CHAPTER 23

1.3K 13 0
                                    

"Is  that true? You're pregnant?" Paninigurado ni Arthur.

Tumango ako sa kaniya bilang pag-sang ayon.

Nasa sala kami ngayong dalawa habang seryosong nag-uusap,iniwan ako sa kaniya ni Ate at binantaan ito na idedemanda kong sakaling hindi niya pananagutan ang bata.

Hindi ko naman ginustong umabot ang lahat sa ganito, unang-una palang sinabi ko ng gulo 'to eh.

"Kahapon ko lang din nalaman-"

"Are you sure na anak ko ang dinadala mo?"

Nagulat ako sa tinuran nito kaya hindi ko maiwasang mainis, pinagdududahan niya ngayon 'yong batang nasa sinapupunan ko at alam ko ng mangyayari ito. Padabog akong tumayo saka ko siya matalim na tiningnan.

"Expected ko ng mangyayari 'to kaya huwag mo ng ipilit na panagutan ang bata kong hindi ka sigurado."

May hapdi sa dibdib ko habang sinasambit iyon, kahit anong gawin ko ay iisa lang ang tingin niya sa'kin.

Isang babaeng kayang  ialay ang sarili sa ngalan ng pagmamahal, pakiramdam ko ay para na akong maduming babae sa paningin niya, kong hindi lang dahil sa maling gabi na 'yon hindi aabot sa ganito ang lahat.

Nagdesisyon na lang akong talikuran siya dahil nararamdaman ko na ang panunubig ng mga mata ko, ayaw ko ng maging mahina sa harap niya kasi nakakapagod na.

Palabas na ako ng bahay nito ng bigla niya ako hilahin pabalik.

"I have to take the responsibility lalo na't may nangyari sa atin, pwede kang tumira dito sa bahay ko for the sake of the baby. Ako na ang bahalang kuma-usap kay Chelsea tungkol rito,"

Gaya ng napagkasunduan ay tumira ako sa bahay niya, nong una tumanggi ako.

Kaya ko naman siguro buhayin ang anak ko ng hindi nangangailangan ng supporta mula sa ama niya pero ang iniisip ko, hindi pwedeng malaman no Mama na buntis ako kaya sumang-ayon na lang ako sa kagustuhan niya.

May pagka-conservative na tao si Mama at kapag nalaman niya ang sitwasyon ko ay paniguradong mapapatay niya ako, nag-usap din kami ni Arthur  na dito muna ako pansamantala habang nagpapahanap pa ako ng apartment kay ate.

Magiging akward lang ang sitwasyon kong titira kami sa iisang bubong na hindi naman namin mahal ang isa't-isa pero sa totoo lang isa sa ikinakatakot ko, ang malaman ni Ms. Chelsea ang totoo.

Maayos ang pakikitungo sa akin ni Nicollo sa loob ng mansiyon pero alam ko namang lahat ng iyon ay dahil sa baby. Nong unang check-up ko kasi ay sinabi ng Doctor na umiwas ako sa stress, mahina daw kasi ang kapit ni baby at ano mang oras ay pwede akong makunan kaya required talaga ang pagdodobleng ingat.

"Just eat vegetables, Lyka. Ang sabi ni Doc, kailangan mo ng pagkaing mayaman sa bitamina para malusog si baby paglabas." Mahinahong usal nito habang sinasalinan ng gulay ang plato ko.

Hindi ako komportable na ganito ang trato niya sa akin ,pakiramdam ko kasi ay ibang Arthur ang nasa harap ko ngayon.

"Hindi mo kailangan maging ganiyan sa akin dahil lang sa napipilitan ka, just act normal gaya ng dati." Sambit ko naman.

Nanatili siyang tahimik kaya bumuntong-hininga na lang ako, dati pinapangarap ko lang ang ganitong bagay , 'yong maramdaman ko kong gaano siya kalambing pero taliwas na 'yon sa kagustuhan ko ngayon.

Alam ko naman kasing peke lang ang lahat ng ito at ayaw ko ng maging marupok kaya mas pinipili ko ngayong maging bato, natatakot na akong mahulog muli sa kaniya.

"What a beautiful view, isang manloloko at isang malandi ay nagsasalo ngayon sa hapag kainan." Nakangiti nitong wika.

Si Ms. Chelsea, anong ginagawa niya rito?

Pareho kaming napatayo ni Arthur sa upuan at ibinaling ang  atensiyon kay Ms. Chelsea na ngayon ay mukhang nag-aapoy na ang mga mata sa galit.

"Chelsea?" Si Arthur.

Hindi niya ito pinansin at dahan-dahang humakbang papalapit sa akin.

"Sa lahat ng hayop sa gubat alin ka doon, Lyka? Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo,  'yong partner ko pa talaga ang inahas mo!" Bulyaw nito.

"Stop it!" Pag-awat ni Arthur kay Ms. Chelsea.

Nagsimula itong humakbang para awatin si Ms. Chelsea pero huli na dahil bigla ako nitong sinampal, hindi ko man nakikita ang pisngi ko ngayon pero nararamdaman kong namumula na iyon.

"Hindi mo alam kong gaano kasakit ang ginawa mo sa akin spoiled brat, Arthur and I are planning our married but you ruined it!"

Lahat ng sisi ay napunta sa akin dahil na din sa kapabayaan ko, kong nagawa ko lang pigilan ang sarili nong gabing 'yon ay hindi aabot ang lahat sa ganito.

Hindi ako nagsalita para ipagtanggol ang sarili dahil alam ko sa sarili kong may mali ako at sobrang nga 'yong sakit na ibinigay ko sa kaniya.

Hinila siya ni Arthur palabas habang naiwan naman ako na mag-isa, hindi ko mapigilang manlumo dahil sa mga sinabi ni Ms. Chelsea, ang hirap at sobrang bigat lalo na't nakasakit ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay muling bumalik si Arthur na namumula ang mga mata, hindi ko alam kong anong dahilan at  gusto ko siyang daluhan nong mga oras na iyon pero nagpipigil lang ako.

"Arthur,Sorry." Mahina kong wika.

"For what? For ruining our relationship? You win, Lyka. Are you happy now?"

Parang hinihiwa ang puso ko dahil sa mga salitang binitawan nito, hindi ko naman sinasadyang masira kong anong mayroon sila, ang sakit lang kasi 'di lang naman ako 'yong nagkamali pero nasa akin lahat ng sisi.

PS: PASENSIYA NA PO KONG PAISA-ISA PO AKO SA PAG-UUPDATE, NIREREVISE KO PO KASI 'YONG KWENTO KAYA MEDYO MAY KATAGALAN ANG PAG-UPDATE. REMEMBER, IM A MOTHER OF MY TWO PRINCESS, AND IM JUST ENJOYING WRITING STORY EVERY TIME NA NASSTRESS AT NAMIMISS KO ANG LAB BIRDS KO😁

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now