlangan naman ako. Kakakilala ko palang sakanya and hindi pa ako masyadong nag titiwala.

"Oh." Sabi nya saakin sabay bigay ng ID nya at tinignan ko naman sya ng may pag tataka.

"Kunin mo para kung may mangyaring masama, isusumbong mo nalang ako sa mga pulis haha." Sabi nya at tinanggap ko naman ito. Mukha naman syang matino.

"Sige po." Sabi ko, interesado din kasi ako dun sa room na tinutukoy nya.

"Tara." Sabi nya at nag lakad na papunta dun sa building...







(A/N: Short chapter muna, next part ko na agad.)

My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon