KINAUMAGAHAN..
Pababa na ako ng hagdan ng matanaw si Arthur sa couch, nakadekwatro ito ng upo habang nagbabasa ng libro. Suot nito ang kaniyang round vintage eyeglasses na mas lalong nagpapogi sa kaniya. Sinong mag aakala na ang isang kagaya niya ay asawa ko na ngayon.
"Goodmorning." Bati ko sa kaniya.
Binaba nito ang hawak na libro saka ako tinapunan ng tingin.
"You're awake. Can we talk?" Wika nito sa seryosong boses.
Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba, gaano ba ka importante 'yong pag-uusapan namin at ganiyan ka seryoso ang mukha niya.
Nang makababa ako ng hagdan ay umupo ako sa one seat sofa na nasa harap nito.
"A-ano p-pag-uusapan natin?" Nauutal kong tanong sa kaniya.
"Me and Chelsea are planning to get married soon." Panimula nito.
Hindi ko alam kong dapat ba akong masaktan sa sinabi nito, ano naman ngayon kong ikakasal sila edi best wishes.
"C-congrat's." Sambit ko.
Mabilis akong tumayo para sana umalis na, ayaw ko ng makinig sa susunod nitong sasabihin dahil nararamdaman kong unti-unti ng kumikirot ang puso ko.
"After you gave birth, I want us to divorce."
Para akong nabingi sa salitang binanggit nito. Divorce? Gusto ko na talagang umalis no'n pero parang hindi ko magawang ihakbang ang mga paa.
"Magpapakasal din naman pala kayo eh, bakit mo pa ako pinakasalan?"
"We all know that our wedding was a temporary, kaya ko 'yon ginawa dahil para ingatan 'yong propesiyon ko. I'am a Professor, Lyka at labag sa rules ng paaralan na makipagbahay-bayan ako sayo na hindi tayo kasal."
Natawa ako ng pilit sa tinuran nito, akala ko sa kabila ng kabaitang pinapakita niya sa akin ay natutunan niya na akong mahalin. In the end, ako pa rin pala 'yong talo at si Ms. Chelsea pa rin ang panalo.Minsan nakakainis na 'yong pagiging prangka niya, nakakasakit na kasi eh!
"Kong ayaw mong makipagbahay-bahayan sa'kin so dapat in the first place hindi mo na ako pinatuloy rito. Sa lahat ng ipinakita mong concern lahat 'yon peke and to be honest napakaduwag mo!"
Nagawa ko ng bulyawan ito dahil sa sama ng loob, nasasaktan na naman ako dahil sa pagiging marupok.
Hindi na ako nadala kahit paulit-ulit niya na akong dinudurog, ilang beses na akong nagpapakatanga pero hindi pa rin ako natuto.
"Lyka, calm down. Walang patutunguhan 'tong usapan kong mgpapadala ka sa init ng ulo."
"Fuck you! Alam mo nagsisisi ako ng paulit-ulit kong bakit ikaw 'yong lalaking pinili kong mahalin kahit sobrang sakit na. Fuck you! Konting lambing mo lang bumibigay na agad ako, pero sa kabila ng sakit na ibinigay mo sa akin nandiyan pa rin 'yong pagbabakasakali kong dumating 'yong araw na matutunan mo rin akong mahalin." Lintanya ko.
Ayaw kong maging kaawa-awa sa harap niya pero dahil sa sobrang sama ng loob ay hindi ko napigilan ang sariling maiyak, sana dumating talaga 'yong araw na maging bato na 'yong puso ko dahil sa sakit at sana tuluyan na siyang mabura sa buhay ko.
Kapag galit ako ay lumalabas ang tunay kong ugali kaya nagawa ko siyang murahin pero nong mga oras na iyon ay hindi ako nagsisi, he deserve's it actually.
"I'll give you a time to think and I hope sa pagdating ng divorce paper ay handa ka ng para pirmahan iyon." Saad nito.
Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga nito bago siya tuluyang umakyat sa taas, naiwan akong luhaan sa baba habang nagpipigil ng hikbi.
Sobrang bilis talaga ng mga pangyayari, kong gaano kabilis ang kasalang naganap ay gano'n din iyon kabilis na natapos.
Laging unfair 'yong mundo sa akin, sobrang sama ko bang tao para paulit-ulit makaranas ng sakit. Una si Papa ngayon naman si Arthur, patayin na lang kaya nila ako kesa naman pinapahirapan nila ako ng ganito.
"Tahan na, Gurl" Pag-aalma sa'kin ni Rica.
Pagkatapos ng naging usapan namin ni Arthur ay inilabas ko lahat ng sama ng loob kay Rica, iyak lang ako ng iyak habang 'yong impakta ko namang kaibigan ay nagawa pang magpatugtog ng malulungkot na kanta.
"Ano bang mali sa'kin? Bakit ang hirap-hirap kong mahalin." Naluluha kong wika.
Sobra na akong nahihirapan sa sitwasyon at hindi ko alam kong kakayanin ko pa, basta ang alam ko ngayon, ayaw ko munang makita si Arthur. Pilit lang akong pinapakalma ng kaibigan sa pighating pinagdadaanan ko ngayon, sana pagkatapos ng iyak na 'to ay mabura na rin lahat ng nararamdaman ko para kay Arthur.
Nang kumalma na ay saka naman nagpaalam si Rica para kuhanan ako ng tubig,ang laki talaga ng pasasalamat ko sa kaniya. Sa kabila ng saya at lungkot na nararamdaman ko,lagi pa rin siyang nandiyan para damayan ako.
Hindi pa man nakakabalik si Rica ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa isang lalaking pabigla-bigla na lang pumasok sa loob ng condo ng kaibigan ko.
"Sino ka?" Agad kong tanong rito.
Hindi niya ako sinagot habang kinikilala ako ng mga mata nito, nakasuot siya ng three peace suit at nakaka-agaw ng atensiyon ang kabilang kilay nito na my ahit, isama na rin 'yong itim nitong hikaw.
Minsan ko ng nakita ang ganiyang hikaw pero dahil nga makakalimutin ako ay hindi ko 'yon maalala, pamilyar din sa akin ang mukha niya at parang nagkita na kami noon.
"L-lyka?" Saad nito.
Kilala niya ako? Teka, minsan ko ng nakita ang lalaking 'to pero hindi ko talaga maalala kong saan.
"Lester, nandito ka na pala." Wika ni Rica.
Lester? As in 'yong Lester na naka-blind date ko nong college? Umiiling ako na tila ba hindi ako makapaniwala, muli na naman kaming nagkita pero sa pagkakataong 'yon ay malaki na ang pinagnago niya at mukhang mayaman na siya ngayon.
"L-lester?" Nag-aalangan kong wika.
"Long time no see,beautifull lady."
Nagulat ako sa sinabi nito, siya nga 'yong Lester na 'yon dahil hinding-hindi ko makakalimutan 'yong huling salitang binanggit niya pero mas ikinagulat ko ng bigla ako nitong lapitan at niyakap.
A/N: At ayon na nga ho!!!😁 katatapos ko lang ng Complete Story ng "My Possesive Mafia Boyfriend" sa mga hindi pa nababasa naku, wag kana pahuli pa beshy ko! Kung ayaw mong mahuli😂 abang abang tayo sa iba pang updates😀🤣 masyadong magulo pa ang isip ko kaya pautay utay na update lang tayo...WAG KAYONG WILDDDDD!!!!
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...