Chapter 11

10 2 0
                                    

CHLOE'S POV





"Thank you sa pagkain." Sabi ni Zack saakin.

Nasa labas na pala kami ngayon at pinapauwe na sya. Masyado nang gabi kaya mas maganda na umuwe na sya, baka mapahamak pa eh. Nakapagpahinga nadin naman sya kanina habang nag kekwentuhan kami.

"Sige, your welcome." Nakangiting sabi ko at sininyasan ulit sya na pumasok na sya.

"Haha sige na nga, by the way ang sarap ng luto mo." Nakangiting sabi nya at sumakay na ng kotse nya.

"Bye." Nakangiting sabi ko sakanya at kumaway.

"Di ka talaga sasama?" Tanong nya ulit saakin, kanina nya pa ako tinatanong nyan at naiinis na ako :).

"Hindi nga, sige na lumayas kana." Sabi ko sakanya at tinawanan nya lang naman ako.

"Babye." Sabi nya saakin at nag start na mag drive, inantay ko lang na mawala yung kotse nya sa paningin ko at pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

Pinatulog ko na si Amber kanina, well di ako sure kung tulog na sya pero pinapasok ko na sya sa kwarto nya para matulog. 9:30 na nanghuli kong kita sa orasan kaya pinatulog ko na sya dahil 10 pa ang pasok nya bukas.

Dumiretsyo na ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan at para deritsyo tulog nadin.

Nang matapos na ako sa paglinis ng katawan ay syempre natulog na ako, char. Nag open muna ako haha.

Meron pang mga chat dun sa gc namin pero di ko na kinclick yun dahil sure ako na mabubuhay nanaman ang mga dugo ng mga kaibigan ko.
Tinignan tignan ko lang yung mga chat nang biglang tumunog yung phone ko. Merong nag message saakin.

From: 0918*******

- Goodnight my princess
- Have a sweet dreams
- Hope you dream about me

Ayun yung message saakin... wala naman akong binibigyan ng number ah? Sino yun? Ni mga kaibigan ko nga di alam number ko.

Nag message naman ako sa kanya pabalik sakanya, di naman nya ako kilala eh, pagtripan ko nalang char.

From: Me

- Hola! It's me Dora
- Who you?
- Wrong number ka

Ayun nalang ang nireply ko at nilapag na ang phone ko pero bigla nalang tumunog yung phone ko. May tumatawag kaya naman kinuha ko agad ito at sinagot yun at tinapat sa tinga ko.

"Hello?" Sabi ko kasi wala akong naririnig tapos biglang binaba yung tawag.

"Gag*? Lakas tama nun ah." Ang nasabi ko nalang at nakitang nag message nanaman sya.

From: 0918*******

- Hindi wrong send yun love

Ayun yung message nya kaya naman napangawi ako, mag rereply na sana ako ng mag message nanaman sya.

- By the way your voice is so sweet

Ayun ang message nya saakin at hindi ko alam sa sarili ko at bigla akong kinilig. '??? May sira na ba ulo ko?' Di nalang ako nag reply at humiga nalang sa higaan ko at nag dasal muna at nag try na matulog... makalipas ang ilang minuto ay hindi pa din ako nakakatulog.

"Hayst." Buntong hininga ko at nag try na uling matulog.

"Hinding hindi kita iiwan." Nakangiting sabi saakin ng isang lalaki, nakahiga ako sa kama at sya naman ay nasa tabi ko.

Tinignan ko ang mga mata nya at mukhang inlove na inlove sya at handang gawin ang lahat para sa minamahal nya. Ang pinagtataka ko lang ay bakit nakatingin sya saakin?

Habang tinitignan ko sya at pinagmamasdan ang gwapo nyang mukha ay biglang nag iba ang mga mata nya. Naging malungkot iyon pero di maaalis ang determinasyon. Determinasyon para saan?

"Mag sasama tayo palagi, hinding hindi kita iiwan kahit sa ating susunod na buhay." Sabi nya at ngumiti, napansin ko din na parang may dugo yung nuo nya, tinangka ko naman syang hawakan pero bigla nanaman akong nagising.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Tinignan ko ang oras at 1:47am palang pala at nag try na uling matulog, sana di na ako managinip pa. Nakatulog din agad ako dahil din siguro sa antok...

"Kahit galawin molang ang storya, please." Nag mamakaawang sabi saakin ng babae, sya yung napanaginipan ko kagabi.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sakanya at tinignan lang sya habang nakaupo sa harap ko, nasa madilim kaming lugar at sya lang ang nakikita ko duon.

"Please, bigyan mo naman ng hustisya ang pagaantay ko sa pag babalik mo." Sabi nya at tinignan ako ng nagmamakaawang mata nya. Awang awa na ako sakanya at gustong gusto ko na sya tulungan pero di ko alam kung papaano.

"Sige, sige tutulungan kita." Sabi ko at may pagasa naman akong nakita sa mga mata nya.

"Salamat." Nakangiting sabi nya at naglaho na....






My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon