Chapter 10

9 3 0
                                    

CHLOE'S POV

Nakauwe na kami ngayon at hinahanda ko na yung mga kailangan ko para sa pag luluto.

"Kailangan mo ng tulong?" Biglang singit ni Zack sa likod ko, na ikinagulat ko.

"Ay palaka!" Sigaw ko at muntik ko pangmabitawan yung hawak kong kawali.

"Wag ka nga pasulpot sulpot, pokpok ko sayo to eh." Sabi ko sabay amba na ipopokpok yung hawak kong kawali sa kanya.

"Haha sorry." Sabi nya sabay taas ng mga kamay na parang sumusuko.

"Ano bayan, nagugutom na ako dito, naglalandian pa kayo." Biglang singit ni Amber kaya napatingin ako sakanya.

"Anong landian, gusto mo sayo ko pokpok to?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang mga kilay at umiling naman sya sabay ngiti.

'Hayst, mga baliw kasama ko dito sa bahay.' Ang nasabi ko nalang sa isip ko sabay balik sa ginagawa.

"Oh." Sabi ko sabay hagis kay Zack ng bawang at sibuyas.

"Peram ng kutsilyo." Sabi ni Zack sabay kuha ng kutsilyo at pinaikot nya yun na parang wala lang, na ikinalaki ng mga mata ko.

"Hoy!" Ang nasabi ko nalang at tumingin naman sya saakin at natawa.

Binalatan nya na yung bawang at pinipi tapos pinaghihiwa nya nayun na parang sanay na sanay na. Sinunod nya naman yung sibuyas at hinawa iyon ng mabilis.

'Ako na inaabot pa ng 2 minutes bago mahiwa ng buo yung sibuyas.'

"Oh." Sabi nya saakin sabay abot dun sa pinaghiwaan nya.

"Clap* Clap* Clap*" Palakpak ni Amber habang nakangiti at nag thumps up pa kay Zack.

Tinapon ko nalang yung mga balat tapos binuksan ko na yung kalan at nilagay dun yung kawali. Nag buhos ako dun ng mantika, yung sakto lang at hinintay yung uminit at nilagay na ang bawang at sinunod ang sibuyas. Nilagay ko na din agad ang baboy at hinalo halo hangang mag golden brown.

Dapat talaga pakukuluan ko muna yung baboy para lumambot kaso yung kapatid ko gutom na gutom na. Nang maggolden brown na yung niluluto ko ay nilagay ko na yung paminta at laurel, hinalo ko muna ito para magkalat yung paminta atsaka ko nilagay yung toyo at sinunod ang oyster sauce, hinalo ko muna yun ng onti at kumuha ng onting asukal para lagyan yung niluluto ko, onti lang ah.

Tapos hinalo halo ko na ulit to, at nang mahalo ko na ay nilagyan ko na ng tubig at hinalo lang ulit ng onti at pinabayaan ko nanglumambot.

"Matagal payan?" Tanong ni Amber.

"Gusto mo kainin mo na eh." Sabi ko sabay turo dun sa niluluto ko at tumawa naman sya.

"Joke lang haha." Sabi nya, di ko nalang sya pinansin at tinignan ang oras. 8:23pm na kaya napatingin ako kay Zack, na nakatingin din pala saakin habang nakangiti.

"Di ka ba hahanapin sainyo?" Tanong ko sakanya at umiling naman sya agad.

"Di kaba nangangalay dyan?" Tanong ko sakanya at umiling ulit sya. Ano bato? Parang bata ah.

"Umupo ka na muna dun." Sabi ko sakanya at tinuro yung tabi ni Amber, di ko alam kung saan galing yung upuan nya pero mukhang hinila nya yun papunta dito.

"Sige." Sabi nya nalang at umupo.

"By the way, bakit pala nasa school kapa kanina?" Tanong ko kay Zack, kasi naalala ko yung kanina nung sinundo nya si Amber.

"Wala lang, may pinuntahan pa ako kanina eh." Sabi nya kaya naman tumungo nalang ako.

"Ate wait." Sabi ni Amber kaya naman napatingin ako sakanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"May kukunin lang po ako." Sabi nya at tumungo nalang ako at pinabayaan syang umalis.

Nang makaalis na sya ay parang naging weird dito kasi kami lang dalawa ni Zack...

Makalipas ang ilang minuto ay wala pading nag sasalita saamin at mag sasalita na sana sya nang biglang sumulpot si Amber.

"Kuya oh." Sabi ni Amber sabay abot ng candy.

"Ako di mo bibigyan?" Tanong ko kay Amber at nginitian nya naman ako at inabot yung candy saakin. Karate belts ata tawag dito.

Tinignan ko na ulit yung niluluto ko kasi nangangamoy na at binuksan yun.

"Ang bango, nakakagutom na." Sabi ni Amber na nag pangiti saakin.

Nilagyan ko ng suka yung niluluto ko para pangpaalis ng langsa at pinabayaan lang na kumulo hangang maluto na.

"Ate matagal pa?" Tanong ulit ni Amber.

"Saglit nalang." Sabi ko sabay ngiti sakanya at tinignan si Zack. Mukhang nagugutom na din sya.

Makalipas ang ilang minuto ay naluto na din ng tuluyan yung niluluto ko kaya pinatay ko na yung apoy.

"Okay nato." Nakangiting sabi ko sakanilang dalawa.

"Yey." Sabi ni Amber.

"Punta na kayo dun sa lamisa, handa kolang to." Sabi ko pero di sila nakinig.

"Tulungan kana namin." Nakangiting sabi ni Zack at kumuha ng plato at Kutsara. Si Amber naman ay kumuha ng malalagyan ng ulam at kanin at binigay saakin. Nilagyan ko nalang ito ng ulam at pinadala na sa kanya dun sa lamisa namin. Tapos ako naman yung lalagyanan ng kanin, syempre nilagyan ko na at dinala na yun lamisa.

"Oh kain na, ay pray muna pala." Sabi ko at umupo na at nag start na kaming magdasal, sari sariling dasal haha. Pag katapos naming mag dasal ay syempre kumain na...

(A/N: Wag nyo na pansinin kung pano ko niluto yung adobo, di talaga ako marunong HAHAHHA.)

My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon