CHLOE'S POV
"Nasan nayun?" Tanong ko pero nasakit pa din ang ulo ko, tinry kong tumayo pero parang di ko kaya, kaya nag stay muna akong nakaupo.
"Sir?" Tawag ko pero walang sumasagot at tumingin sa paligid ko at nakita sa lapag ang susi na hawak nya kanina.
"What the?" Ang nasabi ko nalang at tumayo ulit, nakatayo na ako pero medyo sumasakit pa nga ang ulo ko kaya di muna ako gumalaw masyado.
Nang makarecover na ay nag lakad ako papunta dun sa table kung saan merong mga libro at mga pen din. Tinignan ko ito at mukhang diary yung mga yun.
Tumingin ulit ako sa paligid ko at sobrang tahimik dito, gagi nakakatakot. Mag lalakad na sana ako palabas ng silid na ito para tignan kung nasaan na si Sir kaso nga lang naalala ko na nakikita pala dito ang labas.
'Ambobo ko kahit kailan.'
Author: Buti alam mo.
Sabi ni author kaya naman lumaki ang mata ko, pwede ko syang tanungin.
'Author sabihin mo naman saakin nangyayari oh.'
...
'Okay. Story ko to. Ako ang bahala dito. Bahala ako sa buhay ko. Gets, thank you author ah.'
Back to the story.
Lalabas na sana ako kaso na alala ko yung sinabi ni Sir kanina. Tinignan ko yung mga pictures dito at madami akong taong nakita. Una kong nakita is yung family pic, isang batang babae na kamukha ko katulad ng sabi ni sir tapos dalawang binatang lalaki. Medyo bata pa yung isang lalaki ah. Tapos yung magulang nilang tatlo, mukhang bata pa yung mga magulang nila siguro mga 20+ at hindi mo aakalaing magulang na sila.
Kung mag tatanong kayo pano ko nalaman na family pic yun at kung sino yung magulang is simple lang ang tanong dyan. Pero 100 muna. Char lang, meron kasing nakalagay dun at meron ding nakalagay na mom tapos dad.
Pag katapos ng family picture ay nakita ko ang couple pic, yung batang babae kanina na kamukha ko ay kamukha din nung babae. At masasabi ko na sobrang magkamukha na kami dito. Ang ganda nya 'pero ako panget' tapos ang gwapo nung lalaking kasama nya. May name din yun, Alex...
Meron nanamang parang bumabalik saakin pero pinigilan ko na yun, na gets ko na. Si Alex yung lalaki sa panaginip ko... kaya pala parang ang pamilyar nya. Nakita ko ang iba pa nilang photo at nakita kong nag propose sya kaya nag try akong mag hanap ng wedding photo pero wala akong nakita. Biglang sumakit ang puso ko sa di ko malamang dahilan kaya nilipat ko nalang ang tingin ko sa iba pang photo.
Meron akong nakitang batch 2035, tinignan ko iyon at nakita si Sir kanina. Bigla akong nakaramdam ng takot at nag sitaasan ang mga balahibo ko. Mas lalo pa akong nagulat ng biglang bumukas yung pinto kaya napaharap agad ako dun.
"Wahhh multo!" Sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata at napatigil naman yung pumasok sa pinto. Nakahinga naman ako ng maayoa ng makita ko ang mukha nung pumasok, si Zach pala.
"Mukhang to? Multo?" Tanong nya at tinuro pa ang sarili.
"Wag ka ng mahangin dyan." Sabi ko at parang biglang gusto ko ng umiyak. Sino ba namang hindi iiyak! KANINA LANG KASAMA MO YUNG TAO TAPOS NGAYON MALALAMAN MONG PATAY NA?!? MAG TATANONG KA PANO KO NALAMAN NA PATAY NA?! WELL YEAR 2128 NA! IMPOSIBLE NAMANG YUNG MUKHANG 30+ YEARS OLD MAGING 100 YEARS OLD NA PALA NO! OH BAKA MAG TANONG KA NANAMAN PANO NALAMAN NA 30+ NA YUNG SI SIR KANINA! I mean pano ko na laman na sya yun! WELL MAG KAMUKHA PO KASI SILA!
Author: Eh pano kung anak nya lang pala yun kaya mag kamukha?
'WALA KA NG PAKE DUN! AUTHOR KALANG LUMAYAS KANA!'
Author: Ay harsh, sige na nga HAHAHA.
BACK TO THE STORY!
"Oh bat parang naiiyak ka? Okay kalang?" Nag aalalang tanong ni Zack saakin kaya naman napaiyak na talaga ako.
'Yawa ayaw ko na huhu, bat ba ako naiyak.'
Lumapit naman sya saakin at niyakap ako.
"Shhhh tama na, okay lang yan, sabihin mo saakin anong problema makikinig ako." Sabi nya at tinignan ang mukha ko, gusto ko nalang mag tago huhu.
"Haha ang cute mo umiyak. Tahan na, nag mumukha ka ng kamatis." Sabi nya habang nakangiti at natawa din ako sa sinabi nya.
"Sorry." Sabi ko at pinahidan ang ang luha sa isang mata ko, pinahidan nya naman yung isa pang side.
"Sige na, okay lang yun." Sabi nya at ngumiti. "By the way bat ka pala nandito?" Tanong nya at parang gusto ko nanaman umiyak. 'ANONG PROBLEMA KO HUHU!!!'
"Oh oh sorry, di ko na tatanungin. Tara na love este Chloe." Sabi nya at inalalayan ako. Lumabas na kami at nag lakad, kala ko dun pa din ang daan pero iba ang dinadaanan namin. Sumunod nalang ako habang sya ay nasa tabi ko at inaalalayan ako...
(A/N: Grabe ang bilis ko gumawa, pero hindi ko na talaga alam kung saan na patungo tong story na to eh hahaha. Basta go with the flow! Bye na enjoy my story!)
BINABASA MO ANG
My Writer's Living Story
FantasyNaniniwala ka ba sa past life? Pano kung ang mga hilig mong gawin ngayon ay hilig mo ding gawin noon? Katulad ng pag babasa, pero ang pinagkaiba lang ay ikaw ang gumagawa ng storya. Pano kung habang may ginagawa kang storya ay namatay ka? Pano kung...