Chapter 8

11 3 0
                                    

CHLOE'S POV




"Wala pa sila mama." Tanong ni Amber saakin ng makaupo na sya dun sa upuan, alangan namang sahig.

"Wala pa." Sabi ko nalang, nakaupo na din pala si Zack dito at hindi ko alam ang gagawin ko. 'Bakit ba kasi nandito to eh, wala pa naman akong mapakain dito.'

"Ahh." Sabi ni Amber at tumingin kay Zack.

"Ikaw kuya Zack, may gagawin kapapo ba?" Tanong ni Amber sakanya at tinignan ko naman ito.

"Wala naman." Sabi nya at biglang tumingin saakin.

"Bakit?" Takang tanong ko sakanya.

"Sabi mo pupunta ka sa bahay." Sabi nya at inikot kolang ang mga mata ko. 'Pinaalala pa talaga.'

"Ayaw ko na dun, binweset mo ako eh." Sabi ko at tumingin kay Amber.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko at tumungo naman sya na parang bata.

"Ako di mo tatanungin?" Tanong nung nasa gilid ko kaya napatingin ako sakanya. 'Ano ba tong taong to? Nung una kong nakilala ang sungit na ewan, tapos kanina di ko din alam trip. Ngayon naman... ano ba to? Di ko na maintindihan, wala na akong tamang word para ma express sya.

"Hindi na, alam ko namang gutom ka." Sabi ko at tumawa naman sya.

"Pano mo nasabi?" Nakangising tanong nya.

"Wala lang, alam ko lang." Sabi ko at tumayo para tignan kung may pwede bang lutuin dun sa kusina namin.

Nang makalapit na ako sa ref at bubuksan na sana ay bigla akong tinawag ni Amber.

"ATEEEE!!!" Sigaw nya kaya naman napalingon ako.

"Ano?" Sabi ko pero sapat na para matinig nya.

"Tumatawag si mama." Sabi nya kaya naman nag madali ako papunta sakanya at kinuha yung phone.

"Hello?" Sabi ko sa call at may narinig ako na parang may nag memeeting sa kabilang linya.

"Oh hello anak." Sabi ni mama at mag sasalita na sana ako nangunahan nya na ako.

"Di muna ako makakauwe, ikaw na muna mag bantay sa kapatid mo." Sabi nya kaya naman lumaki ng onti mata ko.

"Eh? Bakit po?" Tanong ko at tinignan si Amber nanakatingin din saakin.

"Busy ngayon eh, dami pa naming gagawin." Sabi ni mama.

"Eh pano pagkain namin?" Tanong ko.

"Meron akong pera na tinago dun sa taas ng ref, 10k yun. Ayun nalang muna gastusin nyo, kung gusto nyo mag padeliver nalang muna kayo. O kung sinisipag ka, magluto ka." Sabi ni mama at medyo natawa pa dun sa huli nyang sinabi.

"Sige po, babye po ingat. Wag kapo masyadong magpupuyat at kumain ng maayos." Sabi ko kay mama.

"Haha sige na at may gagawin pa ako, baka bukas ng gabi na ako makauwe o kinabukasan pa. Mag ingat kayo dyan at wag magpupuyat at kumain din ng maayos. Babye na nak, i love you pasabi na din kay Amber." Sabi nya na nag pangiti saakin.

"I love you too ma." Sabi ko sabay lapit ng phone sa bibig ni Amber at sininyasan sya na mag i love you.

"I love you too ma, babye po." Sabi ni Amber at mukhang may sinabi sakanya si mama bago pinatay ng tuluyan yung call.

"Ate." Tawag saakin ni Amber kaya naman tinignan ko sya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gutom na ako." Sabi nya.

"At oo nga pala, wait." Sabi ko at tinignan ulit yung loob ng ref, walang laman. Char, meron naman pero puro chocolate. Napakamot nalang ako ng ulo sa nakita ko at tinignan ang ibabaw ng ref, kinuha ko yung pera at lumabas na sa kusina.

"Wala pagkain." Sabi ko at mukhang nalungkot naman si Amber. 'Gutom na nga ang bata.'

"Tara, sa labas tayo. Bilhan muna kita ng pampalipas gutom tapos bibili tayo ng pansahog sa ulam. Ano ba gusto mo?" Tanong ko kay Amber.

"Adobo nalang po." Nakangiting sabi ni Amber at nginitian ko nalang din sya.

"Ikaw Zack?" Tanong ko at tinignan sya.

"Ano?" Tanong nya saakin.

"Okay lang ba sayo na mamaya na kumain? Or gusto mo nalang umalis at umuwe?" Tanong ko sakanya.

"Samahan ko na kayo sa labas." Sabi nya at tumungo nalang ako.

Nang makalabas na kami ay napatigil ako saglit.

"Bakit?" Tanong saakin ni Zack.

"Anong kotse gagamitin natin?" Tanong ko sakanya, kasi meron syang dala then meron din ako dito.

"Yung sayo nalang." Sabi nya at tinignan ko naman sya.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Oo naman, bakit?" Takang tanong nya saakin.

"Wala lang, baka kasi manibago ka." Sabi ko sakanya.

"Haha di yan, sanay na ako." Sabi nya sabay ngiti.

"Yung sayo nalang kaya." Sabi ko nalang.

"Pwede naman, basta payag ka sa bahay namin deretsyo." Sabi nya sabay ngiti ulit.

"Ay yung kotse ko nalang pala, tara." Sabi ko sabay hila kay Amber papunta sa kotse ko.

"Ako nalang mag dadrive." Sabi ko at binuksan yung pinto ng driver sit pero pinigilan ako ni Zack.

"Bakit?" Takang tanong ko sakanya.

"Ako na mag dadrive." Sabi nya sabay buhat saakin na ikinabigla ko at dinala ako dun sa kabilang pinto at binuksan nya yun at dun pinaupo. Napatingin naman ako sa likod nang makita ko si Amber na natatawa, kaya naman pinaninliitan ko sya ng mata at nag peace sign lang sya.

Pumasok na ng kotse si Zack at pinabayaan ko nalang syang mag drive. Mukhang marunong naman sya eh, marunong pumatay... joke lang....

My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon