Chapter 5

10 3 0
                                    

CHLOE'S POV




"Zack." Tawag ng prof namin kay Zack. "Dun kana umupo sa tabi ni Miss Salazar." Sabi ni Sir kaya naman lumaki ang mga mata ko, ano ba!!!

"May problema ba Miss Salazar?" Nakataas kilay na tanong saakin ni Sir kaya wala akong nagawa kundi ang umiling nalang, tumabi na saakin si Zack at buong lesson, gusto ko ng matunaw dahil sa titig ng dalawa kong katabi.

"Class Dismiss." Sabi ni Sir at umalis na, 'hayst sana makaalis na ako dito.'

Tatayo na sana ako kaso bigla hinawakan no Zack at Ash ang mga kamay ko. 'Okay.'

"Ano nanaman." Problemadong tanong ko sakanilang dalawa pero di nila ako pinansin at tinignan lang ang mga kamay nilang nakahawak saakin. I mean yung kamay ni Ash na nakahawak saakin tinitignan ni Zack, at yung kamay naman ni Zack ay tinitignan ni Ash.

"Hoy!" Sigaw ko at kinalampag nalang ang table namin, wala na akong pake kung pag tinginan kami ng mga student dito basta bitawan lang nila ako! Di ko kasi maalis yung mga kamay nila saakin kasi medyo mahigpit din ang hawak nila.

"Sorry." Sabi ni Ash ng matauhan pero si Zack ay nakahawak padin.

"???" Ayan ang look na binigay ko kay Zack dahil di pa sya na bitaw.

"Hoy anong balak mo?" Sabi ko at tumingin naman sya saakin at tinaasan ng kilay.

"Bitaw." Sabi ko at nakipag titigan pa sakanya tsaka nya lang ako binitawan. Shinake ko ang mga kamay ko dahil feeling ko namanhid dahil sakanilang dalawa, at silang dalawa naman ay tinarayan ko lang at akmang aalis na sana ako PERO biglang hinila ni Zack yung bag ko kaya na pabalik ako.

"Ano ba!" Sigaw ko at kumawala.

"Bitawan mo nga bag ko." Sigaw ko pa at nakasimangot na ng tuluyan.

"Bitawan mo nga sya." Nakakunot nuong utos ni Ash at tinignan lang sya ni Zack na parang wala syang pake at tumingin ulit saakin.

"Ang hilig mong tumalikod habang kinakausap ka ah." Masungit na sabi nya pero di ko to pinansin at sinigawan ulit sya.

"Bitawan mo na nga kasi ako!" Sigaw ko at kumawa ulit, dahil sa sobrang galaw ko ay di ko na napansin na matatalisod na pala ako dun sa upuan na nasa harap ko.

"Hoy!" Sigaw ko dahil nahulog ako. 'Sakit!'

"Okay kalang?" Nagaalalang tanong ni Ash at lumapit saakin.

"Oo." Sabi ko pero nakasimangot kasi ang sakit ng balakang ko dahil sa pag kakahulog.

"Sorry." Biglang sabi ni Zack habang nakatingin saakin at tinignan kung ayos ako pero di ako nag pahawak.

"Tara na nga Ash, alis tayo." Sabi ko at pilit tumayo pero nang makatayo ako ay naramdaman ko yung sakit ng balakang ko. Grabe, tumama ba naman sa upuan na bakal.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Ash.

'mukha ba akong ayos ha! Sa mukha kong to ngayon?!' Ayan ang gusto kong sabihin sakanya ngayon.

"Tara na lang." Sabi ko at nag lakad na at sumunod naman sya saakin habang inaalalayan ako. Habang naglalakad ay nakikita ko din na lahat ng estudyante dito ay nakatingin saakin.

"Akin na nga yang bag mo." Sabi nya sabay kuha sa bag ko, binigay ko nalang din since ang bigat nun at masakit talaga yung balakang ko huhu.

"Saan tayo?" Tanong ni Ash saakin ng makalabas na kami ng classroom.

"Umm, hindi ko din alam." Sabi ko nalang.

"Haha sige, dun nalang tayo sa cafe." Sabi nya kaya naman bigla kong naalala si Zack. Wala na akong pake dun sa lalaking yun, bwesit sya. Di na ako sasama sa kanya mamaya, papabayaan ko nalang yung story na yun. Kaya ko namang alisin yun sa isip ko eh. Mag basa ng iba pang story, easy solution.

"Ayaw ko dun." Sabi ko nalang kay Ash.

"Bakit?" Tanong nya naman.

"Wala lang, ayaw ko lang." Sabi ko at mukhang nagets nya naman na ayaw ko dun at tumungo nalang sya.

"Hatid nalang kita sa parking. Uuwe kana ba?" Tanong nya at tumungo naman ako at nag lakad nalang kami papuntang parking. Buti habang nag lalakad din ako ay nawawala din ang pagkasakit ng balakang ko.

~Parking lot

"Pasok na ako ah." Sabi ko at akmang papasok na sa kotse ko ng hawakan nya nanaman ang kamay ko.

"Ano ba, napapadalas kana ah." Sabi ko sakanya at binitawan nya naman ang kamay ko at nag kamot ng ulo.

"Ano kasi..." Panimula nya. "Gusto sana kitang ayaing mag date." Sabi nya at biglang namula, mag sasalita na sana ako ng may idagdag nanaman sya.

"I-- i mean okay lang naman kung ayaw mo." Sabi nya at nakikita ko na naiilang sya.

"Umm, sige." Sabi ko at ngumiti, gwapo naman si Ash at mabait. He was also my crush and alam ko na dapat ngayon ay sobrang saya ko na kaso, bat ganon, parang may nag bago. Weird.

"Talaga?" Nanliliwanag na matang sabi nya.

"Yes, kailan ba?" Tanong ko at ngumiti naman sya ng malapad.

"Susunduin kita sa saturday, alam ko namang busy ka tuwing weekdays eh." Sabi nya at ngumiti.

"Sige, pasok na ako ah." Paalam ko sakanya at tumungo naman sya kaya pumasok na ako ng kotse ko.

"Bye." Nakangiting sabi nya at kumaway, kumaway ako pabalik at nag sabi ding bye at umalis na...

My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon