CHLOE'S POV
"Ate nagugutom na ako." Sabi ni Amber kaya napatingin ako sakanya.
"Zack, pag may nakita kang fast food dyan mag stop ka ah." Sabi ko at tumungo naman sya. Nag drive pa sya saglit at may nakita kaming drive thru kaya lumiko na agad sya.
"Anong gusto mong pag kain?" Tanong ko kay Amber.
"Umm kahit ano po." Sabi nya. 'Dapat talaga meron sa menu na 'kahit ano po' eh.'
"Hays, gusto mo rice?" Tanong ko sakanya at umiling naman sya kaya tumingin naman ako kay Zack.
"Ikaw?" Tanong ko sakanya.
"Ikaw." Sabi nya na ikinakunot ng nuo ko.
"Yung seryoso." Mukhang naiinis na sabi ko sakanya at tumawa naman sya.
"Kahit ano din." Sabi nya.
'Ang sarap mambatok...'
Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang mag oorder, mabilis lang naman kasi wala namang masyadong tao.
"May i take your order ma'am?" Tanong nung kumukuha ng order.
"Meron ba kayong kahit ano dyan?" Seryosong tanong ko pero tumawa lang sya.
"Wala po." Nakangiting sabi nya at umiling pa.
"Sige, burger nalang tapos fries, tag lilima." Sabi ko at tumungo naman sya. Nag bayad muna ako at pinamove na nya kami para kunin yung order.
"Bat ang dami?" Tanong ni Zack kaya napalingon ako sakanya at saktong inabot na din saamin yung order namin.
"Thank you po ma'am." Nakangiting sabi nung nag seserve.
"Thank you din." Sabi ko at lumingon ulit kay Zack.
"Tag isa kayo tapos saakin tatlo." Sabi ko at nakita kong natawa yung nag seserve, di pa kasi kami umaalis eh.
"Hoy umandar kana, matatraffic na dito." Sabi ko kay Zack at tumawa naman sya ng onti at nag drive na.
"Saan ba tayo?" Tanong nya saakin.
"May tayo ba? Char, dun lang sa palengke." Sabi ko kaya napalingon sya saakin.
"Gusto mo ba?" Tanong nya saakin at umiling lang ako. Narinig ko namang nag ayie yung nasa likod namin kaya tinignan ko ito at pinaninliitan ng mata.
"Haha peace." Sabi ni Amber at nag peace sign. 'Tsk, kulit.'
~~~
"Dito nalang kayo?" Tanong ko sakanilang dalawa ng makarating na kami sa palengke. 'Buti nga bukas pa kahit 7:45 na eh.'
"Sama na ako." Sabi ni Zack.
"Ako din." Nakangiting sabi ni Amber kaya napatingin ako sakanilang dalawa.
"Sino mag babantay ng kotse?" Tanong ko at umiling nalang silang dalawa.
"Dali na ateee." Pamimilit ni Amber at inikutan ko lang sila ng mata pero nagbintong hininga din at pumayag.
Bumaba na kami at binili ang kailangan namin. Si Zack ang taga buhat at ako naman ang nag babayad at nakikipag usap sa tindera. Si amber naman, wala lang, epal lang.
"Ano ayos nato?" Tanong ni Zack at tinignan ko naman lahat yun.
"Oo, ayos nayan." Sabi ko. "Tara na, balik na tayo." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Amber.
~~~
Nasa kotse na"Dun mo nalang ilagay yan." Sabi ko kay Zack at tinuro ang tabi ni Amber, sya lang naman mag isa dun eh haha.
"Akin na." Sabi ni Amber at kinuha yung mga bag at nilagay sa tabi nya.
"Mag start kana." Sabi ko kay Zack at tumungo naman sya at sinunod ang utos ko.
"Marunong kaba talagang mag luto?" Tanong nya bigla saakin kaya napatingin ako sakanya.
"Oo naman." Sabi ko habang proud sasarili ko. 'Kailangan ko din talagang matutong mag luto kasi ako yung ate ng kapatid ko tapos wala ding katulong si mama.'
"Haha sure ka?" Tanong nya at nag oum nalang ako.
"Ikaw? Marunong ka mag luto?" Tanong ko sakanya at tumungo naman sya.
"Anong mga niluluto mo?" Tanong ko sakanya at tumingin naman sya saakin saglit.
"Prito." Sabi nya habang seryoso kaya naman natawa ako. Natawa ako kasi yung mukha nya HAHAHA.
"Tsk, napasaya nanaman kita." Sabi nya kaya lalo akong natawa. 'Bat ba ganto tong lalaking to? Kanina bwesit na bwesit ako sakanya tapos ngayon tumatawa nanaman ako. Hays self.'
'Haha mag drive ka na nga lang." Sabi ko nalang at sumeryoso.
AMBER'S POV
Nandito lang ako sa likod nilang dalawa at tinitignan sila.
'Grabe naman, parang wala ako dito kung makatawa si ate ah.'
'Invisible na kaya ako?' Tanong ko sa sarili ko.
Author: Landi ng ate mo no?
'Oo nga author, joke lang. Baka sumbong mo pa ako eh.'
Author: Hindi ah, suportahan pa kita eh.
'Hayst, mga demonyo nga naman.'
Author: Haha ganon talaga.
'Author may tanong ako.'
Author: Nag tatanong kana.
'Ay.'
Author: Haha joke lang, ano ba yun?
'Bat mo nilipat POV saakin?'
Author: Wala na akong masulat eh, sige na. Ikaw na mag tuloy ng story.
'Ge babye!'
Makalipas ang ilang minuto ay tumahimik na ang paligid, char. Nag dadaldalan pa din sila ate at ako naman dito ay nakatingin sakanila at ngumunguya ng fries.
'Mauubos na to pero di nila napapansin kasi busy sila mag usap.' Tinignan ko nalang yung kinakain ko, nakakatatlo na ako hehe.
"Uy Amber." Biglang tawag saakin ni ate.
"Bakit po?" Tanong ko sakanya.
"Sinolo mo na yung fries dyan, di ka namimigay." Sabi ni Ate sabay nguso.
"Busy ka eh, so ako nalang kumain." Sabi ko sabay ngiti...
BINABASA MO ANG
My Writer's Living Story
FantasyNaniniwala ka ba sa past life? Pano kung ang mga hilig mong gawin ngayon ay hilig mo ding gawin noon? Katulad ng pag babasa, pero ang pinagkaiba lang ay ikaw ang gumagawa ng storya. Pano kung habang may ginagawa kang storya ay namatay ka? Pano kung...