CHLOE'S POV
Habang naliligo ako ay bigla kong naalala yung panaginip ko kagabi.
"Ano yung mukha nun?" Biglang tanong ko sasarili ko. Di ko na kasi maalala yung mukha nung lalaki dun sa panaginip ko, alam ko alam ko yung mukha nya eh. Bat biglang nawala sa isip ko?
'By the way sino nga ba kasi yun?'
'Hayst dami ko na ngang iniisip dadagdag payan.'
'Ay oo nga yung babae...'
'...'
'Sige na nga kakausapin ko na si Zack.'
Diba mukha na akong baliw? Ganyan ako lagi pag naliligo kaya lagi ang tagal ko, kinakausap yung sarili.
Author: Anong mukhang baliw? Baka baliw ka talaga.
"Oo mana sa writer."
Author: Aba!
"Oh bakit hindi ba?"
Author: Hindi... bye.
Natapos na akong maligo at nag toothbrush na. Pag katapos ko ay hinanda ko na mga gagamitin ko sa school like bag at etc.
Author: Ano basa mo sa etc?
"Tumahimik kana author, mag sulat ka nalang."
Author: Okie dokie
Back to the story.
Nang maayos ko na lahat ng gamit ko ay nag open muna ako ng phone ko. May message nanamarn.
From: Hindi ko kilala
- Good morning love!
- Kumain ka muna bago pumasok sa schoolDi ko nalang pinansin yung text nya at nag open ng messenger. Hayst ang ingay nanaman ng gc namin kaya pinatay ko nalang.
Tinignan ko yung oras at 9:45am palang, ang aga palang umalis ni Amber kanina. Orrr baka ako lang talaga kasi lagi akong late umaalis ng bahay?
Boring dito sa bahay at pag nag on naman ako ay baka next week pa ako makapunta sa school... napagisipan ko nalang na pumasok na kahit 9:45 palang, tambay nalang muna ako.
Binuhat ko na yung bag ko at aalis na sana ng matandaan ko na nakalimutan ko palang mag handa ng baon ko:)
"Hay nako!" Ang nasabi ko nalang sa sarili ko pero binaba ko na yung bag ko para deritsyo school nalang pag natapos na akong ihanda baon ko.
Kinuha ko yung lunch box ko at nilagyan yung ng kanin tapos dalawang manok... parang kulang pa yung manok kaya tinatlo ko na haha. Kumuha naman ako ng isa pang lunch box kasi parang trip kong mag dala ng prutas. Binuksan ko yung ref at... hayst puro chocolate laman.
Joke lang binuksan ko yung parang drawer dun sa ref, di ko alam kung anong tawag eh basta ayun na tawag ko dun. Meron dung mga prutas kaya kumuha ako ng isang orange, isang mansanas, dalawang strawberry at isang dakot ng grapes.
Hindi talaga ako mahilig sa strawberry pero dahil meron dito kaya kumuha na ako. Atsaka ko lang din naalala na hindi ko pala nabigyan si Amber ng prutas kaya kumuha ulit ako ng isa pang lunch box at nilagyan yun ng mga prutas. Mas madami yung strawberry dahil alam kong favorite yun ni Amber.
Kung nag tataka naman kayo kung bakit ang dami naming lunch box dito ay tanungin nyo si mama, wag ako. Okay?
Pinasok ko na lahat ng pagkain sa bag ko at putik ang bigat huhu. Kaya naman tumingin tingin ako ng mga bag dun sa kung saan at buti ay may nakita ako at dun ko nilagay yung mga pagkain namin.
Nang mahanda ko na ang lahat ay lumabas na ako para pumunta na sa school, tinignan ko muna yung oras at 10:03am na. Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar yun hangang makapunta na ako sa school namin, himala wala pa ding traffic or maaga lang talaga ako?
Pumunta muna ako sa classroom ko para ilapag tong mga gamit ko kasi ang bigat. Pag kapasok sa room ay nakita ko na may istudyante na agad.
'Wow ang aga nila ah.' Sabi ko sa utak ko at nakita ko yung mukha nung mga istudyante at sina Zack pala yun at Ash.
'Buti walang away na naganap.' Sabi ko sa isip ko kasi parang kagahapon lang ang init ng mga ulo nila sa isa't-isa.
"Good morning!" Nakangiting bati saakin ni Ash ng makita nya ako at mukhang napansin naman nung isa yung presensya ko kaya lumingon din sya saakin. Nasa likod kasi ako dumaan.
"Good morning." Nakangiti ko ding bati sakanilang dalawa at lumapit na para ilapag tong mga gamit ko.
"Good morning." Sabi ni Zack at bumalik dun sa binabasa nya, may binabasa pala sya.
"Bat ang dami mong dala?" Tanong ni Ash saakin kaya naman napalingon ako sakanya.
"Mga pagkain." Sabi ko.
"Ahhh eh bat ang dami?" Tanong nya saakin at tinignan yung dala ko.
"Wow nakikita mo?" Tanong ko sakanya at natawa naman sya. Di naman kasi plastic yung dala kong bag para makita nya yung laman nun no.
"Hindi pero kung titignan mo ang dami nyan." Sabi nya kaya naman tumungo nalang ako.
"Di ko kasi nabigyan ng fruits si Amber kaya nagdala ako ng isa pa para dalhin sakanya. Gusto mo sumama?" Tanong ko sakanya at tumungo naman sya.
"Tara, maaga pa naman eh." Sabi nya at tumayo na.
"Sama ako."....
BINABASA MO ANG
My Writer's Living Story
FantasyNaniniwala ka ba sa past life? Pano kung ang mga hilig mong gawin ngayon ay hilig mo ding gawin noon? Katulad ng pag babasa, pero ang pinagkaiba lang ay ikaw ang gumagawa ng storya. Pano kung habang may ginagawa kang storya ay namatay ka? Pano kung...