CHLOE'S POV
Katatapos ko lang basahin nung 'Taste Of Love' huhu. Gusto ko sana maging sila sa dulo pero bat ganon si author?! Ang daya di man lang nalaman ni Sky na may gusto si Drew sakanya huhu. Nag puyat pa naman ako para lang tapusin yun tapos ganon yung dulo? Nasan ang hustisya?!?
"Hayst tulog na nga ako mag aalas tres na." Sabi ko then higa. Syempre dapat mag dasal muna kaya nag dasal muna ako, at natulog na...
"Chloe..." May babaeng tumatawag saakin.
"Chloe..." Tawag ulit.
"Sino yun?" Tanong ko.
"Chloe..." Tawag nanaman nya 'sino bayun naiirita na ako ha.
"Sino kaba?" Tanong ko then may bigla akong nakitang babaeng umiiyak...
"Okay kalang?" Tanong ko sakanya at lalapitan na sana sya pero di ako makagalaw. Tumingin sya saakin at nakita ko ang kagandahan nya. Para ngang pamilyar yung mukha nya pero di ko matandaan kung saan ko sya nakita.
"Tapusin mo ang sinumulan mo... please..." Sabi nya na parang nag mamakaawa at bigla nalang nawala.
Bigla nalang din ako nagising sa panaginip ko nayun.
'Para saan yun?' Tanong ko sa utak ko. 'Hayst kakabasa ko to nang wattpad at mga libro.' Dagdag kopa. Tumingin naman ako sa orasan at 8 na agad? Parang kakatulog kolang ah, bumangon nalang ako at nag hilamos, bumaba nadin ako at nakita kong naka upo na yung kapatid ko na si Amber. Mas bata sya ng 6 years saakin at 18 na ako.
"Hoy wala kabang pasok ngayon?" Tanong ko sakanya at kumuha nang tinapay at kinain.
"Eh?" Masungit na tanong nya, tinaasan ko naman sya nang kilay.
"Ano eh kadyan ehin ko mukha mo eh." Sabi ko.
"Rude." Sabi nya pa. 'Haha anyari sa kapatid ko'.
"Anong rude kadyan, sagutin mo nalang kasi tanong ko." Natatawang sabi ko.
"Ate lutang kaba?" Tanong nya napinagtaka ko.
"Huh may nakakalimutan ba ako?" Tanong ko.
"Ate thursday na 1pm pa pasok ko at ikaw 9 ang pasok nyo ngayon." Sabi nya.
"Then?" Takang tanong ko, tinaasan nya naman ako ng kilay na nag sasabing may nakalimutan ako. Nag isip naman ako saglit at...
"Shit.." sabi ko 'ang bobo huhu. Minadali ko ang pag kain ko dun sa tinapay na nasa bibig ko at nag madaling bumalik sa kwarto ko at naligo. Pag katapos kong maligo, tumingin ako sa orasan at takte 8:45 na sana malate teacher namin huhu.
Bumaba na ako at nag sabi kay mama na aalis na ako. Humalik lang ako sa pisngi ni mama at lumabas na lumapit ako sa kotse ko at nag maneho na...
Pag dating sa school 8:56 na huhu. Dapat talaga 20mins ang byahe pero binilisan ko pag mamaneho buti nalang wala masyadong traffic. Nag park na ako ng sasakyan at nag madaling pumunta dun sa building namin at nakarating sa room. Hayst buti nalang wala pa si Miss. Umupo na ako at saktong pag upo ko kakapasok lang ni Miss De Vera sa classroom.
"Wow galing sakto ah." Nakangising sabi ng katabi ko.
"Shut up Ash pag tayo nahuling nag uusap dito lagot tayo." Sabi ko at buti nalang tumahimik na sya. Nakinig nalang ako at pag katapos nang dalawang subject at 12pm na ay break na. By the way 2 hours pala break namin at pwedeng umuwe sa bahay pero nag iistay lang ako dito at pumupunta sa library. Pero ngayon pupunta muna ako sa canteen kasi na gugutom ako di din ako nakapag baon kanina kakamadali.
Nangmakarating sa canteen ay umorder na muna ako. Pinaplastic ko, pwede naman eh. Then umalis na at dumiretso sa library, ayaw ko dito sa canteen maingay, buti pa dun sa library hindi. Kasi mag babasa ako at need ko ng silent. Btw dun lang pala ako banda sa labas pumipwesto lagi para kung may kailangan mga classmate ko saakin nakikita agad nila ako.
Umupo na ako at kinuha yung book na 'Taste Of Love' at sinuri ito. Habang tinitignan ko ito biglang may nag salita sa likod ko.
"How did you get that book?" Tanong nya di ko kilala to beh baka kidnapper char, pero okay lang kung kidnapin nya ako gwapo naman si koya eh hehe.
"Why did you ask?" Tanong ko marunong naman ako mag english pero minsan boplak sa grammar.
"Wala lang, dadalawa lang kasi ang copy nyan at yang hawak mo ang original." Sabi nya, marunong naman pala mag tagalog si koya, english english pa kala ko ma tetesh na english vocabulary ko eh.
"Ay weh?" Tanong ko.
"Yep so yung tanong ko, saan mo nakuha yan." Tanong nya ulit.
"Dyan lang sa history room, di ko nga alam kung bakit may book na ganto dun eh naligaw ata." Sabi ko.
"Btw pano mo nalaman na ito ang original?" Tanong ko.
"Nasaakin yung isang copy." Sabi nya. Wait baka pwede ko tong tanungin hehe.
"Pwede mag tanong?" Tanong ko.
"Nag tatanong kana." Sabi nya 'ay pilosopo'
"Okay. So kilala mo ba author nito?" Tanong ko.
"Yes." Sabi nya nakinatuwa ko.
"Pwede malaman kung sino?" Tanong ko ulit.
"Para saan?" Tanong nya.
"Wala lang curious lang ako kasi bat ganon yung ending." Sabi ko sabay pout pero tinanggal ko din agad.
"Nabasa mo na?" Tanong nya na parang di makapaniwala.
"Oo tinapos ko nang isang gabi." Sabi ko habang proud sasarili.
"Pwede mag tanong ako?" Tanong nya
"Oo naman pero wait upo ka muna kanina kapa nakatayo eh." Aya ko sakanya. Sabay alok ng upuan....
BINABASA MO ANG
My Writer's Living Story
FantasyNaniniwala ka ba sa past life? Pano kung ang mga hilig mong gawin ngayon ay hilig mo ding gawin noon? Katulad ng pag babasa, pero ang pinagkaiba lang ay ikaw ang gumagawa ng storya. Pano kung habang may ginagawa kang storya ay namatay ka? Pano kung...