Chapter 12

9 2 0
                                    

CHLOE'S POV


Nagising ako mga 7am na kanina, buti maaga nga ako nagising eh. Bumaba na ako para mag luto na ng kakainin namin ni Amber, nag saing na ako at nag isip kung ano ba ang lulutuin kong ulam. Tinignan ko ang ref namin at nakita ko na meron palang manok dun kaya ayun nalang yung kinuha ko.

"Nice, fried chicken nalang haha." Sabi ko dahil tinatamad din talaga ako.

Kumuha na ako ng mga kailangan ko, dahil lagi namang may stock si mama ng mga pagkain or ingredients dito sa bahay ay di na ako mamomorblema.

Bago ko lutuin yung ulam ay inantay ko munang maluto yung sinaing ko bago ako mag luto ng ulam namin.

Nang maluto na yung sinaing mo ay nilapag ko na lahat ng kailangan ko para dun sa lulutuin kong fried chicken. Harina, dalawang itlog at crispy fry, at syempre yung main ingredient. Di mawawala ang manok, diba may itlog na nga may manok pa. Pero okay lang yan, atleast mag kasama silang mag ina.

"Ummm... pakuluan ko muna kaya yung manok?" Tanong ko sa sarili ko...

"Sige na nga." Sabi ko at pinakuluan muna ang manok, para sure na luto.

Nang sa tingin ko ay okay na yun ay inahon ko na ito at medyo pinalamig muna bago lagyan ng mga sessioning. Syempre palalamigin ko muna, ayaw ko namang mapaso ako no.

Hinawakan ko na yung manok para sana lagyan na ng harina pero mainit papala kaya napaso ako.

Author: Yan! Deserve.

"Deserve mo mukha mo, ikaw kaya mag luto!"

Author: Kaya mo nayan, malaki kana. Babye!

Back to the cooking show.

Author: Cooking show ah, baka story.

"Ginawa mo na kayang cooking show to kakaluto mo."

Author: Ako ba nagluluto?

"Ikaw yung nag susulat."

Author: Ehhhh ako nga ang nagluluto???

"Ikaw yung nag susulat."

Author: Eh sa hindi naman ako yung nag luluto eh.

"Eh sa ikaw nga yung nag susulat eh."

Author: Aba!

"Ano?!"

Author: Oh sino may kasalanan?!

"Ikaw!"

Author: Sino ba nag luluto?!

"Ako."

Author: Oh sino may kasalanan?

"Ako..."

Author: Edi inamin mo din, bye na nga.

Back to the Cooking show.

Nailagay ko na yung manok dun sa harina at pinaikot ikot ko na yun katulad ng pag papaikot ikot nya sayo. At ng mabalot na iyon ng harina ay pinasa ko nayun dun sa itlog katulad ng magpapasa nya sayo sa iba dahil nag sawa na sya sayo. Pag katapos sa itlog ay lumipat na ako sa crispy fry katulad ng pag lipat nya sa iba dahil mas better yung isa sayo. Tapos ay pinaulit ulit ko lang iyon katulad ng ginawa nya sayo pero tinanggap mo pa din sya kasi marupok ka.

Nang natapos ko na lahat icover sa crispy fry ay nag move on na sya sa iba at niluto ko na yung manok at yung puso mo ay naging matigas na...

Author: Awwww:<

Tapos na ang Cooking show!

"Good morning!" Bati saakin ni Amber na mukhang kakagising lang.

"Good morning din." Nakangiting bati ko sakanya at nakita nya yung hinahanda kong pagkain.

"Wow niluto mo yan?" Tanong nya saakin at lumapit.

"Syempre." Sabi ko. "Sige na at kumain kana." Sabi ko at pinag sandukan sya ng kanin at nilagay sa harap nya.

"Wow, sarap naman po nito." Sabi nya. 'Syempre, redflag na yan eh.'

"Sige na kumain kana." Sabi ko sakanya at tumingin naman sya saakin.

"Ikaw po?" Tanong nya saakin.

"Wait lang handa ko lang babaunin mo." Sabi ko sakanya.

"Ako na po mag hahanda nun, kumain kana po para may kasabay ako." Nakangiting sabi nya saakin kaya naman napangiti din ako at umupo na.

Hayst swerte ko sa kapatid ko kahit minsan demonyo.

Nag sandok na ako ng sarili kong kanin at kumuha na din ng ulam, at nag start na kumain. Hoy nagdasal ako bago kumain hindi katulad mo.

Nang matapos na kaming kumain ay tumingin na ako sa oras at 8:30am na.

"Umakyat kana at maghanda, ako na bahala sa baon mo." Sabi ko kay Amber at tumungo naman sya.

Nang makaakyat na si Amber ay inayos ko na ang baon nya at nag leave ng note sa loob ng lunch box nya, meron pa namang space eh. Tapos nag leave din ako ng note sa labas ng lunch box nya syempre at nag iwan ng pera.

Kadalasan pag nandito si mama ang binibigay lang nya kay Amber ay 200, pero dahil ako yung mag bibigay dapat 500 haha.

Pag katapos kong ayusin yung baon ni Amber ay umakyat na din ako para maligo at mag ayos ng kailangan kong dalhin. Habang naliligo ako ay narinig ko na kumatok si Amber at nag paalam saakin na aalis na sya. 10am kasi pasok nya, ako naman 11am. Irregular kasi talaga schedule namin dun sa DMU...

My Writer's Living StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon