CHLOE'S POV
Tapos na lunch*
"Uy sino yung kasama mo kanina?" Tanong ni Ash ng makaupo ako.
Mag kausap lang pala kami ni Zack kanina hangang mag 1:40pm na, ngayon 1:45pm na at malapit na mag 2pm kaya bumalik na ako dito sa classroom.
"Ang aga mo naman." Sabi ko kay Ash kasi madalas ay lagi syang late.
"Wala akong ganang lumabas eh, gusto kolang dito." Sabi nya kaya naman tumungo nalang ako.
"So sino nga kausap mo kanina?" Tanong nya ulit.
"Bakit?" Nakangiting tanong ko sakanya, gusto ko syang asarin haha.
"Wala lang, sino nga yon?" Tanong nya ulit kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko, at tinaasan nya naman ako ng kilay.
"Trip mo?" Magkasalibong ang kilay na sabi nya.
"May gusto ka dun no?" Nakangiting sabi ko at pinindot sya sa tagilidan, gagi ang tigas haha.
"Yuck, di ako bakla Chloe, baka gusto mo halikan pa kita eh." Sabi nya pero pabulong lang yung dulo nyang sinabi kaya di ko masyadong narinig, pero sure akong may sinabi syang halik.
"Ha?" Tanong ko dahil di ko naintindihan.
"Hatdog." Sabi nya kaya naman sumimangot ako at natawa sya.
"Nagtatanong ng maayos eh." Sabi ko sabay ikot ng mata.
"Ha?" Sabi nya at mag sasalita na sana ako ng dugtungan nya yun.
"Halaman." Sabi nya at natawa.
"Lakas ng tama ah." Sabi ko sakanya pero di ko din napigilan ang tawa ko.
"Ha?" Sabi nya ulit.
"Ano nanaman yan." Sabi ko sakanya habang nakangiti at umiiling na ang ulo.
"Hydrogen HAHHAHA." Malakas na tawa nya at mag biglang pumasok na kaklase namin kaya tumigil na sya pero natatawa padin, kaya natawa ako sakanya.
"Haha lakas ng tama mo." Sabi ko habang nakangiti at tinignan nya lang ako.
"Hoy kayong dalawa." Sabi nung kaibigan nya na si Jhy.
"Bakit?" Tanong naman ni Ash ng makalapit si Jhy.
"Kaya pala iniwan mo kami kanina ah." Sabi nya habang merong nanunuksong ngiti, nasa likod din pala ni Jhy yung iba pa nilang tropa.
"Ha?" Takang tanong ni Ash sakanila, pati ako nalilito din eh.
"Maang maangan pa, alam naman naming may gusto ka dyan kay Chloe." Nanunuksong sabi nila at mga nag ayieee naman ang mga classmate namin pati tropa nya.
"Lakas ng tama mo, lagot ka saakin mamaya." Banta ni Ash at nakita ko na medyo namula sya, kaya naman napa nganga ako.
'May gusto nga sya saakin???' Tanong ko sa utak ko.
'Wag masyadong delulu, di maganda yan.' Sabi nanaman ng isa kong personality.
'Pero what if?' Yung isa ko pang personality.
'Pano si Koya Zack ko?' Nalulungkot na sabi ng puso ko charot hahahha.
'Mamatay na kayong lahat, babye.' Sabi ko sa sarili ko at bumalik sa tunay na mundo.
Author: HAHAHAHA gagi galing naman, may sarili ka palang mundo?
'Oo naman.'
"Uy tulala ka na dyan." Sabi ni Ash habang kinakaway yung kamay nya sa mukha ko.
"Ay sorry, na zone out." Sabi ko sabay iwas tingin, pag kaiwas ko ay nakita ko si Zack na nakatingin sa bintana namin at biglang umalis.
Hahabulin ko sana sya pero bigla akong hinawakan sa kamay ni Ash kaya napatingin ako sakanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ano.. saan ka pupunta?" Tanong nya saakin at mag sasalita na sana ako ng biglang pumasok ang prof namin, kaya napaupo agad ako.
"Wala yun." Sabi ko, nag taka din ako sa sarili ko bat ako tumayo kanina at nag tangka syang habulin eh wala naman akong sasabihin.
Nakinig nalang ako sa discussion pero na didistract ako dahil feeling ko may nakatingin saakin hangang matapos na ang isang subject ko.
"Bat mo ako tinitignan." Nakasimangot na tanong ko kay Ash at nanlaki naman ang mata nya. 'Ano kala nya saakin di ko malalaman, duhhh.'
"Ah wa-wala yun." Sabi nya sabay iwas tingin.
"Haha sige na, alis na muna ako." Sabi ko dahil meron pa naman kaming 30 minutes para lumabas, maaga lumabas prof namin eh.
"Chloe." Tawag ni Ash saakin at hinawakan nanaman ang kamay ko. 'Problema nito, lagi nalang makahawak.'
"Ayieeeee." Hiyawan ng mga kaklase namin, kaya naman namula ako sa hiya at inalis ang kamay nya.
"Ay sorry, ano..." Sabi nya, mukhang may gusto syang sabihin kaso di nya masabi.
"Ano yun?" Tanong ko sakanya.
"Hayst, wag na nga." Sabi nya at bigla nalang tumayo at umalis.
''Eh?'' Ang nasabi ko nalang.
BINABASA MO ANG
My Writer's Living Story
FantasíaNaniniwala ka ba sa past life? Pano kung ang mga hilig mong gawin ngayon ay hilig mo ding gawin noon? Katulad ng pag babasa, pero ang pinagkaiba lang ay ikaw ang gumagawa ng storya. Pano kung habang may ginagawa kang storya ay namatay ka? Pano kung...