Ang pagiging isang 3rd year college student ay hindi madali, duhh! Ikaw ba naman tambakan ng madaming gawain, ewan ko lang kong di sasakit ulo mo. Homework dito, project doon’ juskoo! Naiistress ang beauty ko dzai.
Pero kering keri ko naman, lalo na kapag nakikita ko lagi Sir Art, nabubuhay ang dugo ko at sinisipag gawin ang mga projects na binibigay ng mga professor namin. Iba talaga kapag may inspirasyon ka, gaganahan ka talaga gumawa kahit gaano ka pa katamad.
“Uy bakla, dahan dahan lang baka mabulunan ka, jusko ka!” saway naman sakin ng kaibigan kong si Rica.
Fredirico Camposano talaga ang real name niya, He is a gay, pero gusto niya na Rica ang itawag ko sa kaniya, kaya kapag tinawag ko siya sa buo niyang pangalan’ para siyang Dyablo na umuusok ang ilong sa galit. Kaloka diba!
Nasa cafeteria kami ngayun dahil lunch time, umalis kase ako kanina ng bahay na hindi nag aalmusal kaya gutom na gutom na talaga ako.
“Hayaan mo na ako Rica, gutom talaga ako” wika ko naman sa kaniya, sabay subo ng pagkain.
“Ewan ko sayu Lyka, umaalis ka ng bahay ng hindi kumakain, sige ka magkaka ulcer ka talaga sa ginagawa mo” ayan nanaman ang panenermon niya.
Thankful nga ako at nasa Qatar si Mama, dahil kong hindi baka nasira na ang eardrums ko sa kakaputak niya. Para ba naman kaseng bomba ang bunganga non hindi tumigil sa kakatalak. Lalo na’t pasaway pa naman ako at matigas ang ulo.
Wala nga si Mama para sermonan ako, andiyan naman si Rica. Ayy my life.
“Kumain ka na lang kaya jan, kesa manermon ka nanaman, para kang si Mama eh.” Sambit ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Alam niya naman kase na kahit anong panernermon ang gawin niya, di pa rin ako makikinig. Matigas ulo ko remember.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain,, nakatatlong kanin din ako, at ngayun parang sasabog ang tiyan ko sa kabusugan.
Natapos naman kaming kumain , kasunod non ang pag bell hudyat na tapos na ang lunch break. Kaya agad naman kaming bumalik ng room, di ko maiwasan na makaramdam ng excitement ang subject kase ni Sir Art ang sunod, kaya di maiwasang magdiwang ng puso ko. Sa wakas makikita ko nanaman ang future husband ko.
Agad naman akong naglagay ng pulbo at liptint, para kapag makita niya ako di ako hagardo verzosa noh, baka kase maturn off siya kapag nakita niyang oily ang skin ko. Ilang segundo ang lumipas at dumating na nga si Sir Art, pagkapasok niya palang sa room ay agad namang nagtilian ang mga kaklase kong babae. ang haharot ah! Akin yan eh!.
“Goodmorning everyone” baritonong bati nito samin.
“ Goodmorning Sir Buenaventura ” bati naman namin pabalik.
Kahit seryoso lagi ang mukha ni sir Art, di talaga maitatago ang kapogian niya lalo na ngayun. He’s wearing a black turn down collar polo with beige trouser, nakatuck in pa kaya ang cool niya talagang tingnan.
Sir Art is elegant, sabayan pa ng pointed nose na kakasa talaga sa nose challenge sa sobrang tangos ng ilong. Makapal na kilay at mahabang pilik mata, manipis at mapupulang labi, sarap tuloy halikan' two block haircut ang style ng buhok niya, moreno din siya at matangkad. Para tuloy siyang si Richard Gomez dahil sabpagiging Tall,Dark and Handsome nya, pero mas pogi pa din si Sir Art kesa sa kaniya.
“Wag masyadong titigan bakla, baka matunaw yan” napatingin naman ako sa direksiyon ni Rica, at nakita ko ang naglalarong ngisi sa mga labi nito.
Magkatabi kase kami ni Rica sa upuan, kaya kapag si sir Art na ang nagtuturo panay ang panunukso sakin. At isa yun sa dahilan kong bakit ko siya nagustuhan bilang kaibigan, kapal kaya ng mukha niya, kulang na nga lang siya na umamin kay sir Art na may gusto ako sa kaniya eh.
“shhhh, wala namang may sabi na di siya pwede titigan eh, saka yan lang ang tanging magagawa ko ngayun, lalo na’t malabo naman na magkagusto sakin yan”usal ko naman.
Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi ko, pero mas maganda na yung nagpapakatotoo kesa naman bigyan ko ng pag asa ang sarili ko na umasang magugustuhan din ako ni sir Art. Kase imposible talaga yun.
“Ayyy grabe, ang harsh sa sarili bakla, hintayin mong si sir Art ang mismo magsabi sayu na hindi ka niya gusto, para mas masakit. Minsan lang masaktan kaya enjoyi’n mo na” salubong naman ang kilay ko na tiningnan si Rica, nakita ko pa ang pagpipigil ng tawa nito. Akala ko concern siya sa feelings kong walang pag asa, tapos siya Nang aasar pa. Kainis na baklang toh!
“Manahimik ka nga dyan Fredirico” inis kong saad sa kaniya At ang kaninang nang aasar na mukha ni Rica ay di na maipinta ngayun. Galit na galit na siya matapos kong banggitin ang pangalan niya.
See? Ganiyan lang kadaling pikonin si Rica.
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...