CHAPTER 16

1.4K 18 0
                                    

Tahimik akong nakadungaw sa bintana ng Kotse habang binabaybay namin ang daan papuntang NAIA, sa sobrang bilis ng paglipas ng araw 'di ko inaakalang ngayon na pala ang alis ko.

Si Rica lang ang naghatid sa akin dahil biglang nagkaroon ng emergency meeting si ate Lillianne at naiintindihan ko iyon.

Hindi ko alam kong ano ba dapat ang maramdaman ko nong mga oras na iyon, dapat ba akong maging masaya dahil makakalimutan ko na si Sir Art, pero ang tanong makakaya ko kaya?

Natigil ako sa pagmuni-muni ng makarating na kami sa Airport, ibinababa na lahat ni Rica ang mga gamit ko bago ako nito mahigpit na niyakap.

"Lyka? Sigurado ka na rito? Pwede ka pang magback-out dhzai," nalulungkot niyang wika.

Gusto ko ng maiyak no'n pero pinipigilan ko lang, eto na 'yong naging desisyon ko kaya ang dapat ko na lang gawin ay ang panindigan ito.

"Sure ako rito, saka babalik pa naman ako e."

Masakit man ang dibdib pero nagawa ko pa ring ngumiti, hindi na daw ako ihahatid ni Rica sa loob dahil baka daw maiyak lang siya, napakadrama kasi ng baklang 'to.

Tuluyan na akong nagpaalam sa kaibigan bago nagdesisyong pumasok na sa loob.
Habang naglalakad sa loob ng Airport ay sandali akong napahinto para kunin ang cellphone na nasa bulsa ko, hindi ko alam kong tama ito pero isa-isa kong dinelete lahat ng social media accounts ko.

Gusto kong magsimula ngayon ng panibagong yugto ng buhay ko at bago ko gawin 'yon, buburahin ko muna si Sir Art sa buhay ko.

May natutunan naman akong aral sa naging buhay ko dito sa Pilipinas, huwag mong ibuhos lahat ng pagmamahal na mayroon ka at matuto kang magtira sa sarili. Ika nga nila love youself muna bago ang iba, sa tingin ko ay dapat ko ng isara ang pahina na mayroon kaming dalawa at muling gumawa ng bagong kabanata na hindi na siya kasama.

Hila-hila ang maleta ay nakangiti akong naglalakad papunta sa panibagong ako.

~DOHA,QATAR~
        (3 years Ago)

"Badtrip! Talo na naman." Inis kong  wika sa sarili at pabalang na tinapon ang cellphone sa sofa.

"Sabi kasi sayo lykatot, matatalo ka lang. Pinagbibigyan na nga kita para manalo kaso napakahina mo." Pang-aasar ni Kuya Jaxon.

Paanong hindi ako matatalo kong kanina pa niya ako dinadaya, humalakhak pa ito ng tawa habang nakahawak ang kamay sa tiyan. Paborito naming laruin ni Kuya  ang Mobile Legends at lagi niya ako doong dinudurog kapag hinahamon ko siya ng 1v1..

"Ang daya mo," pagmamaktol ko.

Asar tawa lang ang ginawa nito kaya nong napikon na ako ay binato ko ito ng tsinelas. Bwisit!

Sa loob ng dalawang taon ay naging maganda ang buhay ko dito sa Qatar, nong una nahirapan akong mag-adjust lalo na sa pakikisalamuha sa ibang tao at buwan din ang lumipas bago ko ito kinasanayan.

Nakatapos ako sa kursong  BS Phsycology, pero dahil nga pinapairal ko na naman ang katamaran ay naging tambay lang ako dito sa bahay.

Kong hindi niyo naitanong si Kuya Jaxon ang pangalawa sa panganay, isa siyang Professional Engineer kaya kahit maging pambasang tambay lang ako dito sa bahay ay supurtado niya kami.

"Madaya ka diyan, mahina ka lang talaga. Saka ang sakit no'n." Pagtukoy nito sa pagbato ko sa kaniya ng tsinelas.

Sumimangot na lang ako habang napakamot naman siya ng ulo, totoo namang madaya siya e. Napaka sinungaling talaga.

"Tama na 'yan, Lyka! May balak ka pa bang kumain, anong oras na!" Ayan na ang Dragon.

Napabaling ang tingin ko dito habang naghahain ito ng pagkain sa hapag-kainan, nawilli na ako sa kakalaro kaya nakalimutan ko ng kumain ng agahan at tanghalian.

"Heto na nga po,"

Nagsimula na akong magsandok ng kakainin habang si Kuya naman ay umalis para kitain ang kliyente nito, nakangiting tumabi sa akin si Mama at marahan nitong hinahaplos ang buhok ko.

"Nak, uuwi tayo ng Pilipinas sa susunod na araw kaya magligpit ka na ng mga gamit mo." Utos ni Mama na ikinagulat ko.

"Bakit naman, anong mayroon?"

Bakit biglaan naman ata ang desisyon ni Mama na umuwi, kong kailan nag-eenjoy na ako rito sa Qatar e saka naman siya magkakaganiyan. Kaya nga ako pumunta rito dahil may tinatakasan ako doon ta's babalik na naman do'n.

"Ikakasal na ang Ate Lillianne mo kaya dapat lahat tayo nando'n."

Nabulunan naman ako bigla sa sinabi ni Mama, akala ko ba sakit sa ulo ang boyfriend ta's ngayon mababalitaan kong ikakasal na siya.

Akala ko nong una ay nagbibiro lang siya nang sabihin nitong magpapakasal siya at syempre ako naman sinakyan ko lang 'yong trip niya kaya nagawa ko pang manghingi sa kaniya ng pamangkin ta's bigla niyang totohanin.

"Hay naku ma, kayo na lang, Wala akong balak umuwi."

"At bakit naman? Importanteng araw iyon ng ate mo kaya dapat sumama ka, wala ka naman ibang ginawa dito kundi ang maglakwatsa." Panenermon nito.

Argh! Nakakainis, kailangan kong makausap si Ate tungkol dito at alam kong maiintindihan niya ako kong sakaling hindi man ako umattend ng kasal niya, basta hindi ako uuwi. Dati rati lang ayaw na ayaw kong pumunta ng Qatar pero mukhang bumabaliktad ata ang sitwasyon ha.

Sa totoo lang ay gusto ko na talagang umuwi ng Pilipinas dahil miss na miss ko na sila Rica at Ate, napapangunahan lang kasi ng takot na baka muling magtagpo ulit ang landas namin ni Arthur. Alam kong maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon, pero sa ngayon ay hindi pa ako handa para bumalik doon.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now