CHAPTER 37

1.3K 20 0
                                    

Maaga akong umalis ng bahay para tumambay sa condo ni Rica, nakakabagot naman kasi kong sa bahay lang ako buong maghapon. Nagpaalam na din naman ako kay Arthur at buti na lang ay pumayag siya.

"Ninang ako, Lyka ha." Pangongotrata agad nito.

Kanina pa siya nangungulit na maging ninang kahit na paulit-ulit ko ng sinasagot ng oo. Ewan ko ba sa baklang 'to, iba ata trip nito eh.

"Ang kulit mo, Rica. Baka mamaya mainis na ako at gawin ka na lang na Ninong,"

Tumaas ang kilay nito saka naman siya nag-pose sa harap ko at ipinagmamalaki ang bagong dress na binili nito. Kulay red iyon at halatang mamahalin,

"Ninong? Sa ganda kong to?" Pagtataray nito.

"Damit lang ang nag-iba pero lalaki ka pa rin."

Nag-iba na ang reaksiyon ng mukha nito at mukha ngang napikon na, ayan nagsisimula kasi eh. Hindi talaga ako makapaniwalang sobrang bilis ng araw, kamakailan lang ay anim na buwan akong buntis pero ngayon ay walong buwan na.

"Hindi ba pwedeng ma-excite akong makita ang inaanak ko," sambit nito.

Marahan kong hinaplos ang maumbok na tiyan saka ngumiti, kahit ako ay na-eexcite din sa paglabas ng baby ko pero hanggang ngayon ay wala pa kaming naiisip ni Arthur na pwedeng ipangalan sa kaniya.

"So, kamusta naman kayo?" Biglang tanong nito.

Nakataas ang dalawa kong kilay na tiningnan si Rica.

"Bakit mo naitanong?"

Maayos naman ang naging pagsasama namin ni Arthur, simula nong umuwi kami galing sa Mall ay napapansin kong may nahahalata na ito sa akin.  Ayaw kong malaman niya ang totoo pero binigyan ko lang siya ng senyales para maging handa siya sa kong ano man ang possibleng mangyari.

"Abay malamang, don't tell me lagi pa rin kayong nag-aaway."

Sumimangot ako. " Ayos lang naman kami, naging mas maalaga siya sa akin pero hindi ko masasabi kong totoo ba lahat 'yon o peke."

Ewan ko rin ba sa sarili ko, parang hirap akong paniwalaan kong totoong bumabawi na ba talaga siya sa amin. Minsan niya ng sinabi iyon pero hanggang salita na lang lahat kaya hindi ko mapigilang mag-isip ng kong ano.

"Malapit ka ng manganak, baka kapag nakalabas na 'yong anak niyo eh maging aso't pusa pa rin kayo."

Umiling na lang ako saka nangalumbaba, kong totoo man lahat ng ipinapakitang kabutihan ni Nicollo ay naappreciate ko. Sana nga totoo na 'tong pagbawi niya sa amin.

"May chika talaga ako sayo, Sis."

Heto na naman 'yong pagiging chismosa era niya, minsan mahirap maniwala kay Rica. Sa mukha pa lang aakalain mo ng sinungaling eh.

"Ano na naman 'yang chismis mo? Pagdating sa ganiyan lagi kang active. " Natatawa kong sambit.

"Grabe ka sa akin ha, ganito kasi 'yon Sis. Alam mo ba si Ms. Chelsea nagtangkang magpakamatay,"

Bakas sa mukha ko ang gulat dahil sa tinuran nito, hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kaibigan kong ito. Bakit naman gagawin ni Ms.Chelsea ang gano'ng bagay?

"Ano namang dahilan niya para gawin 'yon? Magtigil ka nga Rica, nagiging reyna ka na ng mga mosang sa kanto."  Ani ko.

"Kong ayaw mo maniwala 'di huwag mo. Kaya lang naman niya ginawa iyon dahil kay Sir Arthur 'yong asawa mo. Balak niyang makipagbalikan pero paulit-ulit lang siya nitong pinagtatabuyan, ang sakit kaya ng ginawa niya at kong ako si Sir Arthur,gano'n din ang gagawin ko."

Kong totoo man ang sinasabi ni Rica ngayon possible kayang 'yon ang dahilan kong bakit nasa Hospital si Arthur kasama si Ms. Chelsea kahapon?

Pilit ko iyong iwinawaksi sa isipan, impossible namang gagawin ni Ms. Chelsea ang gano'ng bagay. Sa ganda niyang 'yan maghahabol lang siya sa isang Arthur Buenaventura, ang pagkakakilala ko sa kaniya eh kulang na lang sambahin siya ng mga kalalakihan.

"Ang desperada niya, sayang ang ganda." dagdag pa ni Rica.

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Rica ay naisipan ko munang bisitahin si Ms. Chelsea. Hindi ko mapigilang makakonsensiya, ako ang dahilan kong bakit sila nasira at 'yon ay dahil sa nabuntis ako ni Arthur, walang mangyayari na ganito kong hindi dahil sa akin.

Pagkarating ko ng hospital ay agad kong tinanong sa nurse kong ano ang  room number nito at mabilis naman iyong ibinigay sa akin.

Habang naglalakad ako sa corridor ay nakaramdam ako ng kaba, ano kaya ang magiging reaksiyon nito kong makikita niya ako ngayon.

Nang marating ko na ang kwarto nito ay nagsimula na akong kumatok ng tatlong beses.

"Come in." Anas niya.

Pinihit ko ang doorknob at tahimik akong pumasok sa loob, nababalot ng katahimikan ang kwarto na iyon at tanging aircon lang ang nagbibigay ng ingay. Nakita ko si Ms. Chelsea na nakatingin sa kawalan, nakasuot ito ng hospital gown habang nababalutan ng benda ang kanang palapulsuhan nito .

"Kamusta ka?" Pambabasag ko ng katahimikan.

Mula sa kawalan ay muli nitong ibinaling ang tingin sa akin, mukhang ayaw ata niya akong makita dahil biglang sumama ang tingin nito.

"What are you doing here, Bitch!" Bulyaw nito.

"Ms. Che-"

"This is all your fault, kong hindi dahil sayo hindi kami maghihiwalay. You seduced him first pero hindi ka pa nakuntento, talagang nagawa mo pa talagang magpabuntis."

Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa kaniya, alam ko sa sarili kong ako ang dahilan ng lahat ng ito kaya hindi ko masisisi si Arthur nong una kong bakit sobra niya akong kinakamuhian.

"Sorry," Iyan na lang ang mga katagang nasabi ko dahil sobra akong naguguilty sa mga nangyayari.

"Ilang beses kong pinapili si Art kong sino ba ang mas matimbang sa atin, but he always choose you."

Sobra na 'yong sakit kaya tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito, kong alam ko lang na aabot sa ganito sana pala umiwas na ako. Para akong napipi nong nga oras na iyon at hindi ko rin nagawang ipaglaban ang sarili.

Lahat ng pangarap na binuo nilang magkasama ay sinira ko kaya umpisa pa lang ay ako na ang naging kontrabida sa buhay nila.

"Ako dapat 'yong nasa sitwasyon mo ngayon, ako dapat 'yong paulit-ulit niyang pinipili. Hindi ko alam kong anong gayuma ang ginamit mo para iwan ako ni Arthur dahil sayo, I forced him to sign that bullshit divorce paper but he always refused."

Tuluyan na ding bumagsak ang mga luha ko nong marinig ko ang paghangulgol nito.

"Sorry Ms. Chelsea.."

"Pero alam mo kong ano 'yong masakit, 'yong sinabi niya sa akin ng harap-harapan na hindi niya kakayanin kong sakaling mawala ka sa buhay niya."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now