Chapter 17

3 1 0
                                    

CHLOE'S POV






Habang nag lalakad kami ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano yun pero nagiging komportable ako.

"Anong floor po ba yun?" Tanong ko kay sir na nasa unahan ko.

"Dun sa pinakataas." Sabi nya at nagpatuloy lang sa pag lalakad. Sumunod nalang ako hangang mapunta na kami sa fifth floor, ayun na pinakamataas na floor dito.

"Wala naman pong kakaiba dito ah." Sabi ko at tinignan ang paligid. Normal na floor lang iyon at puro classroom.

"Haha." Tawa nya at nag lakad dun sa pangatlong classroom at lumingon saakin.

"Tara." Sabi nya saakin kaya naman lumapit ako.

"Pasok." Sabi nya saakin at nauna na syang pumasok dun sa classroom. Nag alinlangan pa ako ng onti pero nag tiwala na din at pumasok dun sa room, pag kapasok ko ay sinarado nya na yung pinto.

'Hay nako lord sana walang mang yari saakin dito.' Sabi ko sa sarili ko, pero bakit ganon? Kahit na nag aalala ako para sa sarili ko parang ang komportable ng katawan at utak ko.

"Handa mo sarili mo." Sabi nya saakin at lumapit dun sa pinto at kinalanpag yung gilid non. Nagulat nalang ako ng may makita akong lumabas na box dun at may botton. 'Ano yun?'

Pinindot ni Sir yung botton na yun at may naramdaman akong gumalaw.

'Omg guguho na ata mundo huhu.' Sabi ko sa utak ko dahil parang lumilindol, nagulat naman ako ng biglang bumaba yung room kung saan kami nandito na parang elevator. Nawala na din yung tanawin sa labas dahil nga lumulubog.

"Ano pong nag yayari?" Nag papanic na tanong ko at tinignan sya. Mukha lang syang kalmado at sinasabi ng mga mata nya na parang normal lang to.

"Chill kalang." Sabi nya saakin at bigla namang huminto yung pag yanig at bumukas yung pinto.

"Tara." Nakangiting sabi nya saakin at lumabas, sumunod naman ako at pag kalabas ko ay nakita ko ang pinaka magandang library sa buong mundo. Merong mga paint na nakasabit sa mga wall at sobrang daming libro dito.

"Wow." Ang nasabi ko nalang at pinagmasdan ang view.

"Tara sumunod ka saakin." Sabi nya at nag lakad, sumunod naman ako habang tinatanaw yung mga paintings at habang nag lalakad kami ay parang may napansin ako.

'Gag* totoo batong nakikita ko?' Hindi makapa niwalang tanong ko sa sarili ko dahil may nakikitang akong harden at sa taas nun ay merong araw?!?? Merong kang makikitang glass dun sa taas at ang pinag tataka ko lang bat hindi ko to alam? Kasi sobrang linaw nung glass at sobrang laki din ng nasasakop nya, edi sana kitang kita na yan dati pa.

"Di yan nakikita sa labas." Sabi ni Sir kaya napatingin ako sa kanya.

"Po?" Tanong ko.

"Di yan nakikita sa labas, dito mo lang makikita yan. Kung lalabas ka at titignan mo yan ay parang normal na lupa lang iyon." Sabi nya saakin kaya naman napatungo nalang ako.

"Tara dun tayo." Turo nya dun sa daanan papuntang kabilang mundo, joke lang. Meron kasing space dun sa gitna kung saan ka pwedeng mag lakad at sa dulo nun ay makikita mo na may pinto ulit at glass yung wall non.

Nag lakad na ulit kami at habang nag lalakad ay tinitignan ko padin ang paligid ko. Yung garden dito is sobrang daming flowers at sobrang lawak din nya.

Nangmakadating na kami dun sa tapat ng pinto ng dulo ay binuksan nayun ni Sir gamit ang susi.

"Pasok ka." Sabi nya saakin at pinagbuksan ako ng pinto. Char bukas na talaga yun kasasabi ko lang haha, pinauna na nya akong pumasok at nakita ko sa loob na sobrang dami din ng design. Pero dito ay mas madami ang mga picture, di ko alam pero parang mga pamilyar mga mukha nila.

"Kilala mo pa ba sila?" Biglang tanong ni Sir kaya napalingon ako.

"Hindi po." Sabi ko at ngumiti sya.

"Alalahanin mo kung sino ang mga yan... alam kung ikaw yan Samara." Sabi ni Sir at parang biglang may nag flashback sa utak ko.

'Sam nag susulat ka pala?'

'Amara..'

'Wow! Ang galing naman ng kwento mo haha.'

'Bat ba puro ka Amara!?'

'I love you Amara.'

'Ako lang ang pwedeng tumawag sayo ng Amara.'

'Wag mo kong iwan please.'

Hindi ko alam kung saan ng galing lahat ng yun pero bigla nalang sila pumasok sa isip ko. Iba't ibang boses yung mga naririnig ko pero iisa lang ang tumatak sa isip ko. Yung boses nung lalaki, yung isa. Hindi ko matandaan pero sya ata yung napanaginipan ko.

"Naaalala mo na?" Biglang tanong ni Sir at tinignan ko sya, medyo sumakit yung ulo ko.

"Wala po pero parang may naririnig akong mga boses." Sabi ko at tumungo naman sya.

"Tignan mo ang mga litrato dyan at buksan mo ang mga aklat, matutulungan ka nyang makilala si Samara at tapusin ang storya mo." Sabi nya saakin at nag taka naman ako bigla, pano nya nalaman ang tungkol dun?

Mag tatanong na sana ako pero bigla akong nahilo at napaupo sa sakit ng ulo ko. Nakapikit ako ngayon dahil sobrang sakit talaga, siguro dahil to dun sa mga pumapasok sa utak ko pati yung mga boses. Nang medyo umayos na ang ulo ko ay binuksan ko ulit ang mata ko at nakitang nawala na si Sir...



My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon