CHLOE'S POV
Tapos na akong kumain at ngayon ay nakaupo lang kami ni Zack dito sa sofa habang mag katabi at biglang may pumasok na tanong sa isip ko.
"Zack may tanong ako." Sabi ko at lumingon naman sya saakin.
"Ano yun?" Tanong nya.
"Ikaw lang ba mag isa dito?" Tanong dahil simula pa kanina ay kami lang ang nakikita kong tao dito.
"Oo, nasa ibang bansa yung family ko." Sabi nya na ikinagulat ko. 'Bat naman sila aalis ng wala si Zack?'
"Don't worry sanay na ako, atsaka ako din naman ang nag sabing dito ako mag sastay para makita kita." Sabi nya sabay ngiti sa dulo.
"Ay oo nga pala, naalala ko na may date pala kayo ni Asher bukas." Sabi nya at biglang naging seryoso. 'Ganto ba talaga sya? Iba iba mood? Ang bilis mag palit ah.'
"Umm oo." Ang nasabi ko sabay tingin sa baba. 'Nakalimutan ko yun ah.. patay hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ash bukas or ngayon.'
"Pupunta ka?" Kalmadong sabi nya pero nahalata kong nag seselos na sya at naiinis.
"Umm kakausapin ko sya mamaya." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Bat mamaya pa eh pwede namang ngayon?" Medyo masungit na sabi nya.
"Di ko alam kung nasan na phone ko." Sabi ko dahil totoo din naman, di ko nga alam kung nasan pati bag ko eh.
"Here." Sabi nya sabay abot saakin ng phone nya.
"Ano yan?" Tanong ko sakanya at tinignan nya lang ako.
"Phone." Pilosopong sabi nya kaya naman nag salubong ang mga kilay ko.
"Hayst." Buntong hininga ko nalang at kinuha yung phone nya at binuksan yun.
"May password." Sabi ko sabay balik sakanya ng phone nya pero di nya kinuha at tinignan lang yun.
"Birthday mo." Sabi nya saakin kaya naman nag taka ako.
"Alam mo birthday ko?" Tanong ko at tinignan nya lang ako ng malamig, 'umm okay, mukhang hindi pa din sya aayos hangat di ko kinacancel yung date namin ni Ash.'
Binuksan ko na yung phone nya at pumunta dun sa message at tinaype yung number ni Ash. Well kabisado ko and I am proud of it.
"Wow kabisadong kabisa do ah haha." Sabi nya at pekeng tawa sa dulo kaya naman tinignan ko sya at bumuntong hininga.
"Hangang ngayon ba naman seloso kapadin? Ilang beses ko ba kailangang ulitin sayo na ikaw lang ang gugustuhin ko at nagugustuhan ko." Sabi ko sakanya habang nag mamakaawa na ang mga mata.
"Hindi ko mapigilan eh." Sabi nya sabay iwas tingin. "Sorry." Pag hingi nanaman nya ng tawad.
"Zack..." Ang nasabi ko nalang, gusto kong may sabihin sakanya pero hindi ko na alam kung pano sasabihin.
"Dapat talaga di na ako nag pakilala sayo eh. Magugulo lang buhay mo." Sabi nya habang nakatingin sa mga kamay at bigla syang nag pekeng ngiti.
"Zack." Sabi ko at hinawakan ang mukha nya para tignan ako. "Tandaan mo, hindi mo ginugulo ang buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ulit ako nabuhay sa pangalawang pag kakataon. Mahal na mahal kita at kahit na mag kagusto ako sa iba ay hindi nila mapapantayan ang pag mamahal ko sayo." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya at nag peke nanaman sya ng ngiti.
"Pano kung nawala na talaga yung nararamdaman mo para saakin? Sinasabi mo lang yan dahil naalala mo na yung nakaraan natin? Pano kung si Asher na talaga ang mahal mo at hindi na ako?" Tanong nya at mukhang nasasaktan na talaga sya. Ngumiti naman ako ng may bigla akong maalala.
"Haha ang overthinker mo talaga. Hindi ko talaga naaalala lahat pero, promise, nararamdaman ko padin yung dati kong nararamdaman sayo." Panimula ko. "Dati nung wala kapa sa buhay ko ay parang may nawawala saakin na hindi ko alam, pero nung nakita kita. Parang may kung ano at nabuhayan ang loob ko, oo aaminin ko na nag kagusto ako kay Ash pero yung pag mamahal ko sayo ay hindi yun na lalagpasan. Ano ba kasing pinainom mo saakin at kahit na sa pangalawa buhay ko ay parang wala pa din akong kawala sayo." Sabi ko sakanya at nagbiro sa dulo habang nakangiti na nag pangiti din sa kanya.
"Okay, i trust you." Sabi nya at ngumiti, balak nya sana akong halikan sa labi pero buti nalang na pigilan ko sya on time.
"Uh-oh bawal pa yan, sabi ko sa altar na eh." Sabi ko at hinatangan ng daliri ko ang kamay nya.
"Okay." Sabi nya at hinalikan nalang ang kamay ko.
"Baliw ka talaga, tigilan mo nga kamay ko." Sabi ko at binawi yun.
"Tatawagan ko na si Ash para marinig mo." Sabi ko sakanya at tumungo naman sya, at ako naman ay tinawagan na yung number ni Ash...
BINABASA MO ANG
My Writer's Living Story
FantasyNaniniwala ka ba sa past life? Pano kung ang mga hilig mong gawin ngayon ay hilig mo ding gawin noon? Katulad ng pag babasa, pero ang pinagkaiba lang ay ikaw ang gumagawa ng storya. Pano kung habang may ginagawa kang storya ay namatay ka? Pano kung...