CHLOE'S POV
Natapos na mag luto si Zack at sinandukan na nya ako ng pag kain.
"Ano masarap ba?" Parang worried na tanong nya saakin pero tinatago nya. Hindi naman talaga sya mukhang nag aalala ngayon pero parang napapansin ko lang.
"Di pa nga ako sumusubo eh." Sabi ko at natawa naman sya.
"Bat ba tawa ka ng tawa?" Tanong ko sakanya at ngumiti naman sya saakin.
"Wala lang, masaya lang ako dahil nakasama na ulit kita." Sabi nya na ipinagtaka ko.
"Whay do you mean sa ulit?" Tanong ko sakanya.
"Haha wala yun, forget that. Kumain kana." Sabi nya saakin pero mukha ba akong sumusuko nalang agad agad? Diba hindi? Kaya di ako papatalo.
"Sagutin mo na, di ako kakain." Sabi ko at binitawan ang hawak kong kutsara.
"Your gonna it that, or I'm gon--" Masungit na sabi nya pero pinutol ko na sya.
"Sasagutin mo o sasagutin mo?" Sabi ko at nakikipag titigan sakanya.
"Hayst fine." Sabi nya.
"Sasabihin din pala eh, dami pa sinabi." Pabulong na sabi ko pero pinarinig ko talaga.
"Haha yung last time kasi na mag kasama tayo diba is yung fisrt meet pa natin?" Tanong nya at tumungo naman ako pero nag salita din.
"Oo pero lagi din naman tayo nag kikita ah, pati yung dun sa bahay." Sabi ko. "Atsaka 2days palang tayong mag kakilala no." Sabi ko sakanya kasi totoo naman.
"Well... yes, nakilala mo palang ako 2 days ago. Pero ako kilala na kita since 14 ka palang." Sabi nya kaya naman nagulat ako na may halong pag tataka.
"What do you mean?" Tanong ko sakanya.
"Haha i always like you..." Sabi nya kaya naman lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat, at nag patuloy sya sa sinasabi nya. "..the first time i saw you i instantly fall for you. Dati ko pang tinatry na makipag usap sayo kaso di mo ako napapansin, or kaya naman pinanghihinaan ako ng loob. Sabi ko sa sarili ko na maybe this is only a simple crush? Baka mawala din to. Pero hindi eh, hangang ngayon may gusto pa din ako sayo. Or maybe.. di na to simpleng crush lang... i really think i love you now..." Dagdag nya pero di ako makapag salita at bigla na lang din ay may bumabalik na namang mga alaala saakin. dahil nga din na hindi pa ako nag sasalita ay nag patuloy lang sya sa pag sasalita.
"Palagi kitang pinag mamasdan sa malayuan, tawagin mo na akong stalker pero hindi ko matatangi yun kasi totoo naman. Ginawa ko talaga ang best ko para mawala tong nararamdaman ko sayo kaso di ko magawa eh. Nung unang araw ng pag kikita natin is tinatry ko talagang iwasan ka na, pero mapaglaro ata talaga ang tadhana at nakausap kita ng hindi ko pinag hahandaan. Hinahanap ko yung book ng Taste of Love nun and nakita ko yun sa kamay mo. I didn't even know na ikaw pala yung babaing yun. Kala ko iba kaya medyo nag sungit ako. I try my best to hide my reaction when i first saw you that day and gladly success ako haha..." Ayun lahat ng sinabi nya at parang di makapag process sa utak ko....
"bakit nga ba ako nag confess ngayon? Haha hindi ko talaga balak mag confess pero, i think its time for you to know that i like you. Hayst, its okay kung iiwasan mo na ko for now on. Sorry." Sabi nya at lumaki nanaman ang mata ko.
"Bakit ka nag sosorry?" Tanong ko sa kanya at nginitian nya lang ako.
"I dont know, i just feel like saying sorry to you." Sabi nya at umiwas ng tingin.
"Ano.." Di ko alam kung anong sasabihin ko...
"Hindi mo na kailangan ng sagot dun sa mga sinasabi ko sayo, di naman ako nag tatanong. Nag confess lang ako kasi feeling ko karapatan mo din namang malaman yun." Sabi nya sabay ngiti.
"I like you too." Pabulong na sabi ko kaya napatingin sya saakin.
"What?" Naguguluhang tanong nya.
"I like you too." Sabi ko at may biglang may tumulong luha sa mga mata ko.
"Hala? Bat ka umiiyak?" Nag aalalang tanong nya at lumapit saakin at niyakap ako.
Hindi nyo man naiintindihan ang nangyayari ngayon pero habang nag coconfess sya saakin ay may bumabalik nanamang mga alaala saakin. Maybe kung hindi ko lang nakita yung book nayun di na magkakaganito buhay ko. Naaalala ko na lahat, well hindi lahat pero karamihan lalo na yung tungkol sakanya ay naalala ko na. Naalala ko ang mukha ni Alex at mga pangako nya saakin. Naaalala ko ang buhay ko nung past life ko... i dont even know na possible pala yun. Gusto ko lang sabihin na si Zack at Alex ay iisa...
"I love you too Alex." Sabi ko sakanya at niyakap sya pabalik at naramdaman ko na napahinto sya...
BINABASA MO ANG
My Writer's Living Story
FantasyNaniniwala ka ba sa past life? Pano kung ang mga hilig mong gawin ngayon ay hilig mo ding gawin noon? Katulad ng pag babasa, pero ang pinagkaiba lang ay ikaw ang gumagawa ng storya. Pano kung habang may ginagawa kang storya ay namatay ka? Pano kung...