Pagkatapos ng gala namin ni Lester ay iniuwi na ako nito sa bahay, nagkaroon kasi ito ng isang emergency call galing sa isa niyang client at urgent daw iyon kaya kailangan niya na itong puntahan.
Pagkapasok ko ng mansiyon ay isang brown envelope agad ang umagaw ng atensiyon ko na nasa taas ng sala table, panigurado iyon na 'yong divorce paper.
Pirme akong umupo sa sofa at agad iyong binuksan, hindi nga ako nagkamali.
Nang-usisain ko ang mga papeles na iyon ay dalawang araw na ang nakakalipas bago iyon dumating pero ang nakakapagtaka lang ay walang pirma iyon kahit si Arthur.
Akala ko ba atat na ata siya sa divorce na gusto niya pero bakit hindi niya mapirmahan ito.
"Ma'am Lyka?"
Mula sa envelope ay napabaling ang tingin ko kay Tala na ngayon ay takot na takot ang mukha. Para namang nakakita ng multo 'tong isang 'to.
"Are you okay? May nangyari ba?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Si Sir Arthur po kasi, umuwi po siya ng bahay kanina na galit na galit at nagwawala. Ngayon po, nakakulong po siya sa kwarto niyo."
Matapos ng sinabi ni Tala ay agad akong nagmadaling umakyat pataas, pagkarating ko sa labas ng kwarto ay naka-lock iyon.
Paulit-ulit naman akong kumatok pero hindi nito binubuksan ang pinto.
"Arthur? Open this door!." Sigaw ko.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ay hindi pa rin ako nito pinagbubuksan kaya napilitan na kong kunin ang duplicate key ng kwarto niya.
Gulat na gulat ako ng makapasok ako sa loob, lahat ng gamit niya at nakakalat, basag din ang malaking salamin nito habang ang lamesa nito ay nakataob.
Nahagip agad ng mga mata ko si Arthur na nakaupo sa gilid, nagdurugo ang kamay nito kaya agad ko siyang dinaluhan. Mabilis kong kinuha sa bag ang panyo bago iyon nilagay sa kamay niya para pigilan ang pagdurugo no'n pero agad nitong hinila ang kamay na hawak-hawak ko.
"I don't need your help." Malamig nitong wika.
Seryoso ko siyang tiningnan habang namumula at namamaga ang mga mata nito sa kakaiyak, hindi ko siya pinansin at muling kinuha ang dumudugo nitong kamay.
"Kusa kong ginagawa 'to na walang hinihiling na kapalit." Saad ko.
Hindi na siya nagsalita kaya inutos ko kay tala na kunin ang emergency kit para magamot ko na ang sugat sa kamay nito.
"Why are you doing this? Sa kabila ng sakit na ibinibigay ko sayo, I don't deserve this kind of treatment. "
"Why not? Dahil ba paulit-ulit mo akong sinasaktan? Tapos na ako do'n unti-unti ko ng tinatanggap ngayon na hindi mo ako kayang mahalin. At ang sabi nga nila, the only way to move on is to accept the fact and move forward for the better tomorrow."
Nakarating na si Tala kaya ginamot ko na ang sugat sa kamay nito, sa totoo lang sobra akong nag-aalala kay Arthur ngayon, gusto ko siyang tanungin kong bakit siya nagkakaganito pero napanghihinaan na ako ng loob.
Matapos ko siyang gamutin ay isa-isa ko ng inayus ang mga kalat sa kwarto nito habang seryoso lang ang panitig nito sa akin.
Nong mga oras na iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang, ginamot ko lang naman siya at hindi niya ako kailangan titigan ng ganiyan.
Habang nagwawalis ay bigla na lang akong nagulat ng maramdaman ko ang pagyakap nito, sobrang higpit ng paghawak nito sa bewang ko habang nakabaon naman ang mukha niya sa leeg ko.
"Arth-"
"Do you want a twins?" Bulong nito sa akin na nagpatindig ng mga balahibo ko.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon, feeling ko para akong nahihipnotismo sa mga yakap nito.
"Baka makita tayo ni Tala," usal ko.
Ramdam ko ang pagbuga ng mainit nitong hininga hanggang sa unti-unti nitong inilapat ang mga labi sa leeg ko na nagpabuhay ng kuryente sa buo kong katawan.
Palalim ng palalim ang paghalik nito kaya mabilis akong kumalas mula sa pagkayakap sa kaniya.
"Akala ko ba move-on ka na, pero konting halik ko lang bumibigay ka na agad." Panunukso nito.
Ang tanga ko para magpadala sa bwisit na ito, pinagloloko lang pala ako ta's nagpadala naman ako agad. Binigyan ko ito ng masamang tingin habang naglalaro ang mga ngiti sa labi nito.
"Your insane!" Inis kong wika.
Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin hanggang sa marahan nitong hawakan ang magkabila kong pisngi.
"Thank you for always there for me,"
Puno ng pag-iingat ng halikan ako nito sa noo, doon ko lang naramdaman 'yong pagmamahal ng isang Arthur Buenaventura pero nong mga oras na iyon ay hindi ako nagpadala sa kaniya. Natatakot na akong mahulog uli sa kaniya baka kasi pagdating sa huli ay ako na naman ang talo.
Kinagabihan nagising ang masarap kong tulog dahil sa ingay ng phone ko, kinuha ko naman iyon sa itaas ng side table at agad iyong sinagot.
"Hello?" Inaantok kong sabi.
"Lyka? Si Kuya Jexter mo ito, nandito ako ngayon sa Bar at.. nandito ang asawa mo. Pwede mo ba siyang sunduin? Lasing na lasing kasi siya eh."
Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi ni Kuya Jexter, binalingan ko ng tingin ng orasan ng mapagtantong ala-una na ng gabi. Madaling araw na ha, anong ginagawa niya roon?
"okay,Kuya." Sagot ko sa kaniya.
Mabilis naman akong bumangon para mag-ayos kasunod no'n ay tinawagan ko na si Rica para magpasama sa kaniya.
Ala una na kasi ng madaling araw at mukhang wala na akong masasakyan pa.
Pagkarating ng bar ay agad kaming sinalubong ni Kuya Jexter, itinuro nito sa akin si Arthur na pirmeng nakaupo sa gilid habang sunod-sunod ang paglagok ng alak.
"Galit na galit na kasi ang Ate mo, anong oras na eh at kanina pa siya tawag ng tawag. Lyka, kailangan ka ngayon ng asawa mo kaya huwag na huwag mo siyang iiwan." Bilin nito sa akin.
Umalis na ito habang ako naman ay naglalakad papalapit sa direksiyon ni Arthur. Nakabukas na ang tatlong butones ng polo nito at nakakailang baso na din siya ng alak, ano ba talaga ang problema niya? Kanina okay naman siya, nagawa pa nga akong asarin eh.
"Arthur, uwi na tayo." Pagyaya ko dito.
Ibinaling nito ang tingin sa akin saka naman sumilay ang mga ngiti sa labi niya.
"Lyka, ang napakaganda kong asawa. Come here, samahan mo akong uminom." Nakagising niyang sambit.
Hinila ako nito para umupo sa tabi niya pero bigla kong pinitik ang noo nito dahilan para mag-iba ang reaksiyon ng mukha niya.
Ala una na ng madaling araw ta's nandito lang siya nakikipag-inuman, hindi man lang ba niya inisip na buntis ako.
"Tumayo ka na diyan at umuwi na tayo, kong hindi lang ako buntis baka hinamon na kita ng one on one sa alak!" Iritable kong wika.
Ngumuso lang ito sa akin saka niya ako hinila para yakapin, ilang saglit pa ay kumalas siya ng yakap at inihiga ang ulo sa umuumbok kong tiyan bago iyong marahan na hinaplos.
"Baby, huwag mong gagayahin si Daddy na laging sinasaktan si Mommy ha. Magpakabait ka at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayong dalawa."
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...