Chapter 19

3 1 0
                                    

CHLOE'S POV






Nang makapunta na kami dun sa library kanina ay nag stop kami sa isang lalagyanan ng mga books tapos may kinuha syang mga books at meron nanaman akong botton na nakita at pinindot nya yun. Kala ko gagalaw nanaman yung paligid pero hindi, may biglang bumukas na pintuan sa gilid namin kaya na patingin ako duon.

Hinawakan ulit ni Zack yung kamay ko at inayang mag lakad papunta dun sa pinto. Nang makalapit na kami ay binuksan nya yun at nakita ko ang isang mahabang hagdan.

"Gusto mo mag lakad?" Tanong ni Zack kaya napatingin ako sakanya.

"Haha joke lang, dito tayo." Sabi nya sabay turo dun sa gilid, meron palang elevator dun.

'Pano nila nagagawa yun? Ang imposible naman nun.' Sabi ko sa isip ko pero sumunod nalang sa kanya.

Nang makapasok kami sa elevator ay bigla akong nakaramdam ng antok, hindi ko alam kung anong nangyayari saakin ngayon at kung ano ano na ang mga nararamdaman ko. Pinikit ko muna ang mga mata ko dahil parang ang sakit na non at gusto ko nalang ipikit...




~~~~~~~~~







Pag kamulat ng mga mata ko ay nakita ko na nasa kwarto ako at nakahiga.

'Wait nasan ako?'

Umupo ako at ginalaw ang ulo ko, medyo masakit iyon pero hindi naman ganon kasakit.

'Parang gusto ko pa matulog.' Sabi ko sa sarili ko at naramdaman na ang lambot pala ng kama,

'Pero first at all nasaang bahay nga ako?' Tanong ko ulit at bigla namang bumukas yung pinto ng kwartong to at niluwa si Zack na mahangin.

"Oh gising kana pala." Sabi nya at lumapit saakin.

"Nakatulog ka kanina kaya binuhat na kita. Dun sana kita sa bahay nyo ipupunta kaso nakalock yun at hindi ko din naman alam kung nasaan ang susi ng bahay nyo kaya dito nalang kita dineretsyo." Sabi nya at tinignan ko lang sya.

"Nagugutom kana ba?" Tanong nya at pinakiramdaman ko naman ang sarili ko.

"Hindi ko alam." Sabi ko at bigla syang natawa, 'anong nakakatawa?'

"Tara dun sa baba pag luluto kita, kaya mo bang tumayo?" Tanong nya saakin at tumungo naman ako.

Tumayo na ako pero nakaalalay pa din sya. 'Ano ba to? Para tuloy akong lumpo.'

"Di ako lumpo, kaya ko tumayo ng sarili ko." Sabi ko at natawa naman sya saakin.

"Ano bang nakakatawa?" Nakakunot noong sabi ko sakanya.

"Haha wala, tara na. Aalalayan kita sa ayaw at sa gusto mo ako." Sabi nya at mas lalong nag salubong ang mga kilay ko at mas lalo naman syang natawa sa reaksyon ko.

"Baliw ah." Sabi ko sakanya at tumayo na mag isa.

"Oo, baliw sayo." Nakangiting sabi nya at tinignan ko lang sya. Yung look na parang nandidiri, naiinis pero nagbublush at nangingiti? Alam nyo yun? Ayun yung itsurang binigay ko sakanya.

"Tara na nga." Sabi ko nalang at nauna ng mag lakad at sumunod naman sya.

"Alalayan na kasi kita." Sabi nya pero di ko sya pinansin at nag patuloy lang sa pag lakad hangang makalabas na ako ng room. Napanganga naman ako ng makita ko ang buong bahay nila.

'Wow nanliit ako ah.'

"Don't worry, this house will be yours soon." Sabi nya habang nakangiti saakin at tinignan ko lang sya ng weird looks habang nakanganga.

"Ewan ko sayo, mauna kana nga." Sabi ko sakanya at natatawa nanaman sya. Well ngiti lang talaga yun pero medyo natatawa sya kaya natatawa na lang sinasabi ko.

"Sabay na kasi tayo." Sabi nya.

"Hayst sige na nga." Sabi ko at hinawakan nya naman ang kamay ko at nag lakad na kami pababa.

"Right now, I'm just gonna imagine that the end of this stairs was an altar and then there, we will get married." Sabi nya at mukhang nag iimagine sya at totoo sa mga salitang binibigkas nya.

"Sinasabi mo?" Sabi ko sabay nguso, hindi ko na itatanggi na kinikilig ako ngayon. Sino ba namang hindi kikiligin kung makikita mo sa harap mo na yung lalaki na yung mismo ang nag iimagine ng kasal nyo. Kahit sinong babae ay kikiligin dyan eh.

Di na sya nag salita pa at nag patuloy nalang kami sa pagbaba, medyo mahaba yung hagdan nila since malaki ng yung bahay nila.

"Dun tayo sa kitchen." Sabi nya at tinuro kung nasan yung kusina nila at dun na kami dumeritsyo.

"Anong gusto mo?" Tanong nya saakin.

"Ikaw." Sabi ko at bigla naman syang ngumiti saakin, at ngayon kolang din na gets kung pano dumating sakanya yun. Namula naman ako at umiwas ng tingin, ang ibig sabihin ko kasi dun 'ikaw bahala'.

"Kahit na hindi mo sabihin, sayo lang ako." Sabi nya saakin habang nakangiti at kumindat pa. Kung titignan mo ang mga mata nya ay malalaman mo na totoo yung mga sinasabi nya, hindi ko alam pero parang sobrang pamilyar nung mga tingin nayun.

"Baliw ka talaga, mag luto ka na nga." Sabi ko sakanya at tinawanan nya naman ako. Kumuha na din sya ng mga ingredients at nag luto na. Well ang masasabi ko lang is ang galing nya mag luto at mukhang sanay na...



My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon